Chapter 3
Golden Monster Cards
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Follow me.. I already know where the cards are.” Bigla akong hinila ni Ms. Skye patakbo sa masukal na gubat.
Sumunod lang ako kay Ms. Skye. Ang hirap makahabol sakanya lalo na kapag bagong replenish ang kapangyarihan niya. Habang papalayo kami ng papalayo ay palaki ng palaki ang mga puno at padilim ng padilim. Tanging ang liwanag ng buwan lamang ang umiilaw sa daan namin. Biglang tumigil si Ms. Skye sa may mga higanteng halaman. Hinila niya ako sa likod nito at sumenyas na huwag mag-ingay.
“Keep your head low.” She whispers. Dahan-dahan niyang hinawi ang mga malalaking dahon para makita namin kung ano ang nasa kabila. Mula sa aming kinatatayuan, isang 10 feet tall na Cyclops ang nagbabantay sa isang malaking bato. Nakasuot siya ng full armor at may hawak hawak na ‘club’ na may matutulis na spikes. Sa tuktok ng bato, isang golden box ang nagliliwanag at lumulutang.
“Ms. Skye? Wala po akong nasesense na ibang monster sa paligid. Should we go?” tanong ko.
“Yeah.. Go to the other side then wait for my signal to get the cards. I’ll lure the monster on the other side.”
“Sige po.” Sabi ko sakanya at dahan-dahang naglakad papuntang kabilang side.
“Keep your head low. Keep your head low.” Bulong ko sa sarili ko. Mahirap na baka makita ako nung higanteng yun. Mapapahamak pa si Ms. Skye pag nagkataon.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa higante. Tinatantya ko kung kelan malapit siya sa pwesto ko. Kapag ganun, titigil muna ako para hindi niya maramdaman presensya ko. Malapit na ko sa naka-aasign na pwesto ko nang biglang tumigil ang higante. Umakto siya na parang may inaamoy at bigla niyang itinaas ang kanyang ‘club’.
‘Naramdaman niya ba ko? Wala naman akong nagawang mali aa.’ Saisip ko. Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil unti-unti siyang lumalapit sa pwesto ko. Pinigilan kong gumawa ng kung ano mang tunog. Pati paghinga ko, pinipigilan ko na rin sa sobrang kaba.
Bigla siyang tumigil. Isang hawi niya lang sa halaman na tumatakip sakin, for sure dead na ko. T___T
Tatanggalin niya na dapat ang halaman na nasa harap ko ng biglang lumingon siya at sinalag ang tira ni Ms. Skye.
Uwaaa~ Ms. Skye! You’re my saviour! *O*
Inayos ko ang sarili ko at inantay ang signal ni Ms. Skye. Kaso mukhang di na mangyayari yun, may balak ata siyang patayin yung cyclops e.
Isang scythe ang gamit ni Ms. Skye sa pakikipaglaban. Mukhang hindi makalaban ng maayos ang higante dahil sa sobrang bigat nito. Masyadong mabilis ang mga galaw ni Ms. Skye at ang pagtira nito. Patuloy ang paghampas ng ‘club’ ang higante pero agad naman itong naiiwasan ni Ms. Skye.
Lumapag si Ms. Skye sa lupa at kumuha ng bwelo. Tumalon siya diretso sa higante at hiniwa ang dibdib nito. Napaatras ang higante at lumapag ulit si Ms. Skye sa lupa at sinipa naman ang binti nito dahilan ng pagbagsak.
“GRAAAAAAAAA!” galit na galit na sigaw ng higante. Hinawakan nito ang dibdib at tinignan ang kanyang kamay na naliligo sa sariling berdeng dugo. “GRAAAAAAAAAAA!” muli nitong sigaw.
Tatayo pa sana ito pero lumapit si Ms. Skye katabi ng ulo nito. Inikot-ikot niya muna ang kanyang scythe sabay itinaas. May itim na aura ang bumalot dito.
Ito na ata ang final blow niya.
“Never mess with me.” Huling sinabi niya sa higante sabay pinugot ang ulo nito.
Nasunog ang bangkay ng higante at tinangay ng malakas na hangin ang abo nito. Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at lumapit kay Ms. Skye.
“Ms. Skye? Ayos lang po ba kayo?” Agad akong tumingin sa mga mata niya. Hindi pa naman ito nagbabago ng kulay. Kapag nagbago kasi ito ng kulay, nasa 2nd stage na siya o nagsisimula nang mawalan ng control sa kanyang kapangyarihan.
Tumango lang siya at lumapit na kami sa golden box. Awtomatikong bumukas ito at isang gold card ang nasa loob.
Ms. Skye laughed sarcastically. “What a lame trap.” Tapos hinati niya ang bato sa dalawa. Sa loob nito, dalawang red cards ang nandun. Kinuha niya ito at binigay sakin parehas.
Inabot ko ang cards at nagconcentrate dito.
“Trace.” Sambit ko at pinalabas ang true form ng cards. Napalitan ang pagkapula nito at naging gold. Binigay ko ang isa kay Ms. Skye. Sabay naming inantay ang paglabas ng simbolo upang malaman kung ito ba talaga ang mga tunay na monster cards.
At sawakas, lumabas na ang magkapatong na M at A at ang dalawang espada na nakacross dito.
“Ms. Skye! Pasok na po tayo!” Nagtatatalon ako sa tuwa. Umismid lang siya. HAHA kahit kelan talaga tong amo ko, ansungit. Pero ayos lang. Atleast pasok na kami sa school na to.
Sa likod nung card may mga nag-appear na sulat.
Congratulations! You passed the Entrance Exam. You are now an official monster student.
Welcome to Monster Academy.
~~~**~~~
AN :))
Dedicated sa unang naglagay sa reading list niya at ang walang sawang sumusuporta sakin. :"> HIHI Daisuki Onee