21st

854 26 8
                                    

Chapter 21

I've been hanging out with Jozh most of the time lately. Inaayos pa ang mga papel namin para makalabas para sa observation and assistantship namin. Almost 3 weeks din kaming medyo hindi pa busy dahil doon.

Bumili kami ng kani-kaniyang libro para sa field study namin. Dalawang libro iyon at halos punong-puno iyon ng mga kailangan sagutan. Hindi na nag-enroll pa si Carsen habang si Kir na lang parating mag-isa. Simula noong huli naming pagkikita sa bahay nina Carsen ay hindi na talaga kami nag-usap pa.

Hinihintay ko na kausapin niya ako at siya ang unang lumapit pero wala. Parehong mataas ang pride naming dalawa.

Hindi na ako nagboarding house dahil nga sa binilhan ako ni papa ng motor. Noong inilabas ang listahan kung saan kami idedeploy para sa field study nakita ko na pareho kami ni Kir na school. Nagsearch na ako about sa school at maliit lang iyon. Well wala namang kaso sa akin huwag lang may magpainit ng ulo ko. 

Since on-going pa ang pagpapagawa namin ng type B uniform namin kaya school uniform ang siyang pinapasuot sa amin paglabas. Kasabayan ko rin si Jozh kaya medyo nakampante ako. Maaga kami pinapunta sa school pero akala ko late ako.

9am ang usapan pero 10am ako nakarating buti may mga nauna pang ihatid kaysa sa amin kaya safe ako. Pagdating ko ay nakapark sa tabi ang motor ni Kir habang nakaupo siya rito ay may earpods sa tainga. Nakacomplete uniform at isama mo pa ang ID na hindi ko masyadong nakikita sa kaniya noon dahil pinapakita niya lang ito sa guard then ilalagay na sa bag. Nakaayos ang buhok at medyo natatakpan na ang isang kilay niya dahil sa bangs niya. Tila wala siyang pakialam sa paligid habang busy na mukhang naglalaro sa kaniyang mobile phones.

Nang tumikhim si Jelay ay doon ako napabalik sa realidad.

Sure na maraming magkakagustong estudyante dito!

Sure na maraming magkakagustong estudyante dito!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Matutunaw na si Kir. Ba't di ko na kayo nakikita na magkasama. Nag-away ba kayo?" Mausisang pagtatanong ni Jelay. "Kahit kay Carsen wala akong balita kung bakit hindi siya nag-enroll. Lumipat ba?"

"Ang dami mong tanong hindi ko alam."

"So kayo ni Kir hindi mo alam kung bakit hindi kayo nagpapansinan. Alam mo medyo crush kita noon pero crush ko na ata si Kir ngayon. Ang pogi niya pala kapag nakacomplete uniform, nakastyle ang buhok. Umaalingasaw ang pabango, hindi pa masakit sa ilong ang pabango. Maamoy ko pa lang kinikilig na ako. Ay sh*t naman!"

"Ang bunganga mo naman, ma'am Jelay."

"Wala na! Basted na ata kaagad ako." Ngumuso at tila iyon na nag pinaka-pinagsisisihan niya sa buong buhay. "Ba't ba kasi siya nakakita sa atin noon?!"

Pinagpasalamat ko na lang na dumating na mga coordinator namin. Nakapasok na kami sa school at itinuro ng guard ang parking kaya agaran na kaming nagpark. Suot ko ang shoulder bag ko habang nakaakbay sa akin si Jozh. Medyo nag-antay kami ng ilang minuto sa labas ng faculty office. May mga mangilan-ngilan ng estudyante ang panay tingin sa amin.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon