Chapter 30
SMA Feast
~~~**~~~
Jenkyl’s POV
One hell month.
Isang buwang pakikipagtunggali sa mga paper works, school works, homeworks, exams at kung ano-ano pang activities.
Isang buwan na rin ang nakalipas matapos ang misyon namin sa Paradiso del Fierro.
Isang buwan na rin simula noong makarinig ako ng balita mula sa Monster Academy. Hindi ko na alam kung anong nangyari kina Ice, Yuuki at Shikuri. Hindi ko rin alam kung nahanap na ba nina Neo ang King of Clover.
Isang buwan ko na ring binabantayan si Princess Kaguya. Hindi na rin kasi niya nacocontact si Shikuri. Hindi na siya mapakali at sa lalong madaling panahon, gusto niya nang makabalik sa Night Kingdom.
“Ilang araw yung SMA Feast?” bulong niya sakin. Nasa library kami ngayon at hinahanap yung spell na kailangan para sa booth namin. Tatlo kasi kami nina Kaguya at Elei na namamahala sa booth ng Superior Class.
“Five days. Pero one whole week sa buong town. Nagbabalak nga sina Sebby na mamasyal sa labas ng school this weekend. Gusto mo bang sumama?,” I answered back. Oo nga pala, school festival dito sa SMA. Kaya ayun, busy ang bawat class sa mga booths nila. May awards kasing ibibigay ang Council sa mga mananalo at may katumbas itong exons o ang pera dito sa Monster World. Dagdag allowance din yun. Lalo na kapag ganitong may mga events. Magastos ang pagpunta sa mga ganito.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Kaguya, “Naman! Buti na lang at may naipon ako! Makakapagshopping ako ng bongga!”
Pinagpatuloy namin ang paghahanap sa nasabing spell ni Elei. Di nagtagal at nakita namin to, inayos namin ang mga kinuha naming libro at bumalik sa top secret room kung saan nandun yung ibang estudyante ng Superiors.
Kumatok ako sa arch-like door ng secret base namin. Nasa ilalim ito ng building ng mga Superiors. Parang underground dungeon. Yung tipong makikita mo sa mga castles na kung saan may spiral staircase pababa na naiilawan ng mga torches sa gilid.
Lumitaw yung invisible keypad sa pintuan. Tinype ko ang password.
KyamiiDyosa
Awtomatikong bumukas naman ang pintuan at pumasok kaming dalawa ni Kaguya dala-dala ang libro.
“We’re baaaack~” Kaguya announced. Napatingin saamin ang mga babae sa loob. Yes, we’re all girls. Kung sa ibang klase, ang lahat ng estudyante doon ay dapat makipagcooperate sa sariling class’ booths, ibahin mo sa Superiors. Dito, tug of war ang labanan. At kung sino ang matalo, sila ang gagawa ng booths at mamamahala dito for a week.
And obviously, talo kami. Kaya eto, busy sa paggawa ng catchy booth samantalang yung mga lalaki, ayun hayahay ang buhay nila.
Awtomatik kasing 100% sila sa project. Kami, magdedepende ang grade namin sa project sa kinita namin dito sa booth. Kaya kailangan, bongga talaga.
“So let’s start!,” Elei said while turning her laptop on. We looked for comfortable seats and rested there. Nagsimula na ring mapunta sa malaking screen na nasa harap ang mga atensyon namin. Few minutes more and Elei started to explain how things will go on in our booth tomorrow.