Chapter 43
Collision
Rai's POV
Solar Eclipse. Second Monster War. November 01.
Tatlong bagay na nasa isip ng karamihan. Sino nga bang mag-aakala na pagkatapos ng ilang daang taon katahimikan, aabot ulit ito sa isa na namang digmaan?
Tumutok ulit ako sa mga screen na nasa harap ko ngayon. Pinapakita rito yung mga kaibigan kong kasalukuyang papunta sa Sirenade Castle para harapin at pigilan ang paparating na mas malakas na delubyo, ang pagkabuhay ni Phelestien.
Ako nga pala si Rai and computers explain everything about me. Bata pa lang ako, sa computer na ako nakatutok. Both of my parents are monsters involved in technology type. Mas advance ang pag-iisip namin kaysa sa normal na tao. Katulad lang namin si Ayame na gumagawa ng weapons at gadgets base sa emosyon na nababasa niya sa tao. Hindi nagkakalayo ang knowledge namin pagdating sa pag-imbento.
Ang pinagkaiba lang, Ayame's ability is more on offensive technology type while my ability belongs to defensive. I'm more of a supporter than a fighter.
Pero kahit ganun, iisa lang ang pinaniniwalaan naming mga Technology Monster types.
We create the things we imagine.
Imposible sabi nila, pero pagdating samin, the word 'Impossible' doesn't exist.
Natauhan ako nang marinig kong magsalita si Jenkyl mula sa maliit na microphone na ginawa ko. Lahat sila ay mayroong nakakabit na ganito na may kasama pang maliit na camera para mamonitor ko kung nasaan at ano na ang nangyayari sa kanila.
"Malapit na kayo sa unang checkpoint, Team One. First set of contenders, buckle up," anunsyo ko matapos tignan yung isang screen na naglalaman ng 3D virtual map sa labas ng Sirenade Castle.
Ginawa ko rin ito base sa mga description at mapang binigay nina Yuuki at Neo noong nag-iimbestiga sila sa lugar ng kalaban. Ito ang nagsisilbing guide nila papasok sa Sirenade Castle.
"SYDNEY!"
Nagulat ako ng sumigaw si Ashley kaya bigla akong napadako sa screen kung saan naka-on ang camera niya.
Isang maliit na Ultimate ang biglang sumulpot sa gilid ni Sydney at balak nitong hati-hatiin ang katawan niya gamit ang matutulis nitong ngipin.
Naging mabilis ang pangyayari, bago pa man ito makagat si Sydney ay nahati na ang bibig nito sa gitna pababa sa katawan. Bumagsak ito sa lupa at unti-unti nasunog.
Nakatayo sa taas ng bangkay nito ang isang babaeng may hawak na espadang naliligo sa samu't saring dugong nanggaling sa mga napatay nito simula kanina.
"Wala tayong mapapala kung tutunganga na lang tayo dito," malamig nitong sabi sa mga kasamahan niya. Gulat na gulat pa rin sila sa nangyari pero unang nakabawi naman si Elei at nagsalita.
"Tabitha's right, we should go now. Our time's running out."
Muli na namang nagpatuloy ang Team One sa pagtakbo sa kalagitnaan ng mala-gubat na daan. Malalaki at kakaibang mga puno kasi ang nakapalibot sa Sirenade kaya nagmimistula itong gubat. Base na rin sa istruktura nito, maraming mga patibong ang nakatago sa loob at trabaho ko, bilang supporter at monitor nila, na ilayo sila sa ganito.
"Team Two, turn left after you pass the 8-foot tall gray-colored tree. I repeat for Team Two, turn left after you pass the 8-foot tall gray-colored tree," anunsyo ko naman sa Team Two.
"Roger, Rai-onee-chan," sagot sakin ni Yuuki. So far so good sa Team Two. Wala masyadong patibong ang dinaraanan nila and they're out of enemy's sight for the next few meters.