1

2.2K 41 0
                                    


CHAPTER 1

[Taira Pov]

"TAIRA! SIS!" Kakapasok ko lang sa university nang marinig ang malakas na tili ni Ate Erika. As usual, palengkera na naman ito. Graduating na niya ngayon dito sa Westbridge.
"Ate, kamusta?" tanong ko.
"Okay lang sis!"
Maganda siya. Matangkad at well, isa talaga siyang Villafuerte. Maloko.
Naalala ko noong freshman pa lang ako. Ganito ring eksena pagkapasok ko pero kasama niya noon ang kakambal na si Ate Lyn pero nasa ibang bansa na nag-aaral ngayon.
"TAI-TAI!" Tawag ng taong kinaiinisan ko at rason kung bakit nag shift ako sa nursing.
"Ate, mauna na ako. Baka ma late ako sa first subject ko." Paalam ko kay Ate Erika. Hindi ko na hinintay na sumagot siya at tumalikod na ako. Alam naman nila ang sitwasyon namin ng kapatid niya. Well, walang uniporme rito sa Westbridge kaya gusto ng mga estudyanteng mayayaman lalo na ang mga mahilig sa pormahan.
"TAIRA!" Mahigpit na nahawakan niya ako sa kamay nang maabutan at iniharap sa kaniya. "Iniiwasan mo ba ako?" malungkot na tanong nito. As if na apektado talaga ang loko.
"Hindi naman. Nagmamadali lang ako dahil baka malate pa ako sa klase. Alam mo namang nagbago na ng faculties ang eskuwelahan," sagot ko. Ewan, kumukulo talaga ang dugo ko rito kay Sky. Kababata ko siya at close ang family namin dahil magbarkada ang parents ko at ang parents niya.
Dito ako pinaaral nina Mommy dahil sina Tita Kimberly ang may-ari ng school na ito na mother nina Sky at Ate Erika. Lima silang magkakapatid. Dalawang babae na kambal at tatlo silang lalaki na triplets. Ewan, nauso na yata ang twins at triplets sa aming magbabarkada dahil nasa family history naman. Gusto ko sanang lumipat sa CTU (Crysantemum Univesity) na pagmamay-ari ng asawa ng kapatid ni Daddy pero hindi pumayag si Dad dahil kung magulo rito, mas magulo roon dahil sa frat war. School of fraternities and sororities ang CTU. Pero ang kakambal ko na si Jairah, doon nila pinaaral. Ang unfair lang!
"Taira naman. Bakit ba kasi nag-shift ka? Bumalik ka tuloy sa second year," nagtatampong wika nito. Poker face na humarap ako sa kaniya. Seriously? He has no idea if bakit ako nag shift? Or sadyang manhid lang siya?
"Dahil gusto ko maging nurse. Naiinggit ako kay Nathalie kapag mag white uniform siya," sagot ko. Ang cute rin naman tingnan ni Nathalie sa puting uniform nito.
"Ano ang ikinaiinggitan mo sa girlfriend ni Black? Kahit ano naman ang suot mo, bagay sa iyo." Sagot niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang dibdib. As in sa dibdib na talaga tumigil ang mga mata niya. Minamanyak na naman ako ni Sky!
"Pero mas bagay sa iyo kapag walang saplot!" Pero iyong tingin niya na medyo nanunuya.
"MANYAK KA TALAGA, SKY!" Singhal ko. Suwerte lang namin dahil nasa gitna kami ng field kaya malayo ang mga estudyante. May dumadaan man pero hindi naman nila kami pinapansin. Sanay na sila sa kaguwapuhan ng mga estudyante rito maliban na lang sa mga freshmen na kung makatitig sa Villafuerte triplets ay akala mo, lalamunin nila ng buo.
"Sus, masarap kasi kaya namamanyak ako!" Nakangisi nitong sabi.
"E di, humanap ka ng mamanyakin mo! HUWAG AKO!" Giit ko. Kumulo na naman ang dugo ko.
"HUWAG MO AKONG HAWAKAN!" Pagbabanta ko nang humakbang ito palapit sa akin. "Oras na lapitan mo ako, hindi na kita papansinin habang buhay at kakalimutan ko na magkaibigan ang pamilya natin!"
Sinipa ko ang maliit na bato sa daraanan ko bago siya tinalikuran. Ang aga-aga, tumataas ang presyon ng dugo ko. Galit ako sa kaniya! Hindi ko naman siya mahal pero naiinis ako sa pagmumukha niya! Pakiramdam ko, niloko niya ako kahit na wala naman talagang kami.
Oo, may nangyari na sa amin. Dalawang beses at iyon ang pinagsisisihan ko sa tanang buhay ko! Ang ibigay ang pagkababae ko sa walang kuwentang tao na kahit kailan, walang balak magseryoso sa buhay. At worst pa, kusang ibinigay ko iyon sa kaniya! Ang isang bagay na sana ay puwede kong mairegalo sa mapapangasawa ko ay walang kahirap-hirap na nakuha ni Sky Villafuerte!
Kabisado ko na ang lahat ng classrooms sa paaralang ito kaya hindi na ako naligaw pa.
Pagkapasok ko sa classroom ay ang iingay ng mga estudyante. Okay, nakakapanibago dahil iba na ang kalagayan ko ngayon at new classmates, new classroom, new subjects and new teachers na naman ito. Sana lang ay mabilis akong maka adjust.
Naupo ako sa unahan ng classroom.
"Taira?" napalingon ako sa babaeng pinagkaguluhan nila kanina. Badtrip na nga ako kay Sky, nakita ko pa ang demonyitang ito!
"Amanda? Ano ang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko. Girlfriend siya ni Sky. Ang pinakamatagal na babae sa buhay ng walang hiyang iyon!
"Nag-aaral. Balik-eskuwela na ako. Bakit ka nandito?" tanong niya. Huwag niyang sabihing nursing din ang kukunin nito? Mas inuna niya ang sumali sa Binibining Pilipinas kaysa sa pag-aaral noon. Ambisyosa kasi.
"Nag shift ako. Magkaklase pala tayo," hinihintay ko na bawiin niya ang sinabi niya at sabihing napadalaw lang siya pero wala.
"Tabi na tayo. Kamusta na ang kababata mo?" nakangiti niyang sabi.
"Si Blue? Okay naman siya. Sikat na," sagot ko tungkol sa ka triplets nina Sky. Kunwari ay hindi ko alam na si Sky ang tinutukoy niya.
"Si Sky, kamusta na siya? Hindi niya alam na aaral na ako at dito ako sa Westbridge papasok kaya isu-surpresa ko siya," sagot nito. Feeling close na talaga siya eh ayaw ko nga sa kaniya.
"Okay naman siya." Tipid na sagot ko.
"Ah, mabuti naman." Ako lang ba ang nakaramdam na nakikipagplastikan siya sa akin? Alam ko namang napapataas ang kilay nito kapag hindi ako nakatingin. Duh!
Nakaramdam siguro na ayaw kong makausap siya ay bumalik ito sa mga fans niya. Ayun, nagyabang ng pagiging beauty queen niya na pang Pilipinas lang naman. Shu-shunga-shunga noong isabak na international. Ne hindi nga nakapasok sa top 13. Naunahan kasi ng yabang!
Pagdating ng guro ay nagpakilala lang sa amin at ibinigay namin ang class card. Pasado alas nuwebe na nang dali-dali akong lumabas para hindi maabutan ni Amanda. Mabigat talaga ang dugo ko sa kaniya at never na magkakasundo kami nito. Totoo akong tao kaya mahirap nang madikitan ng plastic.
Pagdating ko sa tambayan ay kompleto ang barkada at nagtatawanan.
"Ako naman. Anong isda ang hindi marunong lumangoy?" tanong ni Sky.
"Meron ba non?" sabat ng pinsan kong Keana na pinsan din nina Sky. Si Tita Yna at si Daddy ay magkapatid tapos si Tito Skyler at Tito Kyler ay magkambal.
"Oo. Basta! Hulaan ninyo!" Alam ko ang sagot pero ayaw kong magsalita. Baka mamaya, kukulitin na naman ako nito. Yung hula niya na common sense lang talaga ang gamitin mo dahil wala naman itong talino. Nakakabuwesit lang!
"Ikaw, Blue, may pahula ka?" tanong ni Kean na kakambal ni Keana sa tila nag-iisip na si Blue. Lahat talaga kami ay puro may lahing kambal.
