Chapter 39
The Beginning of an End
Tabitha’s POV
Iniwan namin sina Azure at ang apat na hari sa battleground dahil pinatawag kami ni Secretary Reodica. Mabilis kami naglalakad habang sinusundan si Rai, yung kanang kamay niya. Nagpalinga-linga ako, hindi pamilyar sa akin tong dinadaanan ko pero parang nasa ilalim siya ng bahay na inookupa namin ngayon.
“Ano bang nangyayari Rai?,” nag-aalalang tanong ni President Jenkyl.
“Emergency,” was all that she could say. Nagkatinginan kami ni Sebby at nagkibit-balikat lang siya.
Hindi nagtagal at napunta na kami sa isang dead end kung saan mayroon napakalaking pintuan. Binuksan ito ni Rai at nagsignal siya na pumasok na kami sa loob.
Hindi ko akalaing mayroong ganito.
Isang malaking kwarto na punong-puno ng computers. Walang ibang design kundi computers at flat screen lang na nakasabit sa dingding. Yung tipong kahit saan ka tumingin, wala kang ibang makikita kundi ang mga ito.
Pero hindi dito napunta ang atensyon ko kundi sa mga ipinapalabas nito.
Ang mga bahay na nasusunog, mga katawang nagkalat sa daan, duguan at wala na ang ibang parte ng katawan. Mga halimaw na kumakain ng kapwa nila halimaw. Mga taong nagtatago dahil sa sobrang takot. At ang kadiliman na bumabalot sa buong lugar.
Napatakip na lang ng bibig si Princess Sebby at pumikit. Humigpit ang hawak niya sa akin. "Tabitha, natatakot na ako."
Pinilit kong ngumiti sa harap niya, "Matatapos din to. Magiging okay din ang lahat."
"It has started," sambit ni Neo habang nakatitig sa screen.
"Ano nang gagawin natin President Jenkyl? Kailangan nating kumilos," natatarantang sabi ni Ayame. "Kailangan natin silang tulungan."
Ipinatong ni President Jenkyl ang kamay niya sa balikat ni Ayame, "Alam kong gustong-gusto mo na silang iligtas. Pero hindi tayo pwedeng sumugod dyan ng hindi tayo handa. Ang mabuti pa, hintayin natin ang utos mula sa nakatataas."
Napabuntong-hininga na lang siya, "I hope they are in a safe place."
Biglang napa-angat ang tingin niya nang hawakan ni Xander ang kanyang mga kamay. That lessen her worries somehow.
"Ice-neechan, Skye-neechan. Please be okay. Yuuki still wants to see you," naiiyak na sabi ni Yuuki.
"Don't worry, they will be fine. I can sense that," pinunasan ni Neo ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata niya.
"C'mon guys. Let's be strong enough to face this. Kaya natin to," sabi ni Jenkyl na nagpalakas ng loob namin.
"I see you're all here," anang ng bagong boses. Lumabas muli sa nag-iisang pintuan sa may sulok si Secretary Reodica habang suot-suot ang isang armour suit. "Get inside, we have something to discuss."
~~~
Dalawang araw na ang lumipas simula nang makita namin ang nangyayari sa labas. Nang pinapunta kami ni Secretary Reodica sa secret room ng training grounds, doon na namin nalaman ang role namin sa labanang ito. Wala kaming inaksayang oras sa paghahanda. Kailangang magtagumpay ang bawat misyon na ibinigay sa amin. Kung hindi, baka hindi na matapos pa ang kaguluhang ito.
Tuluyan nang babalik sa dati lahat, kung saan naghahari ang kadiliman at nangingibabaw ang takot.
Napasandal na lang ako sa puno at napatingin sa asul na kalangitan. Nasa labas ako ngayon ng training ground at nag-iisip ng paraan para makatulong sakanila. But sadly, I can't think of anything that will make everything lighter.