39th

677 26 4
                                    

Enjoy the remaining chapters! Unemployed pa ang person kaya hinahabol ko ang update. Thank you so much, guys! 

Chapter 39

Sabi nga nila pahalagahan mo habang nasa tabi mo pa. Kaso nakalimutan ko iyon. Nakulong ako sa hinanakit at tampo. Nakulong ako doon kaya ngayon may pagsisisi ako. Paano kung kinausap ko si papa noong huling tumawag siya? Okay kaya kami bago siya nawala?

Excited si papa sa pag-uwi kaso sakto na graduation day ko ang flight niya kaso iba ang nangyari.

Pero sabi nga ni mama huwag ko na ikulong ang sarili ko sa bagay na hindi naman inaasahan mangyayari. Pero minsan hindi ko rin kasi maiwasan.

Kasabay ng paghulog ko ng puting bulaklak ay ang sulat na ginawa ko na naglalaman ng lahat. Inaalalayan namin si mama dahil ito na ata ang pangalawa sa grabe niyang pag-iyak mula noong nalaman namin na wala na si papa. Ganoon din naman ang ginawa ng mga kapatid ko. Kasabay ng bulaklak ang sulat.

Nakaalalay din si Kir sa akin dahil pakiramdam ko ano mang oras ay matutumba na lang din ako. Nagpapakatatag lang ako kasi paano na lang kung pati ako manghihina? Alam ko na tinatatagan lang din ni Brylle para sa amin.

Nakipaglibing ang buong pamilya ni Kir na ikinagulat ko. Nagmessage naman si Carsen na humihingi ng tawad dahil hindi niya maiwan ang kambal. Naiintindihan ko naman. Nanood din sina Zette, Jelay, Jozh, Vera, at Gaudence.

Niyakap ako ng mama at kuya Kleo ni Kir habang tinapik naman ng papa niya at ng kuya Kody niya ang balikat ko bago nagpaalam. Nauna na rin sina Lola umalis dahil muntikan pa itong mahimatay. Naiwan kami ng pamilya ko habang nag-aantay naman sa labas si Kir.

Hinayaan namin ang sarili namin na magluksa at mapagod umiyak. Nang magsimula ng pumatak ang ulan ay inalalayan na nina Brylle at Bea si mama para ihatid sa sasakyan. Nanatili naman na muna ako at doon mas lalong umiyak. Nakaluhod na ako sa panghihina habang malakas na umiiyak.

"Kakayanin ko, pa. Promise... kakayanin ko."

Nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng isang tao alam ko na kaagad kung sino iyon.

"Kir."

"Hush... it's fine. I'm here. I won't let you alone. Nandito lang ako... palagi, Bryce."

Pinagod ko ang sarili ko sa kakaiyak bago tuluyang nawalan ng malay. Nandilim na lang ang paningin ko at wala na akong ibang maalala basta ang alam ko sambot ako ng taong pinagkatiwalaan ko.

Nagising na lang ako sa k'warto ko sa bahay. Ilang oras na rin daw akong tulog kaya nakauwi na pala kaming lahat. Umuwi na raw muna si Kir para ihatid ang kuya Kleo niya sa airport.

***

Makalipas ang ilang araw ay nag-enrol ako sa isang review center. Sinabihan ako ni mama na huwag na muna pero ako na mismo ang nag-insist. Tinulungan naman ako ni Kir dahil bigla na lang siyang sumabay sa akin.

"Bryce, don't push yourself that much. It's fine. Sa susunod na lang... please, anak."

Nginitian ko si mama para ipakita na okay lang. Na handa ako.

"Ma, gusto ko na matapos ito. Kakayanin ko. Kung hindi titigil ako... kung hindi ako makapasa eh di sa susunod na lang. Pero, ma, gagawin ko ang lahat para maipasa ko ito. Isang take!"

Nagreview kami magkasabay ni Kir. Nanatili ako sa unit niya pero sinabi ko na hindi ko pa kaya masyado magfocus sa ibang bagay maliban sa pagrereview kaya talagang magkahiwalay kami sa k'warto. Nagkikita lang kami para kumain o kaya naman kapag lalabas kami para magpahinga.

Ayaw ko madistract lalo na at ilang buwan na lang ay exam na. Talagang sunugan ng kilay. Sayang din naman kasi ang gastos kung hindi ko maipapasa ng isang take lang.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon