The Elf's Reason

13.1K 410 24
                                    

Kyamii's Note (MUST READ)

Matatagalan po ang susunod na update nito dahil patapos na po siya at kailangan magback-read. Wag po kayong mag-alala, estimated 10 chapters na lang po kasama Epilogue. Kaya konting push na lang. :)

Maraming salamat po pala sa mga nagcomment doon sa last chapter, antayin niyo na lang po yung dedications niyo.

Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa MA (lalo na kay PrincessPayn XD). Hanggang sa susunod na Update. Enjoy reading.

~

Chapter 41

The Elf’s Reason

Sebby’s POV

Wala na siguro akong kagandahang ihaharap kapag nagkita kami ni Tabitha.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mula dito sa dinaraanan namin, tanaw na tanaw ko na yung castle ng Sirenade. Ilang minuto na lang, magiging official na kasapi na ako dito, which I really don’t want to do but since I got no choice, kailangan gumora.

Tinignan ko yung tatlong prinsipe na nakakulong sa isang malaking cage. Tatlo lang sila, dahil kakampi rin pala ng Sirenade si Eros Alastair, yung taong nagbigay ng life-and-death situation sakin at ang dahilan kung bakit nagawa kong magtraydor sakanila.

Nangyari ito two days ago, matapos ang meeting namin kay Secretary Reodica at madistribute ang mission samin. Madaling araw non nang pumasok si Eros sa kwarto ko. Akala ko nga re-rape-in niya ang beauty ko. Pero ayon nga, akala lang.

He got straight to the point. Ni-reveal niya talaga kung bakit nagpakasal si Skye sakanya. Bukod sa makukuha ni Skye ang kapangyarihan ng isang bampira, matutulungan pa siya ni Lyre Alastair, head ng mga bampira, na paghigantihan si Lord Hales, ang pumatay sa kanyang mga magulang. Isa pa, isa si Skye sa magiging pinakamalakas na halimaw na mamumuno sa panibagong Monster World na bubuoin nila.

Oo, may plano ang Sirenade na gumawa ng panibagong Monster World kung saan sila ang mamumuno, sila ang pinakamalakas at sila ang kinatatakutan.

Ngayon, binigyan ako ni Eros ng life-and-death situation na sadyang pinaloka ang beauty ko. Niyaya niya akong sumama sakanila, sumapi sa mismong kalaban. Syempre tumanggi ako nung una, andito ang mga kaibigan ko at alam kong ito ang tama. Bakit ako mag-iiba ng landas diba?

Pero naalala ko pa sinabi niya nun.

“Are you sure you want to sacrifice your familiy’s life for that silly choice of staying under Hales’ orders?”

Halos mapaiyak na nga ako nun. Hawak na pala nila yung pamilya ko. What’s worst, kapag tumanggi ako sa offer niya, sigurado akong ang malalamig nilang katawan ang tatambad sakin isang araw. At ayokong mangyari yun. Kaya nga ako lumalaban eh, para mabigyan ng isang tahimik at masayang mundo ang mga taong mahahalaga sa buhay ko.

Humingi ako ng oras sakanya para makapag-isip. Binigyan naman niya ako ng isang oras para ma-finalize yung decision ko. Bago siya tuluyang umalis, sinabi niya na mayroong 20% chance na lang ang kampo ni Lord Hales para manalo sa labanang ito. Bakit 20%? Dahil ang buong clan ng mga bampira ay kasapi na rin sa Sirenade Kingdom, syempre sa pamumuno ito ni Lyre Alastair. Sila ang pumapangalawa sa pinakamalalakas na pamilya sa buong monster world. Nangunguna dito ang pamilya ni Skye, ang mga Einzbern na pinatay dahil sa kahina-hinala nitong koneksyon sa kalaban.

Iniwan niya ako para makapag-isip. Kung sabagay, may punto siya. Walang kasiguraduhan na mananalo ang kampo namin laban sa Sirenade kung ganito kalalakas ang mga halimaw na lalaban para sakanila. Malaki pa talaga ang tsansa nilang manalo, nasa kanila na ang isa sa apat na hari, ang bangkay ng Dark Reapers at si Ms. Skye. Ano pa bang panama namin sakanila diba?

Monster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon