Chapter 10
Ultimate
~~~**~~~
~Ayesha’s POV~
Kasalukuyang nakikipaglaban kami sa limang Master types. Okay na sana yung tatlong halimaw na pumasok. Kaso nung dumagdag yung dalawa, lalo kaming nahirapan. Ang masaklap pa, mga magulang pa ng mga naunang pumasok ang dalawa. Kaya mas malakas ito at mas malaki.
Nagsagawa na rin kami ng ‘temporary alliance’. Pumayag sina Skye at Zeke dahil nakasalalay naman ang allowance namin dito. Jusko, pahirapan yang dalawang yan para magkasundo. Mabuti naman at napapayag sa huli. Nakikipaglaban pa kami habang kinukumbinsi ang dalawang yan. Sa ngayon, magkatulong ang dalawa sa pagkalaban sa mga magulang ng mga halimaw. Nakaback-up naman sa kanila si Neo na nagsummon ng isang batalyon ng skeleton soldiers.
Kaming mga natira naman ang bahala sa tatlong anak. Ako at si Shontelle ang magkapartner at kalaban namin ang halimaw na nasa kaliwa. Sanay na kami sa isa’t isa kaya naman hindi mahirap saamin ang gumalaw at smooth ang bawat bagsak ng tira namin.
Nabuhay ang mga average na halimaw na nadatnan namin sa labas. Pero sa halip na kami ang kalabanin, kinakalaban nila ang pinakamalakas na halimaw sa magkakapatid. Mas lalong lumakas ang mga average type. Kinokontrol kasi ito ni Ice gamit ang kanyang violin. Nakaback-up naman sa kanya si Ace na martial arts ang ginagamit. Ngayon naiisip ko, paano kaya pag kinalaban namin sila? May pag-asa kaya kami? Kung kay Ice at Ace pa nga lang e, medyo alanganin na.
Sa huling halimaw naman, kinakalaban ito Sebby at nakaback-up sakanya si Tabitha. Medyo nahihirapan sila kasi mag-isa lang si Sebby sa offense. More on defense kasi si Tabitha dahil taga-heal siya kay Sebby at pati na rin saamin. Kaya bumaback-up din sakanya si Ace. Kahit papaano, okay naman ang takbo.
Nalalamangan na namin ang mga halimaw. Konti na lang at matatalo na namin ito.
“Yesh! I-trap mo na!” narinig kong sigaw ni Shontelle. Agad kong pinagalaw ang tubig sa may paanan ng halimaw. Umakyat ito hanggang sa tuhod niya at sinubukan kong pigilang makaalis ang halimaw. Nagwala ito at pilit tinatanggal ang tubig gamit ang kanyang mga kamay. Ang hirap panatilihin nito sa pwesto, masyadong malakas.
“Ice.” tinanguan ni Ice si Ace at tumugtog na naman ng kakaibang pyesa. Lahat ng average monsters ay hinawakan ang dalawa pang natitirang halimaw. Pabilis ng pabilis ang tugtog ni Ice, dahil siguro sa mahirap hawakan sa isang lugar lang ang mga halimaw lalo na kung dalawa pa ang nasa kanya.
Sinusubukan naman patulugin ni Ace ang mga halimaw sa pagsipa niya sa mga ulo nito. Hindi pa gumagamit si Ace ng kapangyarihan niya at patuloy lang ang pagmartial arts nito. Nagsagawa naman ng spell si Sebby at may mga vines na lumabas sa kung saan at pumulupot ito sa tatlong halimaw.
“GRAAAAAAAAAAAA!”
“GREEEEEEEEEEEE!”
“GRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!”
Galit na galit na ang mga halimaw at pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanila.
Mukhang okay na ang lahat kaya tinanguan ko si Shontelle at nagsimula siyang kumanta. Ang mga pulang mata ng halimaw ay naging puti, ibig sabihin ay nasa dream land na sila. Nakita namin kung paano ang pagbawas sa life bar ng tatlo.
~Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound~