Chapter 13
First Move
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Uy bakla! Ayos ka lang?” iyon ang unang tanong na sumalubong saakin paglabas ko ng C.R. Ipinatong ni Sebby yung likod ng kamay niya sa noo ko. “Wala ka namang sakit. Bat ka namumutla?”
“Mahirap bang ilabas?” sabi ni Ayesha.
“Ilang araw na ba?” –Shontelle
“Sabi sayo uminom ka ng maraming tubig e. Ayan, constipated ka tuloy.” –Sebby
“Anong constipated? Grabe kayooo~ HAHA.” Natatawang sabi ko.
“HAHA. Ano ba kasing nangyari?” tanong ni Shontelle na uminom sa cup na hawak niya.
Napaisip ako. Sasabihin ko ba sakanila? Pero..
“Nakakatakot kasi sa C.R e. Mag-isa lang ako. Kaya siguro ganito. Natatakot akong makakita ng alam mo na.” Pagsisinungaling ko. Mas mabuti nang hindi ko sabihin ang tungkol sa babae at salamin. Baka mag-alala sila.
“Haynako girl. Masyado kang matatakutin. Walang ganun no. Tsaka mga multo muna ang matatakot dahil sa mukha mo.” Sebby rolled his eyes atsaka tumawa. Binubully nanaman niya ako.
“Bully." nagpout ako.
“Wag kang magpout. Hindi bagay. Saakin lang pwede yun. Nakatadhana para sa aking lips.” Patuloy na pambubully niya.
“Isusumbong kita kay Ms. Skye. Away mo ako.” Sabi ko in a childish tone.
“Pero who knows? Wala namang imposible sa mundong to diba? Ghosts might exist.” Sabat naman ni Ayesha, giving her scary smile.
“Speaking of ghosts, may balita ako na may isang particular building na malapit sa building natin, ang haunted daw.” Sabi naman ni Shontelle.
“Haynako. Tigilan niyo nga yang ghost churva na yan. Naloloka lang ang beauty ko. Ang mabuti pa, let’s go shopping na.” tumayo na si Sebby kaya nag-ayos na rin kami.
“Yie! Si Sebby natatakot. HAHA aminin. Baka magpakita sila. Awhoo~” Pang-aasar ni Shontelle
“Tigilan mo nga ako babae. Masyado akong maganda para magpakita ang mga multo na yan. C’moooon! Lezz goo~!” lumabas na kami ng café.
~~~**~~~
“Tabitha. Hindi ko pa nakikita si Skyebeybeh. San naman kaya nagsususuot yun?” sabi ni Sebby habang namimili kami ng mga pagkain sa MonsterMarket. Huli pa dapat namin itong gagawin pero hanggang 12:00pm lang pala kami. Four hours lang pala kami dito sa Monster Central Town. Babalik ulit kami dito sa susunod pang buwan so kailangan talagang bilhin ang mga kailangan namin.
Kumuha ako ng limang box ng cereals para sa breakfast ko sa buong buwan. “Oo nga po e. Nag-aalala na ako.” Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
“Tabby, alin ang mas mabango? Ito o ito?” pinaamoy niya saakin ang dalawang lotion na hawak niya. Tinuro ko yung kulay asul na lotion. Nilagay naman niya iyon sa cart na hawak niya.
Kumuha na rin ako ng lotion, powder at kung ano ano pang kailangan ko. Sinunod naman namin ang mga pagkain para sa breakfast, lunch at dinner.
Maya-maya narinig namin ni Sebby ang sigaw nina Shontelle at Ayesha. Magkahiwalay kasi kami habang namimili.
“SKYE!” Nasa kabila siguro sila. Nagkatinginan kami ni Sebby at dali-daling pumunta dun.
As expected, punong-puno ng pagkain specifically chocolates and lollipops ang cart ni Ms. Skye.