Chapter 4
Random Rainbow
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
Congratulations! You passed the Entrance Exam. You are now an official monster student.
Welcome to Monster Academy.
Biglang umilaw ang simbolo na nakalagay sa mga Golden Cards at lumabas ang isang black portal hole. Pumasok kami dito kahit hindi namin alam kung saan ito papunta.
Sa tapat ng malaking pintuan kami dinala ng black hole. Sa sobrang laki nito, nagmimistula kaming mga dwende. Gawa ito sa ginto at nagniningning ang mga maliliit na dyamanteng nakadikit sa mga gilid nito. May isang napakalaking dragon ang nasa gitna na nakapabilog sa apat pang dyamante-- isang pula, asul, berde at dilaw. Ang mga dyamanteng binabantayan nito ay may kaibahan sa iba pang dyamanteng nakadikit sa may pinto. May kalakihan kasi ito at parang may nagliliwanag na ilaw sa loob.
Biglang bumukas ang pinto at isang matangkad na babaeng nakasalamin ang lumabas. Nakapusod ang kulay asul niyang buhok at nakasuot siya ng kulay puting blusa na tinernuhan ng paldang itim. Naglabas siya ng isang ballpen at isang itim na notebook at may isinulat dito.
“You must be Tabitha Klein and Skye Ziel von Einzbern?” tanong niya matapos magsulat sa kanyang notebook.
“Opo/Yes.” Sabay naming sagot ni Ms. Skye.
Nilahad niya ang kanyang kamay kay Ms. Skye at nakipagkamay dito. “I’m Ms. Rizzio Reodica, secretary of the head master. Congratulations on passing the entrance exam.” pormal niyang pagpapakilala. Tumango lang si Ms. Skye.
Ako naman ang nakipagkamay sakanya. “Thank you po.” masaya kong tugon.
Iginiya niya kaming dalawa ni Ms. Skye sa loob. Napakalaki ng silid na ito at parang halos ilang silid-aralan na rin ang kasya dito. Kaunti lamang ang mga kagamitan na nasa loob. Mga upuan, lamesa, bookshelves at iba pa. Napakalinis tignan ang kwarto dahil sa puting pintura nito. Isama mo pa ang kaliwanagan sa buong silid dahil sa liwanag na nanggagaling sa tatlong malalaking bintana na gawa sa transparent na salamin. Mukhang napakataas ng building na ito dahil mula sa mga bintana ay makikita mo na ang mga ulap at maaari mo nang hawakan ito.
Sa magkabilang dulo ng silid ay may dalawang pintuan. Medyo may kaliitan ito kumpara nung nasa labas pero parehas lang ng disensyo. Pumunta kami sa may kanan na pintuan at pinaupo muna kami ni Secretary Reodica sa may sofa malapit sa may bookshelf.
“Wait here. I’ll just check the principal.” Pumasok siya sa pinto. Kakausapin ko sana si Ms. Skye pero abala siya sa pagbabasa ng libro na nakuha niya sa katabi naming shelf. Tatanungin ko sana siya tungkol sa dorms tsaka sa classes. Paano na lang kasi kapag magkaiba kami ng dorm? Tapos baka sa Special Class pa siya at sa Lower Class ako mapunta? Tapos pwede pang magkaiba schedule namin? Hindi ko siya mababantayan na mabuti.
Maya-maya pa, lumabas na si Secretary Reodica. “You may now go inside.” Hindi pa rin binibitawan ni Ms. Skye yung libro na binabasa niya. Ano kaya yun at mukhang interesado si Ms. Skye?
Bumungad saamin ang nakatalikod na swivel chair pagpasok namin sa loob. Medyo may kalakihan ang silid at kaunti ring kagamitan ang laman. Puro mga bookshelves ang karamihan ng kagamitang nandito. May iba’t ibang painting din ang nakasabit sa mga dingding. Sa may dulo ng silid ay ang nag-iisang table at ang swivel chair na nakaharap sa may malaking bintana.
“Lord Hales, nandito na po sina Ms. Klein and Ms. Einzbern.” Sabi ni Secretary Reodica. Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Lord Hales?
“Ahh Yes. Thank you Ms. Rizzio. You may leave now.” boses ng bata ang sumagot.