Chapter 5
Special Monster Class
~~~**~~~
~Tabitha's POV~
“Ms. Skye? Ms. Skye. Gising na po. Baka po mahuli tayo sa unang klase natin. Ms. Skye. Yoohoo!” kanina ko pa inaalog yung kwintas ko. 8:00 am kasi pasok namin hanggang 3:00 pm. Eh, 7:30 am na at tulog pa din si Ms. Skye. Mafirfirst blood kami neto e. “Ms. Skye. Yoohoo! Wake up wake up.”
Biglang umitim yung pendant ng kwintas at lumabas si Ms. Skye na nakapantulog pa din. Bumagsak siya sa kama at nagsisimula na namang matulog.
“Ms. Skye, gising na po kayo. Mahuhuli po tayo nyan. Baka po magalit yung magiging adviser natin. Tayo na po kayo please.”
Humarap siya sa kabilang parte ng kama patalikod saakin at itinakip ang unan sa tenga niya. “Sleepy. I'll catch up. You can go now.” sabi niya sa antok na antok na boses. Mas nauna pa siyang natulog sakin ah. Bat parang puyat siya?
“Hindi naman po pwede yun. Magagalit po sakin si Mr. Einzbern. Tsaka baka po pagalitan kayo ng magiging adviser natin.”
“I’ll take care of it. Now go and let me sleep.”
“Pero Ms. Skye—“
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Biglang tumingin sakin si Ms. Skye ng masama.
“Osige po. Mauuna na po ako. Nakahanda na po yung agahan tsaka po yung mga gamit niyo. Pumasok po kayo ha.” Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit na dadalhin ko. Malalagot ako neto kay Mr. Einzbern e. Pero wala akong magagawa. Tinatamad pa si Ms. Skye e. Baka lalong masira yung araw niya kapag kinulit ko pa.
“Sige po Ms. Skye, alis na po ako.” Pagpapaalam ko kay Ms. Skye. Bumaba ako sa first floor at dumaan sa counter kung nasaan si Aling Lucia.
“Magandang umaga po Aling Lucia.” Pagbati ko sakanya.
“Magandang umaga rin Tabitha. O, nasaan yung isang kasama mong si ganda? Unang araw ng klase niyo ngayon diba?” pagtatanong niya.
“Opo. E yun na nga po e. Aling Lucia, pwede po bang pakitingnan po si Ms. Skye? Inaantok pa daw po kasi siya kaya mamaya na lang daw po siya papasok. E kapag ganun po, baka tamarin siya at hindi na pumasok. Pwede po bang after 30 minutes pakigising na po siya?”
“O sige ba iha. Oo nga pala, nandyan na yung maghahatid sainyo sa eskwelahan. Pinadala yun ni Ms. Reodica. Tapos sabi niya, pagkatapos ng klase niyo ihahatid kayo ng sundo niyo sa magiging dorm niyo. Ipapadala ko na lang yung mga gamit niyo dun.”
“Sige po Aling Lucia, mauuna na po ako. Salamat po.”
“Sige iha. Ingat kayo ha.” Lumabas na ako ng Random Rainbow at isang silver na sasakyan ang nag-aantay sa labas. Mula dito lumabas ang isang butler at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako at pinaandar niya na yung kotse papunta sa eskwelahan.
Habang nasa loob, kinuha ko yung bag ko at tsaka binasa ulit yung sulat na binigay ni Mr. Einzbern. Nabasa ko na siya kaninang umaga kaso baka may makalimutan ako sa mga bilin niya kaya babasahin ko ulit.
Ayon sa sulat, aalis daw sila ni Mrs. Einzbern. Trip around the world daw para sa 8th honeymoon nila. Kaya ako daw muna ang bahala kay Ms. Skye habang nasa loob kami ng campus. Isa pa, kailangan daw naming pagbutihan dito dahil bawal silang makielam sa patakaran ng school lalong lalo na pagdating sa allowance. Ang school kasi mismo ang magbibigay samin ng aming allowance. Kasama na dun ang pambayad sa dorm at sa iba pang kailangan namin. Ang laki ng allowance ay base sa grades na makukuha namin.