Chapter 18
Princess and Phoenix
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang narinig ko kaninang pinag-uusapan ni Ms. Skye at Ayame. Naglinis naman ako ng tenga ah. Ba’t kasi hindi ko pa narinig yung huling sinabi niya. Ang shunga shunga mo talaga Tabitha.
Hindi ko naman natanong si Ms. Skye nung nasa sasakyan kami. Ang dilim ng aura niya kaya natakot ako. Naalala ko tuloy yung naiimagine ko habang nakikipag-usap siya kay Ayame.
‘Eating lollipop like a mafia boss.’
Kinuha ko yung mga plato sa lalagyan at inayos yung table. Dinner time na kasi.
Sabi ni Ayame, bestfriend ko daw siya sa orphan. Pero bakit wala akong maalala? Pinilit kong isipin pero wala talaga akong maalala. And worst, wala akong maalala na kahit ano tungkol sa orphan na pinanggalingan ko.
Anong nangyayari? Ahh! Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip.
Nagulat na lang ako nang biglang nagsnap si Yuuki sa harapan ko.
“Tulala ka Onee-chan. Anong iniisip mo?”
“A-ah Ha?. Ah, w-wala wala.” Ngumiti ako sakanya.
“Gutom ka na siguro. Kain na tayo.” Kinuha niya yung niluto kong pasta sa may kusina at nagsimula na kaming kumain ng dinner. Habang kumakain, napag-usapan namin ang tungkol kay Ayame. Hindi ko na lang sinabi kay Yuuki ang tungkol sa narinig kong pinag-uusapan nila ni Ms. Skye.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin, may biglang kumatok.
“Ako na.” prisinta ko at naglakad papunta sa may pintuan. Pagbukas ko ay tumambad saakin ang pagmumukha ni Sebby.
“Magdradrama ka na?” tanong ko.
“Of course girl. Alangan namang pumunta lang ako dito para makita lang yang pagmumukha mo.” Mataray na sabi niya. Tinalo pa ako.
“Pwede din. Malay mo namiss mo ko.” binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok siya.
“Che! Halika na. Sisimulan ko na ang pagOscar awards kong drama.” Nagdire-diretso siya sa sala at komportableng umupo doon. “Bilisan niyong kumain girl! Hindi na makapaghintay ang beauty ko. Gora go!”
“Opo. HAHAHA.” Dumiretso ako sa dining room at sinabi kay Yuuki ang tungkol sa pagbisita ni Sebby. Agad-agad naming inubos ang pagkain at naghugas ng plato. Pagkatapos ay nagready kami para makinig para sa mahabang pagdradrama ni Sebby.
“Ang sakit girl. Yung feeling na.. O to the M and G! Yung make-up kit koooo~! Ibalik niyo siya! Ibalik niyooo~ My babiiies!” pagsisimula ni Sebby. Nasa isang oras din kaming kumakain ng chips habang nagdradrama siya. Nang matapos na siya ay dali-dali akong pumunta ng kwarto at kinuha ko ang dalawang letter. Nakita ni Yuuki to sa may entrance door ng suite namin. Yung isang letter na kulay puti, nakapangalan saakin. Yung isa namang pula ay walang naka-address. Nabasa ko na yung letter na naka-address saakin. At nagulat ako sa nilalaman nito.
Bumalik ako sa sala at inabot kay Sebby ang pulang letter. Kinuha naman niya ito.
“O ano to?” takang-taka na tanong niya.
“Edi basahin mo.” Nakangisi kong sagot. Alam ko kasing love letter yun. Naalala ko nanaman ang nabasa ko sa sulat na pinadala saakin.
~~~**~~~
Dear Miss Tabitha,
Hindi ko po alam kung saan po ako magsisimula. Siguro tawagin niyo na lang po akong Air. At sana po matulungan niyo ako sa problema ko. Kayo lang po ang sa tingin kong makakatulong saakin. Hindi ko na po kasi kaya tong nararamdaman ko. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kaya sana po matulungan niyo po ako.
