Kyamii's note: Okay lang kahit hindi niyo basahin. Hindi to related sa storya. Pawang kabaliwan lamang. Pagbigyan niyo na ako. Birthday ko naman ngayon XD
SPECIAL CHAPTER
Into the Monster World
Sebby’s POV
Yung feeling na stress out na ang beauty ko.
Na-ka-ka-lo-ka.
“Oh yung mga fireworks okay na ba?,” tanong ko kina Nerd, Shontelle at Ayesha.
“Aye Diyosa! Kami pa,” sagot ni Shontelle.
“Nakagawa na rin kami ng forcefield sa buong lugar para kung sakaling umulan, hindi masira yung fireworks,” dagdag pa ni Nerd.
“Tsaka chillax ka lang Sebby, all things are going according to the plan. Wag magpaka-stress!,” Ayesha smiled.
Tumango-tango lang ako sakanila and I waved goodbye. Wala munang war-war eklavu dito sa Monster Academy. Tsaka na yang real acting namin sa mismong storya. Dito, tulungan muna kami para sa birthday ng aming pinakamamahal na author.
“Sebby~ okay na rin yung cake natiiin~,” bigla namang nag-appear sa harapan ko si Princess Kaguya na may icing pa sa buong mukha.
“Teh, ang pagmumukha pakiayos. Pang-halloween eh”
Hinampas niya ako ng pabiro sa braso, “Ang maldita mo talaga Eusebio! Sige na, kelangan ko ng tutulong sa pagbubuhat ng cake no! Magtawag ka ng mga papables mo.”
“Gaga! Makahampas ka ah! Close tayo? Ayun si Neo my loves! NEOBABE~!,” sigaw ko. Saktong napaharap naman sakin si Neobabe at nagtatatakbo papunta sa direksyon namin ni Princess Kaguya.
“What can I do for you, ladies?,” Kaguya and I were stunned for a moment. Yung feeling na kanina—well actually kahapon pa kami nagtratrabaho para dito and yet, ang fresh-fresh tignan ni Neo at ang bango-bango pa. Ang gwapo talaga ng babe ko. <3
“Neo, patulong naman ako sa pagbubuhat ng cake oh. Magsama ka din ng iba pang lalaki, medyo malaki yun eh,” sabi ni Kaguya. Nagpaalam na sila saking dalawa at nagpunta na sa kitchen.
Naglakad-lakad ako paikot sa buong lugar para makita kung okay na ba ang lahat. Malapit nang mag8 in the evening at kailangan na naming matapos ito.
“Sebby, okay na ang powerpoint. Handa na rin yung iprepresent naming sayaw ni Jenkyl,” sabi ni Terrence na naka-assign sa technical committee. Tumango ako at nagpunta naman sa design committee.
“Ate Sebby~ okay na yung desiiigns~ Spooky na pang-Diyosa ang theme~,” cute na sabi ni Elei habang nagspre-spread ng glitters and bubbles sa buong lugar kasama si Ayame.
“Waaa~ naeexcite ako mamaya Princess Sebby~! Anong oras na ba?,” tanong naman ni Ayame. Napatingin ako sa aking kumikintab na wristwatch.
“7:45. Hala! Gorabells na. Mag-aannounce lang ako sa stage,” sagot ko sabay takbo papuntang stage. Seryoso, kahapon pa talaga ako nata-time pressure. Nakakasira ng ganda yun noh!
“Announcement: It’s 7:45 pm. This time check is brought to you by, the goddess of all times,” bumaba na ako sa stage at pumunta sa kitchen para icheck ang food committee.
“YUUKI!” sigaw ko. Well, what do you expect? Anong mangyayari kapag iniwan mo ang pagkain sa isang taong nagngangalang Yuuki Sakkaku?
“Ayaaan~ lagot ka kapatiiid~ Kain ng kain eh,” pananakot naman ng nagyeyelong kapatid ng aking author sa cyberworld, si Aizen Kagame o mas kilala bilang Ice.
