6th

976 29 1
                                    

Chapter 6

Buong gabi ay nagbantay lang ako lalo na at nag-inom kanina nina mama. Root beer lang naman ang dala niya kaya iyon ang ininom namin. Nagulat pa ako dahil talagang uminom si Kir. Kahit wala naman na siyang naiintindihan at paulit-ulit na ang kwento ni mama ay panay lang ang tango niya.

Hindi tinantanan ng dalawa si Kir kaya halos talagang nag-stay siya sa pool kasama ang dalawa kong kapatid.

Cottage lang naman ang nirentahan namin kaya sa cottage kami natulog. Nakahiga si Bea sa lap ko habang nasa tabi ni Brylle naman si Kir na nakasandal ang ulo sa gilid. Kakatulog niya lang din kasi. 

Pinipilit ko huwag hindi makatulog dahil walang magbabantay. Ang weird naman kung lahat kami tulog dito. 

"Kuya." Nilingon ko si Brylle na kinukusot-kusot pa ang mata niya. "Dito ka na kay kuya. Ako naman na magbabantay 3am naman na."

Hindi na ako nakipagtastasan pa dahil talagang pagod na ang mga mata ko. Nang tumayo siya ay dahan-dahan ko iniangat ang ulo ni Bea. Nagpalit kami ng pwesto ni Brylle. Naka-unan na ang ulo ni Bea sa lap ng kuya niya.

Hindi na talaga kaya ng mata ko kaya tumungo na ako sa dating pwesto ni Brylle pero ginawa kong unan ang lap ni Kir. Ikinumot ko ang towel na kanina ko pa bitbit at tuluyan ng nakatulog.

Nagising na lang ako dahil sa tapik sa mukha ko. Sumalubong sa akin ang liwanag. Napabalikwas ako at nakita ko si Kir na humihikab pa.

"Mag-ayos na kayo. Nasa labas na sundo natin," sabi ni mama. "Tulungan na ninyo sa gamit. Sa sasakyan na ulit kayo matulog."

Walang ganang tumayo ako saka tumulong. Kaunti na rin naman na ang dala namin pabalik. Nang nasa sasakyan kami ay sina Brylle ang nasa likod kaya nasa pandalawahan kami ni Kir. Halatang-halata na antok na antok pa siya kaya ako na mismo naglagay ng ulo niya sa balikat ko.

Pagkarating namin sa bahay ay nahiga kaagad ako sa kama. Antok na antok pa ako. Nang nakadapa na ako ay biglaang bumukas ang pinto. Hindi ko na nilingon baka si Brylle. Nang maramdaman ko na may humiga ay doon na ako sumulyap. Yakap-yakap ni Kir ang isang kumot at nahiga sa tabi ko. Itinulak niya pa ako dahilan para kamuntikan pa akong mahulog.

"Hoy! Hindi ka pa uuwi?" takang tanong ko.

"I'm tired. I need sleep."

Umayos ako ng higa saka tumitig sa kisame.

"May nakita pala ako extrang trabaho. Malapit naman sa school. Magbabantay lang ng printing shop. Kailangan daw kasi dagdag sa tao dahil umalis ang nagbabantay sa pagprint. What do you think?" tanong ko.

Hindi ko alam pero kailangan ko ng opinyon niya ngayon.

"Goods."

Tumagilid ako ng higa at itinukod ko ang siko ko para gabayan ang ulo ko.

"Wala kang ibang sasabihin?" dagdag ko pa.

Nang dumilat siya ay pagod niya akong tinignan.

"Anong gusto mong marinig then?" Nagkibitbalikat ako kaya tinalikuran niya ako. "Hatid pa kita."

"Napapaisip lang kasi ako."

Nagulat ako nang bigla siya bumango at umupo. Mukhang naubos na ang pasensiya niya dahil sa tagal ko magsalita.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon