Kyamii: Gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbasa, bumoto, nag-comment at sumuporta mula simula hanggang huli. Sa mga taong nandyan noong nagsisimula pa lang ang storyang ito (kilala niyo kung sino kayo) at nananatiling nandyan.
Syempre sa'yo, ikaw na naging parte ng journey ng storyang ito. Mapa-silent ka man o hindi, salamat sa pagbibigay ng oras para basahin ang storyang trip, on-the-spot, walang plot pero pinaghirapan namang buoin ng magulo at malawak kong imahinasyon.
Muli, ako ay nagpapasalamat sa'yo at sana, nakapagbigay-aral at inspirasyon ang storya ko sa'yo (tho I doubt kung meron nga dahil puro kalokohan lang 'to.)
This is the last chapter of Monster Academy and in behalf of my characters, again, thank you for reading.
Til next time, folks!
P.S. Hindi ko rin inexpect na ganyan ang ending. Kanina ko lang naisip 'yan. Pero sana, nagustuhan niyo pa rin. Enjoy reading ♥
Chapter 50
Epilogue
Tabitha's POV
"Tabitha, ready ka na?"
Napatingin ako sa pintuan at nakita si Sebby na nakasilip dito. Bahagya akong ngumiti.
"I'll just wait for you outside, okay?" Isinarado ni Sebby ang pintuan.
Tumayo ako sa kama at muling sinipat ang sarili sa salamin. Inayos ko ang puting damit na aking suot at kinuha ang bouquet of flowers na nakapatong sa table. Sumunod ako kay Sebby sa labas ng mansyon.
Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang matapos ang Second Monster War. Unti-unti kaming bumabangon mula sa epekto ng digmaan. Sa ngayon, nagtutulungan kami kasama ang Night Kingdom para sa muling pagsasa-ayos at pagbalik ng Monster World sa dati nitong kapayapaan.
Naabutan kong nakasandal si Sebby sa kotse paglabas ko. Nginitian niya ako at ganoon din ang ginawa ko. Pinagbuksan kami ng butler at sumakay kami.
Hindi nagtagal ang biyahe. Narating din namin ang destinasyon sa loob ng kalahating oras. Bumaba kami ni Sebby sa sasakyan at tinignan ang lugar na pamilyar sa aming dalawa. Kinuha ni Sebby ang mga kandila habang hawak-hawak ko sa isang kamay ang bouquet of flowers. Tinahak namin ang daan hanggang sa makarating kami sa harapan ng mga puntod.
"Ms. Skye."
Ibinaba ko ang mga bulaklak sa puntod at nagdasal. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi ng babaeng nakaupo sa gilid habang tahimik na nakayuko at nagdadasal. Nang magmulat ang kanyang mga mata, tumingin siya sa akin at ngumiti.
Niyakap ko siya at hindi ko mapigilang umiyak.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko at niyakap niya rin ako pabalik.
"Pasensya na Ms. Skye," maya-mayang sabi ko matapos kong humiwalay sa kanya at pinahid yung mga luhang tumulo. "Natutuwa lang ako na nasa tabi kita ngayon."
"Yeah. Me too. I'm just glad you two are here," ngumiti sa amin si Ms. Skye. Ang ngiting iyon... akala ko hindi ko na ulit makikita.
Muling nanumbalik sa akin ang lahat matapos ang araw ng digmaan. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng hospital room, nakaupo sa isang tabi si Zeke habang natutulog. Siya ata ang nagbabantay sa akin.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaiyak nang mga oras na 'yon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nagising si Zeke at sinubukan akong patahanin. Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong umiiyak, at wala akong ibang bukam-bibig kundi ang pangalan ng aking amo.
Sa sumunod na araw, unti-unti akong naka-recover. Ikinwento nila sa akin ang nangyari nang makitang handa na ako para marinig ang mga ito. Ayon sa kanila, noong tuluyang mawala si Mephisto, biglang naglaho rin ang mga Dark Reapers na kalaban nila. Nagsi-atrasan ang mga bampira at halimaw nang mapag-alamang natalo ang kanilang master. Sa pagtutulungan naman nina Secretary Reodica, Zeke at Eros, nagawa nilang talunin si Lyre Alastair, at nasa custodiya na ito, hinihintay na lang ang araw para sa parusang kamatayan na ipinataw ng Council sa kanya.
