10th

966 27 1
                                    

A/N

Sorry now lang nakaupdate. Busy kasi magprepare for my final demo 🥲 Enjoy reading!

Chapter 10

Parang wala na naman nangyari sa aming dalawa. Okay na naman kami kahit hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng mga nangyari. Inuuwian na naman niya ako. Pero may napansin lang ako na hindi sila masyado nagpapansinan ni Carsen. Paminsan-minsan ay lumalapit si Carsen pero halos isang tanong, isang sagot lang talaga kung magresponse siya sa pinsan. Baka nagkaroon lang ng misunderstanding ang dalawa.

"Tinatanong ni Bea if uuwi ka. Birthday niya raw," sabi ni Kir bago niya isinakbit ang bag niya.

"Wow! Magkachat na pala kayo."

"Well... she's chatting with me. Even your mother and Brylle."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Kaya pala hindi na ako parating chinachat ni mama mukhang may iba na siyang pinagkukunan ng balita.

"Bibili pa ako mamaya ng cake," sabi ko.

"Ako na sa cake. Ikaw na lang sa gift." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "She invited me!"

"Wala akong sinabi. Nagpapalakas ka na talaga sa pamilya ko."

Sumakay na siya sa motor kaya alam ko na ako ang angkas. Una kami pumasok sa mall. Dahil sa arte ng kapatid ko bibilhan ko na lang siya ng pampaganda kahit hindi matatapalan noon ang pagkamaldita niya. Dahil wala akong masyadong alam ay nagtanong kami sa nakasabay namin na babae.

"Grade 7 pa lang siya kaya iyong naangkop sana muna sa edad niya," sabi ni Kir habang nakangisi akong naka-akbay sa tabi niya.

Buti na lang at pumayag sila. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagbibili nila pero mukhang may ideya naman si Kir kaya hinayaan ko na siya at sumunod na lang ako. Kaunti lang naman iyon pero umabot ng lampas 500 kaya bigla akong nagulantang. Buti na lang at dinagdagan niya iyon dahil baka maubusan na ako ng pera.

"Kir, medyo may dating ka naman pala pagdating sa babae."

"I'm sorry pero huwag mo akong igaya sa'yo. I don't flirt."

"So am I?"

Hindi naman kaya ako malandi. At wala akong nilalandi.

Tumango siya at bahagyang lumayo sa akin.

"You always have your phone beside you. Parati ka may kachat. Parati ka rin may kasuap. That's not random, Bryce."

"Tumutulong lang naman ako."

"I know pero dahil sa ganyang ginagawa mo akala nila special iyon. Na akala nila dahil binibigyan mo sila ng oras ay may iba kang motibo. Hindi man nila lagyan sa umpisa pero baka masanay. Put your boundaries. Kung nasa off campus ka na sana iapply mo lahat ng sinasabi ko. Mahirap na, Bryce." Tinalikuran na niya ako kaya mabagal na lang akong sumunod sa kaniya.

Ako ang tipo ng tao na hindi sanay mag-isa. May point naman siya na parati kong hawak ang phone ko. Bukas iyon para kanino. Parating may katawagan kasi pinagtutulungan namin iyong mga bagay na hindi na namin maintindihan at maging ang mga reklamo namin sa buhay. Pero kung iisipin baka nga... nasosobrahan ako at lumalampas sa linya. Na kahit wala akong nararamdaman baka may iba na pala iyon sa kanila dahil sa oras na ibinibigay ko sa kanila.

Nang makabili kami ng cake ay bumalik kami sa dorm. Naligo siya saka naman ako sumunod. Nakapagpaalam naman na ako na hindi na muna ako papasok. Magtatampo rin kasi si Bea kapag hindi sumipot at ayaw ko rin na wala na nga si papa ay wala rin ako.

Mabuti na lang at naiintindihan naman nila kung bakit wala si papa. Kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa para na rin matustusan ang pangangailangan naming magkakapatid.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon