36th

722 25 4
                                    

Chapter 36

Halos wala akong tulog magdamag. Tulala lang ako sa k'warto habang binabantayan sina mama at Bea. Si Brylle naman nakatulog na sa tabi ni mama. Nakaupo lang ako sa may pinto habang nakatulala.

Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming pagsisisi. Ang daming scenario na sa isip ko na lang dahil hindi na iyon mangyayari pa sa totoo dahil wala naman na si papa.

Nagkaroon ng komplikasyon sa puso si papa. High blood daw bigla na lang din itong nahimatay sa trabaho at nahirapan huminga. Masyadong mabilis ang lahat. Wala akong maintidihan. Gusto kong umiyak nang umiyak pero umiyak lang ako noong nalaman ko na wala na siya. Ngayon tanging bigat at hapdi sa dibdib ang siyang nararamdaman ko. Wala ng luha pero ang sakit tagos sa buong pagkatao ko.

Hindi nagsisink in sa akin ang lahat. Walang ibang laman ang isip ko kundi bakit? Paano? Bakit ngayon pa?

Dapat masaya kami. Bakit bigla na lang nabago ang lahat?

Mas matatanggap ko pa na hindi siya makauwi kaysa makita siyang walang buhay.

Umaga na wala akong kabuhay-buhay. Pinilit ni mama na bumangon at mag-ayos. Susunduin siya ng kamag-anak namin dahil marami pang aayusin pagdating sa pag-uwi kay papa.

"Kuya, samahan na kita sa graduation mo." Umiling ako kay Brylle. "T*ngina naman kuya! Umayos ka! Hindi iyong pinipilit mong maging matatag diyan! Kuya, kilala kita!"

Pinilit ko bumangon saka ako ngumiti. Nakabihis na sina mama at Bea pero si Brylle hindi pa.

"Dito na kayo kailangan kayo ni mama. Tsaka mas okay na samahan niyo si mama. Alam niyo naman sitwasyon natin diba?" Ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti ulit ng pilit. "K-kasama ko naman kuya Kir mo. Magiging maayos ako."

"Kuya." Pareho kaming napalingon kay Bea. "Ako na lang sasama sa'yo. Hindi ko kaya sumama kay mama. Gusto ko sa'yo."

Nilapitan ko siya saka ko mahigpit na niyakap. Kagabi sobrang hirap niyang patahanin buti na lang at kahit papano ay napatahan siya ni Brylle. Hindi man sila parating magkasundo pero alam ko na sa loob-loob nila sila lang ang magiging magkakampi sa buhay.

"I'll be okay, Bea. Mas kailangan kayo ni mama. Wala ako sa tabi niya kaya kayo ang inaasahan ko ni kuya Brylle mo. After ko makuha diploma ko promise kasama niyo na ako. Kilala mo ang pamilya nina papa, Bea. Mas kailangan ni mama ng kasama."

Hindi na ako umattend ng bachelorette mass at recognition. Nang maiwan ako sa bahay ay doon mas lalo akong walang ginawa.
Nakahiga lang at walang plano sa buhay. Bago mag-alas onse ay nakarinig ako nang pagkatok sa pinto.

Walang gana akong tumayo. Magulo ang buhok ko, nakasando at shorts na kagabi ko pang suot pagkatapos ng pictorial namin. Maga ang mata at walang buhay ang mga mata.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Kir. Naka-internship uniform. Nakaayos habang may bitbit na paper bag. Hindi ako nagsalita ganoon din siya. Galing siya sa bachelorette mass dahil sa suot niya. Nang sandaling bigla na lang tumulo ang luha ko ay binitawan niya ang paperbag na hawak niya sabay dinaluhan ako ng yakap.

Akala ko tapos na ako sa pag-iyak.

Halos mapaatras ako sa pabigla niyang pagyakap. At sa oras na iyon bigla na lang bumuhos lahat ng emosyon ko. Sa isang mainit at mahigpit na yakap niya hinayaan ko ng maging mahina sa harapan niya.

Wala na akong nagawa kundi ibuhos lahat ng hinanakit ko. Hinayaan niyang umiyak ako sa balikat niya. Sa sobrang bigat ay pinagpapapalo ko na ang dibdib ko. Kung hindi niya ako pinigilan ay baka mas malakas pa. Namamanhid ang buong pagkatao ko sa sakit. Hindi ko alam saan kukuha ng lakas dahil sa sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung paano aalisin ang sakit.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon