24th

863 27 15
                                    

Chapter 24

Nagising na lang ako na kunwaring walang nangyari. Mukhang wala rin siyang maalala dahil mukhang tulog pa rin siya noong ginawa niya iyon. Samantalang ako hindi mawala sa isip ko. Ang unfair talaga ng isang ito.

Ako ang naghanda ng pagkain namin dahil alam ko naman na matapos niyang matulog at ako naman ang nakatulog ay halos matapos na niya ang test questionnaires na pinagagawa sa amin.

Sino ba kasi nagsabi na kapag walang choice sa course ay mag-educ na lang? Magiging dahilan pa ata ito ng pagkamatay namin ng maaga.

Matapos ko magluto ay inantay ko na lang siya magising. Pinagpatuloy ko na ang paggawa ng test questionnaires hanggang sa matapos ko na. Pati TOS ay inayos ko na rin sa item arrangement. Nang magising siya ay kumain na lang kami at nagcheck pa ng iilang papers tapos pinauwi niya na rin ako na parang ayaw na ayaw niya na nakakasama ako.

Ang sama talaga ng ugali.

Pagkauwi ko naman ay tinulungan ko ang dalawa sa mga projects nila.

Nang tumungong ang lunes balik na naman sa cooperating school. Kiaga-aga si Kiarra kaagad ang nakita ko dahil nagkasabay kami.

"Palagay muna ako ng gamit ko, sir Bryce. May flag ceremony eh."

Tumango na lang ako kahit ayaw ko. Baka sabihin na ang sama ng ugali ko. Which is totoo naman din.

"Sabay na tayo, sir, pagpunta sa school ground."

Medyo nagpalipas pa kami ng kaunting minuto bago namin tuluyang narinig ang pagtunog ng bell. Inilock ko lang ulit ang SSG office saka kami sabay na pumunta sa ground. May mga estudyante pa na may mga nakakalokong ngiti.

"Ma'am, bagay kayo! Jowa mo, ma'am Kiarra?" tanong ng iilan na dahil ng pagngiwi ko.

"Hoy! Friends kami ni sir niyo!"

Hala! Friends pala kami?

Nginitian ko na lang ang iilan. Baka isipin ang kj ko naman. Pagkarating namin sa may ground ay hinanap ng mga mata ko si Kir. Sakto naman na kakapark lang ng motor niya kaya nakita ko kaagad. Pumunta lang kami sa isang side pero noong medyo magulo ang line up ay hinanap ko ang advisory class ni ma'am at pinaayos ng linya nila. Nakasunod naman pala sa akin si Kir at siya ang nagbantay sa hulihan habang ako sa may unahan.

"Sir, ang pogi ni sir Kir? May jowa ba iyan?" tanong ng isa sa mga estudyante namin.

"Wala soon."

"May nililigawan, sir?"

"May dapat siyang ligawan." Natatawa na lang ako sa isip ko sa pinagsasasabi ko sa mga batang ito. "Aral muna kayo bago chismiss."

"Baka si ma'am Kiarra, sir? Pansin ko parati silang magkasama. Tama, sir?" Pinilit kong huwag samaan ng tingin ang batang ito. "Bagay naman sila."

"What if itikom mo na ang bibig mo at magsisimula na oh." Turo ko sa unahan na magsisimula na.

"Sorry na, sir. Init naman ng ulo mo."

"Hindi kaya." Pagtatanggi ko.

After ng flag ceremony ay magkasama na naman sina Kiarra at Kir. Dahil sa inis lumapit ako kina Jelay dahil inaantay pa nila na makaalis ang mga bata.

"Ba't di maipinta mukha mo?" tanong ni Jelay. "Huwag mo kaming idamay sa negative energy na dala mo."

"Wow ah! Ang sama ng ugali mo! Dapat hindi ganyan, ma'am Jelay. Dapat role model ka sa mga bata."

"Pasamaan na lang ng ugali kaya ko eh."

Nang kaunti na lang ang mga bata ay dumiretso ako sa room ni ma'am. Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Kir. Dala niya pa ang bag niya.

Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon