Chapter 27
Paradiso del Fierro
~~~**~~~
Jenkyl's POV
It's the fourth day of our stay here in the Superiorem Monstrum Academy. Aaminin ko, masyadong nakakapagod ang tatlong araw pa lang na pamamalagi namin dito.
I entered our classroom so early in the morning. Isa sa mga trabaho ng president yan, ang maging maaga to make sure everything is in place. And the usual, naabutan kong nag-iisa si President Elei with the thick book she's reading.
"Good morning," I greeted her happily while she smiled back. I immediately went to my seat and pulled out my planner for today's activity.
Sa mga nakaraang tatlong araw, puro training activities ang ginawa namin kaya sobrang nakakapagod. Nauna na rito ang Alice Activity bilang panimula sa aming MA students. Dito, tinest nila ang kapasidad ng aming kakayahan at kapangyarihan para malaman kung hanggang saan lang kami aabot. Of course, our team was composed of powerful types of monsters kaya naman kaya naming makipagsabayan sa mga estudyante ng Superior Class.
Our second activity which was the quiz bee type tested our knowledge about the history of monsters. The third one tested our courage where we entered an arena alone and found ourselves facing S-Class type of full monsters.
Today, the fourth activity is still unknown. But I already expected that it will be tiresome.
Sa loob din ng tatlong araw, maraming nangyari. As a president, kailangan kong maging updated sa mga pinag-gagagawa ng aking mga kaklase dito sa loob ng academy. Afterall, they are my responsibility. Sa first day, there was an accident involving Ayame and Ace in the Alice Activity. Ito yung nakaharap nila ang pinakamahirap na kalaban sa maze which was the sleeping ogre. Kinwento sakin ni Ace ang nangyari. Okay na sana ang lahat at makukuha na dapat nila ang white rabbit nang biglang may tumapak sa magic circle na isang babae, which is Sydney Seymour, ang presidente ng Prince Xander’s fans club. Siya rin ang babaeng partner ni Xander sa activity. Silang dalawa ang nakakuha ng white rabbit na dapat ay kina Ace at Ayame mapupunta. Pero hinayaan na ito ni Ace dahil hinanap niya si Ayame.
Later that day, nagkaroon ng bonding time ang mga lalaki kasama si Eusebio at nilibot ang buong school. Nasa suite naman ni Ayame si Tabitha, siguro pag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang nakaraan. Honestly, alam kong nanggaling ang dalawang yun sa iisang orphanage but other than that, wala na akong alam. Pero feeling ko, may kailangan akong malaman tungkol sa kanila. I don’t know if it’s just my intuition but I think they’re hiding something really important. Isa pa, after that day naging medyo distant samin si Tabitha. Nabawasan din ang pagiging cheerful niya at madalas, tahimik na lang siya.
Meanwhile, nabalitaan ko na napalaban si Skye that same night because of the wasted gummy bears. I can’t blame her. Skye has been the type of girl that you don’t want to mess with. Isa pa, isa rin siya sa kinatatakutan kong tao kapag nagagalit.
Habang kami naman ni Princess Kaguya, nasa dorm at gumagawa ng cakes with President Elei. Ang sarap nilang kasama at kakwentuhan especially the president. Sinong mag-aakala na ang isang ma-awtoridad na Elei Austria ay mahilig sa marshmallow? Kaya naman we ended up making a cake na gawa sa marshmallow with melted chocolate inside at napapalibutan ng tinapay na kapag kinain mo ay matutunaw sa bibig mo.
Sayang at hindi sumama sa amin si Xianna. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin siya kaclose at mas pinili pa niyang sumama kay Ashley Thompson and Sydney Seymour, ang mga presidente ng fansclub dito.
Kahapon naman, may natanggap akong sulat na galing kay Secretary Rizzio Reodica. She said Aizen Kagame, Yuuki Sakkaku and Shikuri Suzumiya will carry the mission regarding about Night Kingdom. Si Neo Kagame naman ang naka-assign in search for the King of Clover.