⚠️
verbal abuse, physical violence, mention of blood, homophobic peopleChapter 30
Napagdesisyonan na muna namin na manligaw muna ako. Ang weird pero sabi ko kung sasagutin niya ako dapat sa graduation day namin. Nagbigay na ako ng date baka magbago pa isip niya eh.
Panay din ang pagtawag ni papa sa akin. Namgangamusta ganoon. Pinakilala ko rin sa kaniya si Kir pero sabi ko kaibigan ko dahil iyon naman talaga muna kamii kasi suitor niya pa lang ako.
Ako na ang manliligaw dahil masyadong tamad mag-effort isang ito.
Lumipas ang ilang linggo nasasanay na ako na gabi-gabi na lang nagchicheck ng mga quizzes, activities, assignment, nagrerecord ng scores, gumagawa ng lesson plan, PowerPoint presentation, traditional instructional materials kung minsan at nag-aadvance reading sa mga topic. Kahit si Kir ay ganoon din sadyang mas organized ang kaniya sa akin.
Kaso naiinis ako sa mga teacher sa LRC. Parating pulutan na ako. Hindi ako tinatantanan. Palibhasa single eh may pinagkakaabalahan na ako eh. Kaso secret muna ang gusto.
"Baka naman isa na rito sa dalawa ang maging asawa mo."
Iritang-irita na talaga ako kahit nakangiti ako. Siniship kami ng head at mga teacher dito sa mga kaklase ko. Kulang na lang ibalandra ko sa harap nila ang bebe ko.
Kalma lang medyo malayo pa.
"Single naman kayo ah."
"Mahal pa ang bigas, ma'am." Pagbibiro ko.
Mabuti na lang at may pasok na ulit ako kaya nakatakas na. Minsan hindi na ako sinasamahan ng CT ko minsan naman oo dahil kailangan rin nila magrate sa rating sheet ko. Pero kadalasan iniiwan na niya ako mag-isa.
Birthday ni Jelay kaya naman sinabihan niya kami na pumunta. Since hindi ko na sila nakakasama ay sumama ako. Kahit si Kir ay napilit niya. Sinabi ko na lang na kailangan kaagad naming umuwi. May mga nakahalo sa amin na galing sa ibang circle of friends niya kaya medyo marami.
"Sure ka? Sasama ka?" Pagtatanong ko kay Kir habang nakayakap ako sa baywang niya dahil wala pa sina Zette.
"Yeah! Nakapag-oo na rin ako kay Jelay. Basta uwi lang tayo ah." Tumango naman ako sabay alis ko sa takas niyang buhok na nakakaharang sa mata niya.
"You're so handsome. Di na ako magtataka na madaming may crush na istudyante sa'yo. Noong observation and assistantship natin dami na nga eh. Baka marami kang letterna kamuha sa pagtatapos niyan."
"Bawal ako sa bata. Nandiyan ka naman iyon ang importante."
Ginulo ko ang buhok niya sabay halik sa pisngi niya.
Night swimming ang celebration kailangan lang namin umuwi at hindi rin makakatulog ang isang ito na makipagsisiksikan pa.
Medyo magulo ang circle of friends ni Jelay. Mga dati niya raw kaschoolmates. May ibang grabe kung makatingin. Kahit ako naiimbyerna sa panay nila pagtingin kay Kir. Pagkarating pa lang namin iba na ang tingin nila.
"Bryce, patulong ako kukuha ng mga inumin sa kotse. Jozh, sama ka na rin." Tumayo na ako at sumenyas kay Kir na alis ako saglit. "Kir, pabantay na lang muna dito."
Pagkakuha namin ay nakita ko na kausap ni Kir ang iilang kalalakihan. Naningkit ang mga mata ko at pakalapag pa lang ng case ng inumin ay nilapitan ko na sila dahil nakaakbay na ang isa sa kaniya at nakikita kong hindi na komportable.
"Kir." Nilingon nila ako kaya lumayo si Kir saka lumapit sa akin. "Tara. Kain muna tayo."
Tahimik si Kir buong oras. Nagsimula na rin umikot ang baso at nakakailang tagay na rin ako. Si Kir naman halos ako ang sumasalo ng tagay para sa kaniya dahil hindi sila payag na lumalampas lang basta ang tagay kay Kir dahilan para mas lalo akong mainis.
BINABASA MO ANG
Hate U to Love U (Chalk & Heartstrings Series #1)
RomanceBL story Posted: April 17, 2024 Finished: June 27, 2024