26th

885 31 16
                                    

A/N

Sorry na po. Busy kasi ang person na may kahalong katamaran. Enjoying reading po!

Chapter 26

Tulog na sina mama nang dumating kami. Si Brylle naman busy sa paglalaro pero binati niya pa rin si Kir habang si Bea naman ay tulog na. Dumiretso na kami sa k'warto. Ayoko magsalita. Bahala na kung paano mabuhay pero hindi ako papayag na ako talo ngayon.

"Clothes?" he asked.

Itinuro ko ang cabinet ko saka ako mahihiga na sana sa kama ko nang hilahin niya ako.

"What are you doing?" he asked.

Pikon. Arte.

Nagkibitbalikat lang ako saka inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Alam ko na napipikon na siya dahil sa hindi ko pagsasalita.

"I hate you!"

Tinalikuran na niya ako matapos kong mahiga sa kama ko na walang palit-palit pa ng damit. Naupo lang ako at sumandal sa headboard ng kama sabay kuha ng cellphone ko at nagbukas ng laro.

Nang makaramdam ko ng antok ay hindi ko na tinapos ang laro at nahiga na. Hindi na kaya ng mga mata ko. Ang tagal niya pa sa cr pero di na kaya ng mga mata ko kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na matulog.

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. Pagmulat ng mga mata ko ay si mama kaagad ang bumungad.

Asan siyan?

"Maligo ka na at kumain. Maaga raw kayo aalis. Naliligo na si Kir. Dinala mo rito walang pamalit. Bilis."

"Ayaw. Inaantok pa ako. 20 mins pa."

Nang tampalin niya ang braso ko ay napangiwi ako sa sakit.

"Dadalhin-dalhin mo dito tapos ayaw mo ng responsibilidad? Umayos ka! May pasok pa kayo pareho! Bilis!"

As masunuring anak na ayaw ng masaktan ulit ay tumayo na ako. Inihanda ko na ang isusuot ko at lumabas na rin si Kir kaya ako na ang sunod na naligo.

Suot niya na naman ang panibagong damit ko. Bagay sa kaniya. Kaso more on short sleeves or long sleeves siya pero ako naman loose shirts ganoon. Pero bagay sa kaniya damit ko.

Sabay kami kumain pero parehong walang imik. Sina Brylle at Bea lang ang kinakausap niya. Hindi ako magpapatalo eh.

Umalis kami sa bahay na hindi pa rin nagsasalita. Syempre tuwang-tuwa ako. Akala niya siya lang kayang maging nonchalant. Pwes ako rin!

Nauna na ako sa school dahil magbibihis pa siya ng uniform. Nagwalis ako kunwari sa SSLG office bago ako dumiretso sa advisory class ni ma'am. Nakipagchikahan ganoon. Medyo malapit na rin kami matapos pero hindi ko mamimiss ang mga batang pasaway na ito. Hindi pa ako nagtuturo pero ramdam ko na ang pagod.

"Ang cute ng KiaKir. Magkasama na naman sila."

Napangiwi ako sa pinag-uusapan nila. Mukhang may ship na naman ang mga batang ito. Dahil mukha silang uod na nabudburan ng asin ay nilingon ko ang tinitignan nila.

Paksh*t talaga!

"KiaKir?" usal ko.

"Sir Kir at ma'am Kiarra po, sir."

"Pangit."

Totoo naman talaga ang pangit. Duh!

"Mukha kang nagseselos, sir. Hirap niyan itago pero halatang-halata sa mukha mo."

Ako magseselos?!

Noong isang araw pa!

Natapos ang buong araw na hindi ko na naman kinakausap si Kir. Mas sumasama ako kina Jozh kaysa siya ang makasama. Pauwi na sana ako pero hindi ko makuha ang susi ko kaya ako naman itong taranta na taranta!

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon