Summer Kisses

14.4K 377 27
                                    

Kyamii Productions

Presents

Monster Academy: Summer Kisses

~

"Now this is what I'm talking about. Hello summer, baby!"

Hindi na maitago pa ni Sebby ang kasiyahan sa kanyang boses. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng puti at pinong-pinong buhangin kasama ang barkada.

"Sugoi! Parang paradise," nagniningning ang mga mata ni Yuuki. "Masarap kaya pagkain nila dito?"

"Wala na atang inisip 'yang girlfriend mo Neo, kundi pagkain," natatawang sabi ni Lance.

"Oo nga 'pre. Minsan di ko talaga alam kung bakit ko niligawan to eh."

"Ah basta ako?" umakbay si Lance kay Ice. "The moment I laid my eyes on her? I just know she's the one."

Pabirong hinampas ni Ice si Lancer sa braso at sabay takip ng dalawang kamay sa mukha. "Wag kang ganyan, kinikilig ako."

Natawa sila sa reaksyon ni Ice. Sa kanilang lahat, pumapangalawa ang couple na sina Ice at Lancer pagdating sa ka-sweetan. Undefeated kasi ang dalawa na si President Jenkyl at Earth Card King Terrence pagdating sa first spot. Nasabi nga ni Sebby minsan, sumusugod daw talaga ang army ng mga langgam sa tuwing magkasama ang dalawang ito.

"Well, to answer Yuuki's question, maraming varieties kang pagpipilian. May iba't ibang restaurants dito. Name your cravings, they have it here." Nakangiti namang sabi ni President Elei habang hawak-hawak ang guide sa beach resort na pinag-tulungan nilang gawin ni Jenkyl kagabi.

"At di lang 'yon guys, maraming attractions dito. Kayo nang bahala kung anong gusto niyong unahin," dagdag ni Jenkyl habang ipinapamigay ang guide na ginawa nila. "Tsaka chineck ko na rin yung titirahan natin for our vacation. It's just two big rooms, one for the girls and one for the boys."

"O.M.G. Two rooms, you say? Ibig sabihin.." nanlaki ang mga mata ni Eusebio.

"Yes, Sebby. You get to sleep with the guys." Nag-double thumbs up si Elei.

"Congrats onii-chan!" pumalakpak naman si Yuuki.

"Nako Seb, kalma lang mamayang gabi," sabi ni Ice na agad din namang sinundan ni Elei. "Wag magpapaka-wild."

Tinapik-tapik ni Tabitha ang likod ng lalaking nasa tabi niya at hindi mapigilang tumawa sa reaksyon nito. "Okay lang 'yan, makaka-survive ka din."

Tumingin sa ibang direksyon si Zeke na para bang naiinis sa sinabi ng girlfriend. "Tsk."

"Ang sungit mo talaga!"

Humarap din naman siya sa girlfriend at pinisil ang magkabilang pisngi nito at ini-stretch na parang goma. "Punishment for laughing at me."

"Mashakeeet!"

Samantala, ang kanina pang tahimik na si Skye ay lumapit kay Elei.

"Elei, do they have chocolate stores in here?"

Tumango naman ang presidente. "Yes, mayroong dalawa. Actually, may nabalitaan nga ako na magkakaroon daw ang isa sa kanila ng contest mamaya. I think you should join, Skye. Mag-eenjoy ka doon."

Sa isang saglit, parang nag-hugis bituin na nagni-ningning ang mga mata ni Skye. Contest ng isang chocolate shop, ano pa bang mahihiling niya?

Pero mabilis na binawi ni Elei ang sinabi nang may maalala ito. "Eh kaso diba sumasakit ang ngipin mo? Papayagan ka ba ni Eros niyan?"

"He will," determinadong sagot niya. "I'll make sure of it."

Bumalik si Skye sa pwesto kung saan nasa gitna siya ni Tabitha na kurot-kurot pa din ni Zeke at ng kanyang boyfriend na si Eros.

Monster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon