Kyamii's Note: I have a new story entitled BEATS. Sana masubukan niyo though prologue pa lang yung nakapost. :) Click niyo na lang yung external link. :) Thank you
Chapter 24
The Story Behind The Light
Ayame's POV
~~~**~~~
"Tabitha, hindi mo ba talaga ako naaalala?" halos mangiyak-ngiyak ako habang tinatanong ko siya.
"Pasensya na talaga Ayame. Wala talaga akong maalala. Ang totoo niyan, medyo malabo ang mga alaala ko pagdating sa orphan. Sorry. Sorry talaga," halos madurog na ang puso ko nang marinig ko sakanya yan. Gusto ko nang umiyak. Pero hindi pwedeng umiyak ako sa harap niya. She hates seeing me crying when we were kids. Instead, I managed a smile. A sad smile.
Napabuntong hininga ako. Paulit-ulit na sa isipan ko ang nangyari kanina sa amin dalawa ni Tabitha. Mabuti na lang at pumayag siya na sumama sa akin para mapakita ko sakanya yung photo album na ginawa naming dalawa nung bata pa kami. Sana maalala niya na ako at ang panahong nasa orphan pa siya.
Pero may mga tanong ang bumabagabag sa utak ko. Anong nangyari kay Tabitha at nawala ang memorya niya? At bakit tungkol sa orphan lang ang hindi niya maalala?
Higit sa lahat, may kinalaman ba ang mga Einzbern dito? Alam na kaya nila ang sekreto ng katauhan ni Tabitha? Kalaban ba o kakampi si Skye? Kung ano man iyon, kailangan kong protektahan si Tabitha. Kailangan kong protektahan ang unang taong tumanggap sa akin.
I was back from my deep thoughts when Ace snapped in front of me.
"The game is starting. I think we should go inside now," Wala sa sarili niyang sabi. Oo nga pala, kasama rin kaming maglalaro dun sa activity na ‘Alice’. Si Ace ang partner ko.
"A-ah oo! Sorry," napayuko ako at sinundan si Ace papasok sa loob ng maze. Hindi katulad sa ibang pairs na halos pagod na sa kakatakbo, naglalakad lang kami habang hinahanap ang white rabbit. Mukhang may problema si Ace dahil nakatulala lang siya habang naglalakad. Isa pa, nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. I can detect feelings and emotions after all.
Mukhang walang katapusan itong paglalakad namin. Kanina pa kami paliko-liko at wala pang ni isang sign ang white rabbit. Parang wala naman kaming patutunguhan. Sinusundan ko lang kasi si Ace. At sa tingin ko, kailangan ko nang gumawa ng paraan para makita namin ang aming hinahanap.
"Ace, siguro kailangan na nating--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil. He was looking intently at something. Tumingin din ako sa tinitignan niya. I saw a huge ogre for about ten feet high, sitting on a gigantic chair while sleeping. May hawak itong bote ng alak sa kanang kamay. Mukhang nalasing kaya nakatulog. But what caught our attention was a white fluffy thing on top of its head.
The white rabbit.
Ace aimlessly walked towards the sleeping ogre pero bigla ko siyang hinila pabalik. Itinuro ko ang bilog na nakapalibot sa ogre.
"Once you step inside, the ogre will be conscious and trust me, we have no chance of winning." I already sensed its power capacity. Kahit pa alam kong malakas si Ace, fifty fifty lang ang tsansa naming makalabas ng buhay dito sa maze kung makakalaban namin ang ogre na ito.
Nanatili lang emotionless si Ace. Kahit na hindi mabasa sa kanyang mukha ang kanyang iniisip, alam kong wala dito sa laro ang kanyang atensyon. Nasa ibang bagay, isang mabigat na problema.