37th

650 25 1
                                    

Chapter 37

Sina lola ang umayos ng lahat. Sa isang chapel ibinirol ang mga labi ni papa. Samantalang kami nagmumukhang bisita lang. Favorite ni lola si papa sa tatlong magkakapatid. Pero hindi iyon naging dahilan para maging paborito kami. Malayo ang loob namin sa pamilya ni papa. Hindi si mama ang gusto nila kay papa pero wala silang nagawa dahil dumating na ako.

Ngayon na nandito na si papa wala akong kinakausap kahit sino. Tulala lang ako nakatingin sa mga bulaklak na nakapalibot kay papa. After 2 days after graduation ay dumating na si papa dito. Nang makita ko siya hindi ko talaga kayang tanggapin.

"Kuya, kain ka muna." Hindi ko nilingon si Bea kahit naririnig ko naman siya. "Kuya, buong maghapon ka ng hindi kumain kahapon. Please... kumain ka naman oh."

Pabalik-balik na si Kir pero wala hindi ko man lang siya magawang kausapin. Everytime kasi na magsasalita ako parang maiiyak ako kaya pinili ko na lang manahimik dahil pagod na ako umiyak. Pagod na pagod na.

Nang makita ko sina Lola ay tumayo na ako saka naglakad papalabas. Nakakawalang gana kapag nakikita ko sila. Kung hindi kay papa alam ko na hindi rin magtatagal si mama sa lugar na kasama sina Lola. Hindi ko maatim na makita sila. Pagkarating ko sa labas ay nagulat si Kir nang makasalubong ako. Kakababa niya pa lang sa sasakyan mukhang may bagong sasakyan siya. Hindi na motor ang dala niya.

Nang makalapit siya ay lumapit ako at isinandal ang noo ko sa balikat niya. Nanatili lang akong nakapikit habang naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo at marahan niya itong hinahaplos.

Hindi sana ganito kung buhay pa si papa.Hindi sana ganito ang lahat. Hindi sana nakakatampo. Hindi sana nakagagalit. Hindi sana malungkot. Hindi sana ganito.

"Kumain ka na ba? Sabi ni Bea, hindi ka pa kumakain."

Nanatili akong hindi nagsasalita. Halata sa boses niya ang pag-aalala. Nagiguilty ako na minsan hangin na lang ang mga tao sa paligid ko. Parating nasa tabi ko si Kir pero ngayon lang ako lumapit at sumandal sa kaniya.

"Wala akong gana."

Halos walang gana kong sagot. Ni ayaw ko ng magsalita eh. Kaso ilang araw na rin na hindi ko siya kinakausap. Wala ako masyadong kinakausap.

"Baby."

I remembered I am his baby.

Iniyakap ko sa baywang niya ang kamay ko at nanatili pa rin sa balikat niya nakapahinga ang noo ko. Miss na miss ko na rin siya.

"I wanna go home first," I said as I hugged him tight. "Iuwi mo muna ako."

"Where do you wanna go?" He asked as he gently caressed my hair with his fingers. "Where will my baby wanna go?"

"Anywhere... as long as I am with you."

Hawak kamay niya akong ipinasok sa sasakyan niya. Nang mailagay na niya ang seatbelt sa akin ay bahagya niyang ginulo ang buhok ko. Nanatili siyang nasa labas. He even give a peck on my lips.

"Wait for me here and rest. I'll talk to tita that'll be bringing you to my unit. You need to eat, sleep, and rest. Can you do that for me, Bryce?"

Wala ata siyang balak umalis hanggang sa hindi ko sinasagot ang tanong niya. At kilala ko siya.

I simply gave him a nod before I kissed him a peck on his lips.

"Good."

After he kissed my forehead he smiled and closed the door. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil sa antok. Buong magdamag akong hindi natulog at idlip lang ang nagagawa ko. Ni hindi naman kasi ako makatulog.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon