Monster Fight 2

27.9K 877 52
                                    

Chapter 8

Monster Fight Part 2 :3

~~~**~~~

~Shontelle’s POV~

“ROOAR!” dalawang tigre ang sumugod papalapit saakin. I bent my knees slightly, both hands holding tight to my spear. I waited for the right time. Bago pa man tuluyang makalapit, tumalon na ang tigreng nasa kanan para dambahin ako. I charged forward, aiming at the left tiger.

Walang pag-aalinlangan na tinusok ko ang tigre sa mukha papasok sa katawan nito. Hindi sila mga totoong tigre na may laman at balat. Gawa sila sa tinta. Hindi naman sila ganun kalakasan, dahil siguro hindi pa naibibigay ng kalaban ko ang buong kapangyarihan sa iginuguhit niya.

Naramdaman ko yung isa sa may ulunan ko kaya mabilis kong hinugot ang spear at ginamit kong pangtukod para masipa pataas ang tigre. Bumagsak ako kasabay ng pagbagsak ng tigre. Bumalik sila sa pagiging tinta at tumalsik ito sa buong kapaligiran.

Hinarap ko ang kalaban, abalang-abala na naman siya sa ginuguhit niya sa scroll na iyon. Ano naman kaya ang bagong pakulo nito?

Itinapon niya ang scroll paitaas at umikot ito sa buong katawan niya. Pinagdaop niya ang kanyang palad at lalong bumilis ang ikot ng scroll. Unti-unting lumiliwanag ang nakaguhit dito. Kung ano man iyon, kailangang mapigilan ko ito kaagad.

Hinawakan kong mabuti ang spear gamit ang kaliwa kong kamay at tumakbo padiretso sakanya. Mula sa scroll, iba’t ibang mga agila ang sumalubong saakin. Hinihiwa ko sila gamit ang aking spear. Hangga’t maaari, hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko para hindi madaling maubos ang mana bar. Sigurado akong kakailanganin ko ito mamaya, lalo na kung makakalaban namin ang grupo nina Zeke.

Tinalunan ko ang sumunod na sumalubong saakin na agila. Mahirap silang iwasan dahil bukod sa madami sila, mabibilis pa silang lumipad. Muntik na akong madanggil nung isa, buti na lang at nakaikot ako kaagad at natamaan ko ang mga nakapalibot saakin.

“Tch. Nakakapagod to ah.” Sambit ko habang patuloy na tinatamaan ang mga agila. Mukhang hindi talaga ito ang totoong laman ng scroll na iyon dahil patuloy pa rin ang pagikot nito.

Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. May binibigkas siyang spell na lalong ikinaliwanag ng scroll. Nakita ko rin kung gaano kalaki ang bawas nito sa mana bar niya.

“Dark shall consume your body and mind.

Embrace the death you shall find.”

 

Napatigil ang mga agila at bumalik sa pagiging tinta. Bumalik ito sa scroll. Tumigil ang pag-ikot ng scroll pati na rin ang pag-ilaw nito. Pati ako napatigil din. Para kaming may sariling mundo. Simula nang masambit niya iyon, ang mundong iyon ay tumigil.

Kakaiba.

Ang pakiramdam ay kakaiba. Isang malakas na enerhiya ang bumabalot sa buong kapaligiran. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ako makagalaw. 

Suddenly, she opened her eyes. The energy got stronger. I felt the tension in the air. She slowly spread her arms wide. The next thing happened surprised me.

  ~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

“Shontelle!” bigla akong napasigaw sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na magmumula ang ganyang klaseng kapangyarihan sa mukhang batang kalaban niyang ngayon. Napatakbo ako papunta sa kinalalagyan ni Shontelle pero hindi ako umabot. Tuluyan na siyang nilamon ng tinta.

Monster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon