Chapter 2
Entance Exam
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
Naging mabilis ang mga pangyayari. Ang huli kong natatandaan, inutusan ako ni Ms. Skye na tumalon sa fountain na puno ng higanteng ahas. Sinunod ko naman siya. Pagkatalon ko, wala nakong maanigan na kahit anong bagay. Puro itim na lang. Nakaramdam ako ng mga paggalaw at nakarinig ng tunog.
*Hiss Hiss*
Pinakiramdaman ko si Ms. Skye. Mukhang kalmado lang siya sa loob ng kwintas. Hindi na dapat siguro ako mag-alala. Hangga’t kasama ko ang amo ko, hindi ako malalagay sa panganib.
Mas lalong lumakas ang mga tunog ng ahas. Mas naging mabilis din ang paggalaw. Napapikit na lang ako at hinawakan ang kwintas nang may naramdaman ako matatalim na bagay na dumadaplis sa paa ko. Hanggang sa unti-unti na kaming nilamon ng higanteng ahas.
~~~**~~~
“Maraming salamat po.” Nagpaalam ako sa ahas na lumamon samin. Totoong nilamon niya kami pero isa pala siyang uri ng transportasyon. Sa tiyan niya kasi ay parang isang kwarto na may mga lamesa at upuan na pwedeng magTea habang nag-aantay kaming makarating sa Academy.
“Thank you for the tea, snake! Catch you later!” nagwink naman si Princess Sebby sa ahas. Pagkatalon namin ay tumalon na rin siya. Ayaw niya daw kasing maiwan mag-isa. Sa hindi malamang dahilan, kahit nasa tyan kami nung ahas ay nakakausap namin ito. At sa hindi ko ring malamang dahilan ay nagkasundo ang dalawa. Palibhasa parehas silang mahilig sa mga gwapong lalaki kaya naman nagkasundo sila sa mga bagay bagay.
“See you-hiss. Sebby-hiss. Wag mo kong kalimutang dalhan ng papable ha. Hiss.” Pahabol ng ahas.
“Ohsure! Take Care. Stay in touch. I’ll miss you.” sabi ni Sebby na may paiyak iyak effect pa. Pinunasan niya ang nagpupumilit na lumabas na luha mula sa kanyang mga mata. “It’s so hard na mawalay sa kaibigan mo.”
“Grabe. Lalim ng pinagsamahan niyo ah. Tagal niyong nagkasama e. Mga 30 minutes lang.” sabi ko.
“Che! Palibhasa forever loyal ka dyan sa masungit mong amo. Hmp!” napailing na lang ako.
Tumambad saamin ang isa nanamang gate. Pero sa pagkakataong ito, dalawang security guard ang nasa labas ng gate.
“Welcome to Monster Academy.” Sabi nung isang guard na nasa kaliwa.
“Here’s the map of the whole university. Please proceed to the Battle Arena.” Iniabot naman samin ang isang dilaw na mapa ng gwardya na nasa kanan. Bumukas ang gate at pumasok kami. Bago kami tuluyang makalayo, narinig namin ang sigaw ng dalawang gwardya.
“STAY ALIVE!”
Nagkatinginan kami ni Princess Sebby at tahimik na pumunta sa Battle Arena.
~~~**~~~
Isang malaking sphere-shaped na arena ang tumambad samin. May malaking banner ang nakabandera sa labas.
WELCOME TO BATTLE ARENA
Dumiretso kami sa entrance papasok dito. Sa labas, may malaking board ang nakalagay. Binasa namin ang nakasulat…
“To All Monster Applicants,
Please proceed inside the Battle Arena to take your entrance test.
Good Luck and Do your best!”
Pumasok kami sa loob. Malawak na grass field ang sumalubong samin. May malaking stage ang nasa dulo ng arena. Nakapila naman ang mga iba pang applicants kaya makikipila na rin kami.
“Girl. Lingon lingon ha. Mamaya may Makita kang gwapo diyan.” Sabi sakin ni Princess Sebby na humahaba ang leeg sa kakatingin ng gwapo.
