Kyamii Productions
Presents--
Napatigil ako sa pagta-type nang biglang bumukas ang pinto.
"Miss Author!"
Lumingon ako sa pintuan ng kwarto kung saan nakatayo si Eusebio ngayon. His face looks... ugh ang hirap i-explain.
Bumalik ang atensyon ko sa laptop at nagsimula ulit mag-type.
"Ano na naman bang kailangan mo, Sebby?"
"Miss Author! Like O.M.G. Ano 'tong nababalitaan ko na itutuloy mo daw 'yun?" Naupo siya sa gilid ng kama ko, sa may tabi ng study table na kina-uupuan ko ngayon. "Like O.M.G. You've got to be kidding me."
I roll my eyes. Iniharap ko sa kanya ang laptop para makita niya ang tina-type ko sa M.S. Word. Lalong nanlaki ang mga mata niya.
"Omg Miss Author. You can't do this to me!" He whines. "Alam mo namang ako lang ang walang love life sa kanila di ba? Pleaaase~ Have mercy. Wag mo ng ituloy."
"Ay nako Eusebio, wag kang bitter. Kung nagpapaka-lalaki ka lang, edi sana may love life ka ngayon. Ang dami kayang naghahabol sa 'yo."
"Over my dead sizzling hot sexy body. Never akong papatol sa girl no! Di kami talo! Ew."
I shrug. "Okay. Ikaw nagsabi niyan. Wag mo 'kong sisisihin kung maiinggit ka sa kanila ha."
"You are so mean talaga, Author. Matitiis mo ba 'kong naiinggit habang luma-love life sila?"
"Oo." Diretsong sagot ko.
"Wow beh, saket! Pagkatapos ng mga pinagdaanan natin," naglabas siya ng panyo at pinunasan ang nagpupumilit na luhang lumalabas sa mata niya. "Hindi ka man lang nag-alangan sa sagot mo. Huhuhu! You don't love me anymore! Like O.M.G!"
Binatukan ko siya. "Ang drama mo."
"Arouch ha. Hard 'yon." He crosses his arms ang pouts.
I heave a sigh at hinarap siya. "Kasi naman Sebby, kayo na lang ni Rai. Bagay naman kayo eh. Tsaka alam mo namang hindi ako mahilig sa yaoi or boy to boy scenes. Hindi ko mapagbibigyan ang hiling mong makasama mga papables natin."
"Miss Author, kahit kiss lang sa cheeks nila masaya na 'ko."
"No."
"Ah ganon? Wait ka lang dyan."
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan. Naiiling na lang akong bumalik ulit sa pagta-type.
Sino kaya uunahin ko? Ang bagal-bagal ko na ngang mag-update sa ibang stories, naisipan ko pa 'to. Abnormal ka talaga, Kyamii.
Sana lang tamaan ka ulit ng kasipagan.
Napatigil ulit ako sa pagta-type nang bumukas ulit ang pinto.
"Miss Author!"
Lumingon ulit ako kay Sebby. Ano na naman bang--shit.
What the hell!
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Eusebio.
Binulungan ko siya, "Alam mo bang kidnapping 'tong ginagawa mo?!"
Inakbayan niya ako at sabay naming tinignan ang lalaking nakahiga sa harapan namin. Hindi ko alam kung anong ginawa nitong si Eusebio at mahimbing na natutulog pa rin hanggang ngayon ang lalaki.
"Miss Author sa panahon ngayon, kung di ka kikilos, aba walang mangyayari dyan sa love life mo. Landi-landi rin 'pag may time."
"Tigilan mo 'ko. Masaya na 'ko sa mga anime ko."
"Asus! Masaya ka rin naman na nakita mo siya ngayon." Tinapik-tapik niya ako sa likod. "Ayan na ha, puno na ang fridge mo ng chocolates, tapos andito pa 'yang crush mo. Siguraduhin mo lang na bongga ang special update tungkol sa 'kin ha."
"Puno ang fridge ko ng chocolate?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ah um! Confirm! With matching nutella, whipped cream at chocolate syrup pa," naka-thumbs up na sagot niya.
Waaa~ *U* That is like... heaven! Hindi na 'ko makakapag-hintay pa na buksan ang fridge. Love is indeed an open door!
I come back to my senses nang gumalaw ang lalaki. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ano na lang ang palusot ko kung bakit siya nandito?
Hala shet!
"So Author ha, ang usapan natin." Bigla akong nataranta nang binuksan ni Sebby ang pintuan ng kwarto ko.
"Uy! Saan ka pupunta? Okay na 'ko dun sa fridge! Ibalik mo na 'to sa bahay nila!" Pigil ko sa kanya.
Ginamitan niya ako ng kung anong spell kaya napaupo ako sa sahig katabi ng lalaki. At shet lang, hindi ako makagalaw!
"Hoy Eusebio! Bumalik ka dito! Isa!"
"Bye bye Miss Author! Have fun!" Nag-flying kiss siya with matching kindat pa at saka isinara ang pintuan. Bigla na lang nawala ang spell na ginamit niya sa 'kin.
"Eusebio!"
Nasapo ko na lang ang noo ko. Paano na 'to?
"Kyamii?"
Natigilan ako. Ang boses na 'yon.
Unti-unti akong lumingon sa lalaking nasa tabi ko. Nakaupo siya, nakatungkod ang isang kamay niya sa sahig bilang balanse habang kinukusot-kusot ng isa niyang kamay ang kanyang mata.
May tinanong siya pero hindi ko naintindihan. Natulala na lang kasi ako sa mga mata niya.
Mga singkit niyang mata na nagustuhan ko talaga.
"Okay ka lang?" lumapit siya sa 'kin at kinapa ang noo ko. "Bakit namumula ka? Ina-allergy ka na naman ba?"
Shet natatandaan niyang ina-allergy ako! Akala ko talaga wala siyang pakealam sa 'kin. Hindi niya kasi ako pinapansin.
"H-ha? A-ah oo," inayos ko ang sarili ko at medyo dumistansya sa kanya. "Okay lang ako."
Tumango-tango siya at tinignan ang buong kwarto ko. "Paano nga pala ako napunta dito?"
Shit.
Anong sasabihin ko? Alangan namang may elf na pumunta dito at kinidnap siya para makipaglandian sa 'kin? What the hell.
Humanda ka talaga sa 'kin Eusebio! I'll make your life a beautiful nightmare! Mwahahahaha!
Pero shet, anong sasabihin ko dito?
Bahala na.
Napahawak na lang ako sa batok ko at pilit na tumawa.
"N-nag-sleep walking ka. Papunta sa bahay ko."
~
Sebby's POV
Fufufu~ I'm pretty sure na nag-eenjoy si Miss Author ngayon kasama ang chinito ng buhay niya.
Haaay~ I want to cry na. I'm so happy for her! Finally, luma-love life na rin ang author naming mahal.
Anyway, na-eexcite na 'ko sa pinag-uusapan namin ni Author kanina. I can't wait for it like O.M.G.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon ng Special Chapters ang M.A. Syempre featuring ang barkadang aking mahal at ang mga papables ko!
Like O.M.G diba? Ready na 'ko sa pinaka-bonggang special chapter na gagawin ni Author for me! Ay nakakaloka lang!
So stay tuned for Monster Academy's special chapters! Balita ko, pupunta daw kami ng beach eh. Makabili na nga ng red na two-piece! Mangse-seduce ako. Mwahahaha!
Sit back and relax, guys for here comes Monster Academy-Extended! Kasama ang mga minahal niyong characters and syempre yours truly, the ever beautiful sexy and goddess of all time, Sebby Steinway!
Kyamii Productions
Presents
Monster Academy: Summer Kisses ♥