Chapter 23
Superiorem Monstrum Academiae
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“I expect good performance from you. And please, watch over each other. They are dangerous as you may not expect.” Muling pagpapaalala ni Mrs. Dammon bago kami tuluyang bumaba ng sasakyan. Nagpaalam na kami sakanya pero bago pa man sya makaalis, isang bilin uli ang isinigaw niya.
“Don’t Die!”
“O-kay, just what kind of students are studying here?” maarteng tanong ni Sebby, isa sa mga nakakuha ng lowest score. Ewan ko ba sa baklang yan, naghanap ata siya ng mga papables niya imbes na mag-aral para sa exam. Ayun, nabengga ang score niya. Kaya kasama tuloy siya dito.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang malaking gate ng eskwelahan. Isang lalaki ang sumalubong sa amin at iginiya kami papasok sa loob ng academy. Habang naglalakad, bigla kong natanong si President Jenkyl tungkol sa educational system ng monster world.
“Monster World has three schools. Ito ang Little Monster Academy, our school Monster Academy and Superiorem Monstrum Academiae o mas kilala bilang SMA. They are all founded by Lord Hales. Kung nagtataka ka kung bakit tatlo lang ang eskwelahan dito sa Monster World, ito ay dahil hindi naman ganoon kalaki ang populasyon natin katulad ng sa mundo ng mga tao. Kung ikukumpara tayo sa mundo ng mga tao, isang buong bansa lang ang mundo ng mga halimaw.” Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni President Jenkyl. Hindi kasi ako pamilyar sa monster world. Lumaki kami ni Ms. Skye sa mundo ng mga tao. Dito, may sarili kaming tutor at hindi kami lumalabas ng estate ng mga Einzbern. Ilang beses pa lang kaming nakakapunta sa Monster World at ang pag-aaral sa Monster Academy ang pinakamatagal na pamamalagi namin dito.
“A-ano, Ms. President. Okay lang ba kung magtanong pa ako?”
“Oo naman. Ilang oras din naman kasi tong byahe natin sa tren. Ang boring naman kung wala akong kausap.” Oo nga pala, nasa harap na kami ng isang tren. Sasakyan mo ito para makapunta mismo sa pinakaloob ng SMA. Umakyat na si President Jenkyl at sumunod ako sakanya. Magkatabi kaming nakaupo sa loob ng tren. Ilang saglit lang at umandar na ito.
“Anong meron sa Little Monster Academy? Tapos yung sa Monster Academy, diba pili lang yung mga nakakapasok dito? Pano yung ibang mga hindi nakakapasok? Ano naman yung sa SMA?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Hindi ko talaga magets yung educational system ng Monster World.
“Ganito yan. Kung papasok ka sa Little Monster Academy, you have five years to learn the basic skills of your power. Para lang siyang elementary o primary education ng human world. Ang pinagkaiba lang, sa human world kasi mayroon sa kanilang Grade 1, Grade 2, Grade 3, first year highschool, second year and so on. Sakanila, every year may mga bagong nag-eenroll at may mga grumagraduate. Hindi katulad ng sa atin. Tayo every five years, doon lang grumagraduate at doon lang nagsasagawa ng entrance exam. Halimbawa, ngayong year na to, ang Little Monster Academy ay nagkaroon ng entrance exam. Nag-enroll tayong dalawa at nakapasa tayo. Yung mga nakapasa, sila yung makakapasok sa Little Monster Academy at mag-aaral for five consecutive years. So next year, walang entrance exam ang magaganap. Hindi tatanggap ang Little Monster Academy ng mga bagong enrollees hanggat hindi tayo natatapos sa ating five years. Sa madaling salita, sa atin lang nakatutok ang eskwelahan na iyon.” Mahabang paliwanag ni President Jenkyl.
“So ganoon din po sa Monster Academy?”
Tumango siya. “Yes. Meron din tayong five years para naman palakasin ang ating mga abilities, learn other spells and such. Now here’s another thing. Dahil nga every five years ang entrance exam, hindi lahat ng monsters ay nasa tamang age para dito. Katulad na lang ni Yuuki na masyadong maaga para sa Monster Academy. Usually, ang ginagawa ng mga ibang families ay kumukuha ng sariling tutor para sakanilang mga anak. Sa kaso ni Yuuki, hindi siya nakapag Little Mosnter Academy pero nagtutor siya para makahabol at makapasa sa entrance exam ng Monster Academy. Para sa mga races at mga kilalang pamilya katulad ng Einzbern, Education is really important.”