Chapter 19
Love Potion
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Last set, come into the field.” Pagtawag ni Coach. Tumayo na ako at pumunta sa field. Kasama ako sa tatlong nahuling estudyante na magte-take ng activity. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko.
“Let’s do our best.” Narinig kong sabi ni Jenkyl.
Si Jenkyl! Kinakausap niya ako!
“A-ah. O-opo.” Nagbow ako sakanya. Grabe, parang lalong dumoble ang kaba ko ngayong kasama ko pa siya. Ang isa sa mga halimaw pagdating sa sports especially sa Archery.
Jenkyl Faelivrin. Sino bang hindi makakakilala sakanya? Ang respetadong class president namin. Ang pinakamabait at may pinakamahabang pasensya sa amin. Palagi siyang nakangiti sa kabila ng mga nakakastress na problemang kinakaharap niya bilang Class President. Running for valedictorian din siya. Pero sa kabila ng almost perfect niyang katauhan, siya yung tipo na tao na you don’t want to mess with. Mahaba ang pasensya niya pero kapag sinagad mo, welcome to hell ka na.
Nginitian niya ako at sabay kaming naglakad papunta sa field.
“So for the last set we have Tabitha Klein, Jenkyl Faelivrin and Xianna Teschler. Students, get your bow and arrow.” Muling pag-iinstruct ni Coach. Kinuha ko yung silver na pair na bow and arrow na nakalagay sa gilid ko. Nagulat ako sa bigat nito.
“Ready.” Hinila ko pabalik ang arrow sabay itinutok sa dummy na nakatapat saakin.
“Power Aim.” Ito na. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang kapangyarihan ko. Sinusubukan kong isama ito sa pana na hawak ko ngayon.
Concentrate Tabitha Concentrate.
Breathe in.
Concentrate.
Breathe out.
“If you’re ready, then shoot.”
Breathe in.
Concentrate.
Breathe out.
Naramdaman ko na lang na lumulutang ako. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at iba’t ibang symbolo ang tumambad saakin. Mga puzzles, riddles at kung ano-ano pang mind games ang nakapaligid saakin. Napapikit ulit ako.
Naramdaman ko na ang mga simbolong kumapit sa pana na hawak ko. Binitawan ko ito at hinayaan ang mga simbolo na bigyang lakas ang pana.
“Tabitha Klein shot her arrow. Tabitha Klein, 5th circle.” Pag-aanounce ni Coach. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at tumama sa dummy yung pana. Yun nga lang e, pasang-awa ang makukuha kong marka.
Lumapit ako sa kinatatayuan ni Coach at tumayo sa tabi niya. Nakatutok ang buong atensyon ko sa dalawang natitira sa field.
Itinira ni Xianna ang pana niya. Parang may malaki at matutulis na claw ang humiwa sa seal nang tumama ang pana.
“Xianna Teschler, 3rd circle.” Announce ni Coach nang bumaon na sa dummy yung pana ni Xianna. Walang emosyon lang siyang umalis sa pwesto niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makahuma sa nangyaring pangongontrol sakanya nina Ayesha. Simula ng araw ng aksidenteng iyon, bihira lang magsalita si Xianna o mam-bully. Parang na-trauma siya sa pangyayari.
Nagulat na lang ako nang biglang bitawan ni President Jenkyl ang arrow niya. Parang may meteor ang nanggaling sa mga kamay niya. Nagbigay ng napakalakas na impact ng magtama ang seal at ang meteor.
