Mirror Mirror

17.2K 511 66
                                    

BABALA: Ang POV ni EUSEBIO dito ay Rated SPG. Huwag papatulan!

Chapter 28

Mirror Mirror

~~~**~~~

Sebby’s POV

Ang. Ganda. Ko.

Agree?

~~~**~~~

Jenkyl’s POV

 And the next thing I knew, I was screaming in horror.

“SEBBY!!” sigaw ni Tabitha.

“AAAAAHHH~!” Hindi ako makapaniwala.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako.

I felt like I’m a useless president watching my comrades tortured by some freaking ghost!

Damn it!

Parang bumalik lahat ng pagkatakot ko sa mga multo.

I never even thought about this and I NEVER IMAGINED IT WILL TURN OUT THIS WAY.

Si Sebby.. bigla na lang tumaas ang buhok niya at lumutang.

He was shocked.

May dugong tumulo sa ulo niya pababa sa kanyang mukha. Dala siguro ng sobrang pagkabanat sa kanyang buhok.

Nakakatakot. Hindi ko na kaya.

Parang unti-unting mawawarak ang ulo niya.

Sa kanyang noo, parang may nagsusulat gamit ang kanyang dugo. Isang tatsulok na may bilog sa gitna.

At ang pinakanakakatakot sa lahat.

Bigla siyang tinapon sa ere at mula doon, may isang napakalakas na pwersa ang tumama sa kanya pababa sa kabilang hot spring na pinagliliguan niya.

Malakas na hampas ng tubig ang aming narinig.

At nanatili sa aming mga isip ang nakakatakot na sigaw ni Eusebio.

I was snapped in my thoughts when Skye got up from the hot spring at dali-daling tinalon ang mataas na bamboo wall na naghaharang sa hot spring namin at sa pinagliliguan ni Eusebio.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na lumabas ako ng hot spring namin at tumakbo papunta sa kabila. Pwersahan kong binuksan ang pinto at nakita si Skye na nakatingin sa kanina’y mainit na tubig na ngayo’y nahaluan na ng dugo.

Wala na ang katawan ni Eusebio na tinapon dito.

At ang naiwang bakas na lang ay ang ilang pirasong buhok na natanggal at ang kanyang sariling pulang dugo.

Naramdaman ko ang paghawak sa aking balikat na siyang ikinagulat ko. Nakita ko si Kaguya kasama ang iba pa na nakasunod na pala.

“A-asan si S-S-Sebby?,” nanginginig na tanong ni Ayame. Hindi na ako nakasagot. Parang nalulon ko na ang lahat ng aking boses.

“Imposible,” hindi makapaniwalang sabi ni Elei.

Pumunta si Tabitha sa gilid ni Skye at humawak sa braso nito. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang galit na emosyon ni Skye kahit na panandalian lang ito. Mabilis na pinakalma ang kanyang sarili at bumalik ang kanyang walang emosyon na mukha.

Monster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon