Ruins

31.5K 903 81
                                    

Chapter 9

Ruins

 ~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

“Your next” diretsong nakatingin saakin ang mga blankong mata ng taong nasa harapan ko. Ibang Shontelle ang nakikita ko ngayon. Mali. Hindi siya si Shontelle.

“Sebby! Ngayon na!” sigaw ni Ayesha kaya kumilos agad si Sebby. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at pinagdikit ang kanyang hintuturo at hinlalaki para bumuo ng tatsulok. Itinapat niya ito kay Shontelle at nagwika ng isang spell.

“Trap thy soul and body. Seal with power and strength"

Isang transparent na pyramid ang nagkulong kay Shontelle sa loob nito. Pilit siyang kumakawala, pinagsusuntok at pinagsisipa ang pader pero matibay ang pyramid. Saktong umapoy ang Fire Falls. Huminga ng malalim si Ayesha at sinubukang kontrolin ang tubig. Noong una ay nahihirapan siya pero kalaunan ay unti-unti niya nang napapasayaw ito. Pinalibot niya ang umaapoy na tubig sa pyramid. Ginamit namin ang abilidad ng Fire Falls para makatulong na mapalakas ang spell na gagawin ko.

Nagkatinginan kami at tumango siya, hudyat na maaari ko nang simulan.

Napatingin ako sa mana bar ko, napakakonti na nito. Sana ay kayanin pa ang isasagawa kong spell.

Lumapit ako sa pyramid at hinawakan ang tubig na bumabalot dito. Hindi mainit dahil sa apoy na kasama dito. Bago ako pumikit ay tinignan ko muna ang mga mata ni Shontelle. Blanko pa rin ito. Pero alam ko na sa loob loob niya ay humihingi siya ng tulong. Nararamdaman ko kung gaano siya naghihirap na pigilan ang tinta na kumalat sa buong niyang katawan at tuluyang kuhain nito ang kanyang sarili.

Huwag kang mag-alala Shontelle, hindi kita pababayaan.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang kapangyarihan ng apoy at tubig na pilit pinagsasama. Ilang minutong pa, mas naging kalmado na ang dalawang elemento, unti unti nang nagsasama. Pagkakataon na para isama ang natitira kong kapangyarihan. Sinubukan kong ibalanse ang kapangyarihan ko sa dalawang elemento. Mabuti na lang at hindi ito ganoon kahirap ibagay. Ilang saglit pa at binigkas ko na ang spell. Naramdaman kong unti-unting umiinit ang pyramid pero bawal bumitaw hanggat’t hindi pa tapos ang spell. Parang nasusunog na ang mga kamay ko sa sobrang init. Lalong humigpit ang hawak ko para hindi ako makabitaw.

Hindi ako bibitaw.

Hindi ako bibitaw, Shontelle.

 ~~~**~~~

~Ayesha’s POV~

Unti-unting lumiwanag ang loob ng pyramid. Nakita ko rin ang namumulang kamay ni Tabitha na nakahawak sa pyramid. Hindi pa rin siya bumibitaw kahit na sobrang init na nito. Nag-aalala na rin ako kay Shontelle sa loob.Walang tigil kasi ang pagsigaw niya. Sana ay walang mangyari sakanilang masama.

Maya-maya, may itim na usok ang kumawala sa pyramid. May pinulot si Sebby na bato sa gilid niya at nagsagawa ng isang spell. Naging glass container ito at kumuha siya ng itim na usok. Sinarado niya itong mabuti para makasiguro na hindi ito lalabas.

Humupa na ang liwanag sa loob ng pyramid. Tinanggal na ni Tabitha ang pagkakahawak niya dito at nawalan ng malay. Buti na lang at nasalo siya kaagad ni Sebby. Nasira na rin ang pyramid na pinagkukulungan ni Shontelle. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila at nadatnan ko si Shontelle na nakaupo at hawak-hawak ang ulo.

“Shontelle, ayos ka lang ba?” tanong ko at inalalayan ko siyang makatayo. Sumunod kami kay Sebby papunta sa improvised tent. Ipinasok niya sa loob si Tabitha samantalang naiwan kami ni Shontelle sa labas.

Monster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon