Chapter 45
Broken Strings
Sebby's POV
"Why do they fight, Eusebio? Why do they struggle?"
Para akong batang nakayuko habang pinapagalitan ng nanay. Nakatayo si Xianna sa harapan ko, mukhang nag-aantay ng sagot sa tanong niya kanina.
Nanatili lang akong tahimik.
"The answer's simple. They want you to live your life, enjoy every second of it. And in order to do that, they must first fight to protect and make this world better to live in. They just want to give their son the happiest life they could ever give."
"Now tell me, do you even think your parents will accept this? That their son sacrifice his friendship, his happiness for their own sake?"
Nakakaloka. Kung sino pa ang karibal ko sa storyang ito, siya pa ang nagpapa-realize sa akin ng mga bagay na dapat ginawa ko na sa una pa lang.
"It's never too late, Sebby. You still have time to make the difference."
Oh diba, bongga ni ateng. Lakas maka-words of wisdom.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa kabila ng pinagdadaanan ko ngayon. Akala ko kasi, ito yung desisyon na nararapat. Tama naman ako diba? Bilang anak, kailangan kong protektahan ang mga magulang ko katulad ng pagprotekta nila sa akin.
Pamilya na kasi ang nakasalalay eh. Uunahin mo ang mas makabubuti para sakanila kahit na kapalit nito ang isang mahalagang bagay sa buhay mo.
Sakripisyo. Sinakripisyo ko ang pagkakaibigan para sa pamilya. Iyon ang desisyon ko.
Pero sa sinabi niyang iyon, matagal akong napaisip.
Matutuwa nga ba ang magulang ko sa desisyon ko? Na kahit alam kong mali ang pagsali ko dito sa Sirenade, ginawa ko pa rin.
Magiging masaya ba silang nakikita ang anak nilang nakakasakit at nasasaktan?
More than anything else, hangad ng magulang ang kabutihan at kasayahan ng anak nila. They will try their best to make their beloved child happy even if they need to sacrifice their own happiness.
That's what you call parent's love. It is unconditional.
Kaya ang sagot sa tanong ko kanina? Hindi. Hindi sila magiging masaya sa desisyon ko. Hindi nila matatanggap na dahil sakanila, nakakasakit ako ng mga taong mahahalaga sa akin. Na pati ako nasasaktan.
They know I'm more than this. They know I can do better. I can decide what I want, not only what's best for them but also for me.
I can still make a difference.
And it's all thanks to Xianna.
Tinanaw ko ang Sirenade Castle. Malapit na pala ako. Imbes na sa front gate ako dumaan, umikot ako sa may gilid ng palasyo at hinanap ang isang pamilyar na puno. Nang makita ko ito, kinapa ko ang maliit na tangkay na nakatago sa loob at hinila ito pababa. Isang sikretong lagusan ang bumukas. Dito ako pumasok papunta sa loob ng kastilyo.
I'm sure na alam na ng mga kalaban na tinalikuran ko na ang grupo ni Nerd. After all, the master knows everything.
I just wish na hindi lang niya alam ang secret passage na 'to.
Which I highly doubt. Pagkalabas ko sa secret passage, may mga bampira na ang nakaabang sa akin. I got no choice but to fight. Pero hindi ako kailangan magtagal. I still have friends to make up to.
Nagsambit ako ng spell at nagsimula na ang pagtubo ng mga halaman mula sa lupa paakyat sa katawan ng mga kalaban. Ginamit ko ito para ma-trap ang mga bampira for who knows how long. At least this will buy me time to escape.