“Hai! (yes)” pumunta ako sa isang pila doon.
“Whoops! Spotted. Gosh! See you later na lang Tabby-chan! I spotted an oozing hot sexy guy. Ciao!” maarteng tumakbo papunta sa kaliwang direksyon si Princess Sebby. “Come to me beybeh! Come to me!” narinig ko sabi pa nito. Geez. Ambilis talaga niya.
Napailing na lang ako at nakinig sa orientation-kuno sa may stage.
“..To be able to enter the Monster Academy, you must first pass the Entrance exam. In this test, we will get the top five students and they will be able to live in our most luxurious dorm in the whole campus. They will be given allowance worth 100,000 exons per month as long as they maintain high grades. The students who will pass the test will be classified into two classes. Upper Monster Class and Lower Monster Class. But the TOP 25 students of the test shall enter the Special Monster Class.” Pag-eexplain nung host sa harap.
[Note: Ang ‘exon’ ang tawag sa pera ng Monster World]
“Good luck and do your best, Monsters!” bumaba na sa harap ang host at lumubog ang stage at agad nawala ang pagkakaayos ng pila dahil kanya-kanya nang kwento at daldalan.
“Ano kayang entrance exam ngayon? Last year daw kasi, nabalitaan ko maraming namatay.”
“Sa pagkakaalam ko, ang entrance nila last year ay Duel Monsters. Kalaban nila mismo ang iba pang applicants at kung sino ang manalo, siya ang nakapasa.”
“At ngayon, mas mahirap siguro. Alam naman na every year, may bago silang pakulo and mas mahirap pa kesa sa last year.”
Umitim ang pendant ng kwintas ko at lumabas naman si Ms. Skye.
“Whatever happens, stay beside me.” Sabi niya sakin in her usual serious tone. Agad akong lumapit sa kanya at humawak sa braso niya.
“Ay s-sorry po..” nahihiya kong sambit. Ayaw kasi niya na hinahawakan siya. Bibitaw na sana ako nang sumagot siya.
“No it’s alright.”
“Paano po si Princess Sebby? Baka po mapahamak siya.” Nag-aalalang tanong ko. Malakas naman si Princess Sebby pero mas mabuti nang makasigurado at mas maganda kung sa iisang klase kami mapupunta.
“Don't worry about him. He can manage.” Pumikit si Ms. Skye. Ganito ang ginagawa niya kapag pinapakiramdaman ang paligid. Kapag mga ganitong pagkakataon, hudyat na ito na dapat maging handa at alerto.
Ilang sandali lang, narinig na namin ang sigaw ng pagkagulat. Namatay kasi ang ilaw at dumilim ang kapaligiran. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko kay Ms. Skye. Kanya-kanyang labas ng mga cellphone ang mga nandun para sa ilaw. Pero agad naman itong nawala dahil parang may kumukuha upang mapanatili ang dilim ng kapaligiran.
Sa taas namin, may mga nag-aappear na glowing letters. Parang may nagtatype sa langit.
To pass the entrance test, you must find the Golden Monster Cards.
But beware of the pure monsters, traps and of course Fake Gold Cards.
Once you retrieve the fake gold card, it will automatically explode.
You will only know that the card you’re holding is the real one when the symbol of monster academy appears.
A little bit of advice: Stay Alive
Bigla na lang naglaho ang mga letters at nagsimulang yumanig ang lupa. Ilang minuto ring yumanig ito kaya naman kumapit ako ng mahigpit kay Ms. Skye para hindi mawalan ng balanse. Nang tumigil ito, biglang bumukas lumiwanag at natagpuan namin ang aming mga sarili sa gitna ng kagubatan.
“Ms. Skye?” tanong ko kay Ms. Skye na nakapikit pa rin ang mata. Hala. Nakatulog na ata si Master?!
Ilang saglit pa, dumilat siya kaya tinanggal ko ang pagkakahawak ko sakanya.
“Follow me.. Bigla niya akong hinawakan at nagsimula nang maglakad papunta sa silangang direksyon.
..I already know where the cards are.” At tinahak na namin ang masukal na gubat
