23rd

917 28 15
                                    

Chapter 23

I want to explore my feelings for him. Gusto ko buong-buo. Walang labis, walang kulang. Gusto ko siya lang.

Kasasabi ko pa lang na huwag niyang kakalimutan ngayon may kausap na naman siyang iba. Bakit tila nagkabaliktad kami? Hindi ako nainform na may ibang school pala kaming kasabayan sa observation at Assistantship na ito. At ngayon panay may ali-aligid sa kaniya.

Lumapit ako sa kanila. Inakbayan ko si Kir na tila nagtatanong kong sino ang kasama niya. It was a girl, maliit lang, maputi, maganda, at wagas kung makangiti.

Hindi ba siyang napapagod ngumiti?

"This is Bryce. One of my classmates." A classmate really? "Siya rin kasama ko, we have a same cooperating teacher."

"Wow! Amazing hindi ka nag-iisa."

"Yeah! He always have me." Pagsabat ko. "Your name is?"

Kaagad naman siyang naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman baka isipin masamang tao.

"I'm Kiarra! Major in ESP."

Edukasyon sa Pagpapakatao siguro mapagpanggap ito.

"Oh! Social studies kami eh," sabi ko pa. "Same Filipino ang language so yeah."

"Nice to meet you, sir Bryce. Nga pala see you around, sir Kir. Una na ako sa inyo." Tumango lang ako sabay balik ng pagkakaakbay kay Kir. Vacant namin ngayon nalingat lang ako may kasama na kaagad siyang iba. "Sige. Bye."

Nang tuluyang makaalis si Kiarra ay bigla akong nainis. Medyo hawig at compatible name nila. Kir & Kiarra!

"Why are sulking?" tanong niya sabay irap lang ako. "Ano na naman ginawa ko?"

"Wala! Diyan ka naman magaling ang walang ginagawa pero nakakainis!" Hasik ko.

Iniwan ko na siya at dumiretso na sa SSG office para magsimula na magcheck sa mga output ng grade 9 na hawak ni ma'am. Pagkapasok ko ay nakasunod lang din siya. Kinuha ko na ang violet na ballpen na bigay ni ma'am kanina para sa pagchicheck. Nagsimula na ako magmarka at halos mahilo ako sa kakabasa ng mga pinaggagagawa ng mga bata.

Essay pa lang dudugo na kaagad ang ilong ko. Filipino na nga hirap na hirap na sila paano pa pag-english na?

Magkatulong naman kami ni Kir pero ang dami talagang papel. Tinatamad na ako magbasa kaso no choice. Pwede ba lahat na lang ito bagsak? Joke!

"May pasok tayo after break. Eat your snacks already." Pinadasahan ko lang siya ng tingin sabay taas ng kilay. "Stop sulking will you? Act professional, sir Bryce."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kaya inayos ko ang upo ko. Kinain nang tahimik ang snacks na ipinahatid galing kay ma'am Mae. Kaya ko naman umayos.

Inis na inis kong sinabi kay Vera ang lahat pero tiwanan niya lang ako. Ba't ko ba tinitiis ang babaeng ito? 

[Wala ka ng pag-asa. In denial pa kasi noong una! Ngayon magdusa ka! Maganda na kalaban mo! Poor you!]

"Alam mo hindi ka nakakatulong."

[Sino ba naman kasi nagsabi sa'yo na tutulong ako? Wala akong balak, Bryce! Magdusa ka kung paano papaamohin iyan si Kir! Labas na ako diyan! Feeling straight kasi amp kahit sa umpisa pa lang halatang-halata naman na hindi na. Bye may thesis pa ako! Field study ang bigyan ng pansin hindi ang pagiging bading! Bye!]

Binabaan na niya kaagad ako kahit hindi ko pa naipagtatanggol ang sarili ko. Awang-awa na naman tuloy ako sa sarili ko.

Apat parati ang pinapasukan naming section kada araw. Paminsan-minsan nagnonotes na ako tapos pag-uwi sinasagutan ko na ang iilang laman ng field study na libro. Baka magahol ako sa oras sa huli lalo na at napakarami.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon