Chapter 37
Last Mesage
Tabitha’s POV
“Ms. Skye”
Ilang araw siyang nawala. Ilang araw akong walang balita, nag-aalala na baka kung ano ang mangyari sakanya. Pero ngayon, nasa harap ko siya na parang walang epekto sa kanya ang nangyari. Ganoon pa rin ang expresyon niya. Walang pagbabago. Walang expresyon sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Wala. Yan pa rin siya. Ang dating amo ko. Ang dating Skye Ziel von Einzbern.
Pero parang may kakaiba sa aura niya ngayon. May nag-iba sakanya.
Napahawak ako sa noo ko. Imposibleng nag-iba si Ms. Skye. Napaka-imposible.
Gusto ko na siyang lapitan ngayon at kausapin. Marami akong mga tanong pero may pumipigil sa akin.
Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak ng kung sino. Tinignan ko kung kanino nanggaling ang kamay na humahawak sa akin.
Nagkasalubong ang mga tingin namin.
“Zeke”
“Still not the right time to talk to her, Tabitha. Wait for it,” hindi ko alam kung anong meron sa pagkakasabi niya ng pangalan ko pero may nararamdaman akong mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano bayan -_- Heart attack na ata to.
Sinunod ko na lang ang payo ni Zeke. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong lakas na malaman kung ano na ba talaga ang nangyayari sa pamilya namin, kina Mr. And Mrs. Einzbern.
“I-I didn’t know you were attending, Master Alastair. I thought your wife would take in charge for this training,” gulat namang sabi ni Secretary Reodica sa lalaking nakaupo. “And I didn’t know you were with our OLD friend.”
Tumawa naman ang lalaki. “Ahh yes. Quite surprising eh? Unfortunately, my wife and I have other business to take care of. By now, you’re just talking to a hologram of me. Looks real isn’t it? But I’m at other venue with my wife and I just want to make sure you’ll have a good time with my new apprentice as well as daughter-in-law.” T-Teka, ano?! Daughter-in-law?! May asawa na si Ms. Skye?!
Halatang hindi lang ako ang nagulat sa ibinalita ng tatay nina Eros at Ace. Kung may asawa na si Ms. Skye, sino sa kanilang dalawa?
Mabilis namang nakahupa si Secretary Reodica, “Thank you sir for your concern. We’ll make sure your apprentice would be comfortable in here.”
Ngumiti ulit ang lalaki. Aaminin ko, kahit na sa tingin ko ay matanda na ito, bakas pa rin ang pagiging malakas nito lalo na sa matipuno nitong katawan at magandang hugis ng mukha. Ganoon siguro pag may lahing bampira, sadyang magaganda at gwapo ang kanilang itsura. Kaya lang, mag pagka-arogante din sila.
“Very well then, I would take my leave. Bid me goodbye now, my two sons,” nagwave lang ng kamay sina Eros at Ace. “Behave yourself, Ms. Demon.” Inirapan lang siya ni Ms. Skye kaya’t napatawa na lang ang lalaki. “Oh and Eros, take care of your wife. So long, students.”
Nawala na lang ng parang bula ang lalaki.
Iniwan kami nitong nakatulala, lalo na sa huli nitong sinabi.
Tumikhim si Ms. Skye. “Would you mind if I measure your strength?”
~~~**~~~
Jenkyl’s POV
