Chapter 22
Monthly Exam
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Onee-chan! Kinakabahan ako para bukas! Baka bumagsak ako.” Kabadong sabi ni Yuuki na nakaupo sa upuan ni Ms. Skye. Wala kasi siya ngayon, kasama nina Neo, Shikuri, Terrence at ang mga taong ipinadala ng council para pumunta sa Papilio Imperil. Halos wala pa nga sa kalahati ang mga pumasok ngayon. Wala si Ice dahil masama ang pakiramdam. Napagod siguro sa kakabantay kina Zeke at Ace. Mabuti na lang at okay na yung dalawang lalaki. Pero under observation sila ngayon kaya wala rin sila. Si Sebby at Xianna naman ang sumama kay Mrs. Dammon at magrereport sa council tungkol sa insidente. Kasama rin nila yung kambal na sina Haylee at Kaylee para maimbestigahan sila at mabigyan ng tamang parusa.
Humikab ako. “Ako nga din e. Wala pa akong narereview. Gusto mo, sabay tayong magreview mamaya?” Wala pa akong matinong tulog simula nung nangyari kina Zeke at Ace kaya antok na antok ako at hindi makapagreview ng maayos.
Ang lawak ng ngiti niya. “Yes! May magtuturo sakin! Sige Onee-chan! Nga pala, antagal naman ata ni Mrs. Dammon? It’s already 9 am.”
“Oo nga e. First time niya atang ma-late.” Ihahatid lang dapat kasi ni Mrs. Dammon sina Sebby tapos babalik siya dito para reviewhin kami para sa exam bukas. Maaga naman silang umalis kanina pero anong oras na at hindi pa siya nakakabalik.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jenkyl, ang classroom president namin. Hindi na siya nakasama kina Neo dahil siya ang naatasang magbantay samin hangga’t hindi pa bumabalik si Mrs. Dammon. Pumunta siya sa teacher’s table at nilabas ang sarili niyang laptop.
“Reviewer files will be sent to you so open your laptop.” Ma-awtoridad na sabi niya matapos tuluyang buksan ang kanyang laptop. Mabilis naman naming siyang sinunod. Habang sinesend niya sa amin ang mga reviewer files, inannounce niya sa klase na free day ngayon. Wala kasi si Mrs. Dammon dahil kinailangan pa daw siya ng council kaya hindi siya makakapagturo. Sa ngayon, pwede naming magawa ang gusto namin at kami na ang magdedesisyon kung magrereview ba kami o hindi.
Matapos maisend ni President Jenkyl ang reviewer files, inayos ko na ang gamit ko. Matutulog na muna siguro ako bago magreview. Mahirap mag-absorb ng informations kung kulang ka sa tulog.
Akmang lalabas na ako ng bigla akong tawagin ni Yuuki. Dala-dala niya na rin ang gamit niya habang hila-hila si President Jenkyl. Baliw talaga tong si Yuuki. Presidente kaya hinihila niya!
“Nee-chan! Niyaya ko si Jenkyl-onee-chan na sumama satin na magreview.” Tuwang-tuwa na sabi niya. Tinignan niya ang aming presidente at ginamitan ng kanyang makamandag na technique. Ang Puppy Eyes Technique. “Diba Jenkyl-neechan, sasama ka samin?”
Halatang naguguluhan si Jenkyl nung una pero sa huli ay napangiti at napa-oo na lang siya kay Yuuki.
“Uwaaa~ Magiging masaya to! Matutulog tayo! Tapos kakain tapos manonood tapos kakain ulit tapos magkwekwentuhan tapos kakain ulit tapos kakain ulit tapos kakain u—” excited na sabi ni Yuuki habang nasa loob kami ng sasakyan. Sa sundo na lang kami ni Jenkyl sumakay dahil ito ang unang dumating.
“Magrereview tayo Yuuki, hindi magsi-sleep over.” Natatawa kong sabi. Ang hyper kasi nitong batang to e.
“Eee~ naman e.” nagpout siya at nagcross arms.
“Huwag kang mag-alala Yuuki, gagawin din natin yang mga sinasabi mo pagkatapos magreview.” Nakangiting sabi ni Jenkyl. Ang bait talaga ni President.
“Talaga Nee-chan? Yie~ kaya mahal na mahal kita e. Basta ba kakain tayo ng kakain ha. Lalo ng marshmallow! Masarap yun!” Bigla niyang niyakap si President at patuloy ang pagsabi ng ‘kakain tayo ng marshmallow’. Nagkatinginan na lang kami at napatawa dahil kay Yuuki.