"Ano ang isda na kapag bigyan mo ng piso ay naglalakad?" tanong ni Blue. Napataas ang kilay ko sa dalawang ito.
"Alam ko 'yan! Alam ko 'yan!" Tuwang-tuwa na sabi ni Sky. "PISOGO! Tananantanan!" Sumayaw sayaw na naman ito ng sayaw niyang bodut dance kaya tumawa ang mga nasa classroom.
Mas mainam pa nga noong depressed itong si Blue dahil medyo tahimik si Sky pero ngayong nakarecover na ito sa pagkawala ng kasintahang si Avery ay dalawa na silang naging pasaway.
"Ulol! Bisugo 'yon!" Sabat ni Black na hindi maipinta ang mukha. Sa kanilang tatlo, si Black ang pinakatahimik na kapag hindi mo ka close, maiisip mo talaga na may itinatago ito.
Well, may itinatago nga ito na kami lang ang nakakaalam. Ako at ang family niya! Pero sa tingin ko, nalibing na sa limot ang lihim na iyon nang makilala niya si Nathalie.
"Pisugo!" Depensa ni Blue. Pinagtulungan pa talaga ng dalawa si Black kaya ang huli ay hindi na sumagot at inatupag na lang si Nathalie na busy sa pagbabasa ng text messages.
"Maliban sa flying fish, ano pa ang isdang lumilipad?" tanong na naman i Sky. Hindi ko alam kung ano ang trip ng dalawang ito at ang mga isda ang napagtripingan. Mababadtrip ka lang dahil ang mga tanong nila ay mga walang kuwenta. Nauso na talaga sa amin ang pahulaan. Minsan, mabuwesit ka lang sa sagot nila.
"Alligator?" sabat ni Keana.
"Paano ang alligator? Gamit ang buntot, ganon?" panunuya ni Sky.
"Sirit na!"
"Bahala kayo. Mag-isip kayo!" Humarap na naman ang loko sa akin at ngumisi.
"Wala ka na ba talagang gawin sa buhay kundi ang ngumisi?" naiinis na tanong ko. Inunahan ko na ito dahil mukhang may binabalak na namang masama. "NAKAKABUWESIT KA NA KASI!"
"Kapag hindi ako ngumiti, hindi na ako ang nakilala ninyong si Sky. Kapag hindi ako ngumiti, nawawalan ako ng identity. Kapag hindi ako ngumiti, boring na." Seryosong sagot niya. Paminsan-minsan, may pagkabipolar siya at hindi ko alam kung kailan siya seryoso. "At kapag sumeryoso si Sky, ibig sabihin..." tumingin siya sa akin.
"Mahal na kita..." dagdag nito.
Bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? Lahat sila ay natahimik. Kahit ako ay hindi rin nakapagsalita.
"Sana nga, sumeryoso ka na." Napailing ako sa naisip. Wala akong pakialam sa kaniya at hindi ko hinangad na mahalin niya! Maiinlove ako pero kay Sky! Hindi sa babaerong si Sky!
"Pero siyempre, biro lang iyon, Tai-Tai." Biglang bawi niya. Ano pa ba ang bago sa lalaking ito? Walang kaseryosohan sa buhay! Humarap siya kay Nathalie. "Nat-Nat? Ano ang pahula mo?" pag-iiba ni Sky ng usapan. Mabuti naman dahil naninindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Impossible naman kasi na magseryoso ang mokong na 'to!
"Ano'ng bato ang makikita mo sa pinakagitna ng dagat?" tanong ni Nathalie. Kapag ito ang magtanong, ang hirap sagutin. Gaya na lang nung tanong niya kung ano ng bata ang nurse na hanggang ngayon ay wala pang nakakasagot sa amin. Ayaw naman niyang sabihin. Sila lang ni Black ang nakakaalam.
"Pearly shell from the ocean?" malokong sagot ni Sky na napakamot sa batok.
"Pag-isipan mo," nakangiting sagot ni Nathalie.

A/N:

Hindi pa sure ang title. Hahaha. Baka palitan ko pa. Yung portrayer ni Taira, pag-isipan ko pa ulit. Medyo hindi kasi ako kampante e. Romantic comedy pa rin ito kaya don't worry.😀💖💜💖

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon