17

919 25 0
                                    




My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...

"Sino ba kasi ang kumuha ng mga bulaklak ko?" galit na tanong ni Kim. Noong isang araw lang ay puno pa ng mga namumukadkad na bulaklak ang mga rosas niya sa hardin.
"Blue, ikaw pa ang pumipitas ng bulaklak ko?" tanong ni Kimberly sa kakarating lang na anak.
"Ang dami kong bulaklak na galing sa fans ko..." sagot ni Blue at inilapag ang S-26 na gatas sa sofa. "Nasaan na po si Red?"
"Nasa kuwarto. Kasama ang yaya niya," napabuntong hininga si Kimberly. Pinagmasdan niya si Blue habang paakyat. Naaawa siya rito dahil kahit na hindi naman nila hinihinging magtrabaho ito ay pinipilit pa rin nitong tumanggap ng projects para may pambili ng gamit ng anak. May pera naman sila pero ayaw nitong gumastos sila dahil responsibilidad na raw niya ang anak. Hindi niya akalaing ang dating maloko at palangiting si Blue ay maging isang responsable at mabuting ama.
"Bakit parang ang lungkot ng mukha mo?" tanong ni Skyler na kagagaling lang sa garahe dahil tiningnan ang mga sasakyan kung ano ang may sira.
"Ilan na lang ang mga bulaklak ko sa garden. Kinuha mo ba?" tanong ni Kim.
"Bakit ko naman kukunin?" balik-tanong ng asawa. "Oh, ba't 'di mo itanong sa anak mo?" na ang tinutukoy niya ay si Sky na kakarating lang.
"Sky? Ikaw ba ang kumukuha ng bulaklak ko sa hardin?" baling ni Kimberly sa anak.
"Siya talaga! Sino pa ba ang gagawa no'n?" turo ni Skyler.
"Ibinibigay ko naman kay Taira!" Depensa ni Sky.
"Kita mo na? Ang dami namang mabilhan ng bulaklak!" Sabat ng ama.
Mahal naman talaga ng asawa niya ang mga itinatanim sa hardin. "Magbibigay ka lang ng bulaklak, nakaw pa! Ano'ng klaseng manliligaw ka?"
"Psh! At least, nagnakaw ako para mabigyan lang siya. Effort ang tawag do'n!" Ani Sky.
"Tigilan mo nga ako sa mga walang kuwentang palusot mo!" his dad.
"Tama na nga 'yan! Kamusta na ang panliligaw mo?" kahit na alam na nilang sila na raw ni Taira dahil sa deal nila noon ay patuloy pa ring nanliligaw ang anak.
"Ihanda mo na po ang mga flowers ng roses mo, mommy, para i-disenyo sa simbahan!" Nakangiting sagot ni Sky.
"What does it mean?" she asked.
"We're getting married!"
"Nananaginip ka na naman ng buhay?" sabat ni Skyler.
"C'mon, dad! Magpapakasal na talaga kami. Pinapasundo ka nga po nina Tito Tyron para pag-usapan ang kasal namin ni Tai-Tai," masayang balita ng anak.
"Seryoso ka ba?" nagdududang tanong ng ama.
"Why don't you ask him?" hamon ng anak. "Call him!"
Nagdududa pa ring nakatitig si Skyler sa anak habang dinudukot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Tyron.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay tumingin si Skyler sa anak.
"Ano ang sabi ni Tyron?" usisa ni Kimberly.
"Mamanhikan na raw tayo sa kanila."
"Sabi sa inyo, eh! Mag-aasawa na ako!" proud na sabat ni Sky.
"Masaya ka na niyan? Paano kung mabuntis mo si Taira? Saan ka kukuha ng pambili ng gatas at diaper eh, wala ka namang alam sa buhay!" Duda lang si Sky kung kaya nitong buhayin ang anak ni Tyron kapag hindi nila suportahan.
"Maghahanap ako ng trabaho o part-time," mabilis na sagot ni Sky.
"Akala mo, ganoon lang kadali ang mag-asawa? Hindi iyon kanin na kapag isinubo mo at mainit, puwede mo pang mailuwa!"
"Matagal ko nang narinig ang kasabihang iyan! Isa pa, huwag niyo naman po akong maliitin! Kakayanin ko basta para sa magiging pamilya ko! Do not underestimate the power of love!" Madamdaming saad ni Sky kaya napa-poker face ang ama.
"Magbibihis lang ako," paalam ni Kimberly sa mag-ama. Kahit siya ay duda rin sa kakayahan ng anak. Ina siya kaya alam niyang hindi ito magiging madali para kay Skyl at nakikita niya ang sarili kay Taira.
Pagdating nila sa bahay ng mga Rodriguez, nasa kuwarto pa raw si Taira kaya pinuntahan na ni Sky.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Taira kay Sky nang pumasok ito sa kuwarto niya.
"Wala lang. Bumaba ka na, Tai-Tai. Nag-uusap na ang mga parents natin..."
"Nag-uusap? Tungkol saan?" nakakunot ang noo niyang nakatingin sa kababata.
"Tungkol sa kasal daw natin."
"KASAL? Tayo, ikakasal?" bulalas ni Taira.
"Ayaw mo?"
"Sino ba ang babaeng gustong magpakasal sa isang katulad mo?"
"Huwag kang mag-alala, napipilitan din naman ako!" Padabog na lumabas si Sky saka malakas na isinara ang pinto.
"Psh!" Kanina pa naiinis si Taira lalo na nang pauwiin ang binata sa bahay nila. Dali-dali siyang nagbihis at sa back door dumaan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jairah nang makasalubong ito.
"Magpapalipas ng oras!"
"Gagi, nasa baba sina Tita Kim!"
"So? Ayokong makaharap sila!"
"Magagalit sina Mommy!"
"Bakit? Isusumbong mo ako? Subukan mo! Isusumbong rin kita na sumali ka sa sorority!" Pagbabanta niya.
"Nakakainis ka! Kasalanan mo naman kasi nagpaloko ka kay Sky! Siya pa talaga ang ipinagkalooban mo ng sarili!" Pagdadabog ng kakambal. Ayaw talaga niya rito.
"Ang dami mong arte! Wala na akong magagawa pa!" Iniwan na niya ang kapatid at sa likuran ng mansion dumaan. Mabuti na lang dahil Sa kabilang kanto ay may taxi kaya nagpahatid siya sa gym ni Black. Kailangan niyang magpapawis at ilabas ang lahat ng sama ng loob.
"Si Black?" tanong niya kay Nathalie habang nakaupo ito sa maliit na sofa.
"Bumili ng merienda." Sagot ni Nathalie at ngumiti sa kaniya.
"Tumataba ka na, siguro, lagi kang busog kay Black..." puna ni Taira. Ang cute ni Nathalie dahil nagpagupit ng buhok at nagpa-rebond kaya medyo tumaba ang pisngi nito. Bilugan pa naman ang mukha nito.
"P-Palagi nga akong busog sa kaniya... Alam mo na, food trip..." medyo naiilang si Nathalie sa sagot. Iba ang laman ng kaniyang isipan nang sabihin niya ang "food trip".
"Hindi ka pa buntis?" nagli-live-in na ang mga ito. Sa paglipas ng buwan ay paunti-unti na rin niyang napapatawad si Black.
"Hindi. Ayoko pa. Hindi pa ako ready," sagot ni Nathalie.
"Ahm, magpakasal na lang kayo ni Black." Suhestiyon niya para hindi na matuloy ang kasal nila ni Sky. Kapag ngayong taon magpapakasal ang mga ito, sukob ang mangyayari.
"Hindi puwede. Kailangan ko pang maka-graduate. Napag-usapan na namin iyan ni Becks!" Sagot ng dalaga.
"Bahala kayo." Nainis siyang lumapit sa dressing room at nagpalit ng white work out clothes. Lahat ng lalaki ay napatingin sa kaniya lalo na sa katawan niya dahil sa magandang hubog nito nang lumabas siya pero wala siyang pakialam. Tuloy-tuloy lang siya sa punching bag at pinagsusuntok ito. Nang hindi makatiis ay sinisipa na niya ito hanggang sa nilabasan siya ng pawis sa katawan.
Nang mapagod ay ang thread mill na naman ang ginamit niya. Bahala na kung sasakit ang buong katawan niya dahil hindi nag-basic exercise.
"Mukhang madudurog mo na ang punching bag kanina," napatingin siya sa katabing nagti-threadmill.
"Lester? Nandito ka rin pala?" sabi niya at pinatay ang threadmill.
"Oo, hindi mo lang napansin dahil mukhang ang lalim ng iniisip." Ani Lester at pinatay rin ang threadmill na gamit.
Naupo sila sa isang sulok at nag-usap.
"Water?" alok ni Lester at iniabaot sa kaniya ang bottled water.
"Thanks," pasalamat ni Taira. "Si Grace?"
"Nasa bahay. Alam mo naman ang kapatid ko, walang ibang ginawa kundi ang mag-aral at magbasa ng makakapal ng libro," sagot ni Lester. Mula noong bata pa sila ay nerd na talaga ang kapatid. Kahit ngayong nagdadalaga ay ganoon pa rin. Mas lumala pa nga.
"Hayaan mo na siya. Doon masaya si Grace eh." Nagumiti siya rito.
"Congrats pala. Kayo na ni Sky," bati ni Taira.
"Huwag mo na ngang i-remind!" gusto nga niyang umiwas sa binata pero sinambit pa talaga ni Lester.
"Sus, akala ko, hanggang friends lang kayo."
"Akala ko nga rin, eh." Atubiling sagot ni Taira. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Tama na'ng isipin ng mga nasa paligid nila na nagmamahalan nga talaga sila ni Sky.
Habang kausap niya si Lester ay napapangiti siya. Kahit paano, may sense of humour naman ang binata.
Nagulat siya nang may mainit na bagay na tumakip sa likuran niya. Hoodie jacket.
"Baka malamigan ang likod mo at sipunin ka," wika ni Sky na nakatayo sa likuran nila. "Kanina ka pa namin hinahanap pero nandito ka lang pala."
"Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Sinusundo kita. Halika na, uwi na tayo!" Napasimangot si Sky kapag mapasulyap siya sa katabi ng kasintahan. Ayaw talaga niya kay Lester dahil alam niyang may gusto ito kay Taira.
"Ayoko pa..." tanggi ni Taira.
"Hintayin na lang kita rito," giit ni Sky.
"Lester, mauna na akong umuwi." Paalam ni Taira at tumayo. Mahirap na kapag ganitong si Sky ang kausap niya dahil hindi ito susuko kapag hindi siya kusang susuko.
Tuloy-tuloy ang paglabas ni Taira. Ni hindi man lang lumingon at nagpaalam kay Nathalie at Black na nasa isang sulok.
Hinarap ni Sky si Lester at taas noong nagsalita. "Mauna na raw kami, LETSE! Uuwi na kami ng kasintahan ko!" Wika niya at sinundan si Taira pero puwetan na lang ng sasakyan nito ang naabutan niya kaya mabilis na sumakay siya sa ducati at hinabol ang kasintahan.
Pagdating ni Taira, nasa gate na nila si Sky. "Bakit ba ganiyan ang suot mo? Alam mo namang puro lalaki ang mga naggi-gym doon?" panenermon ng kababata.
"Huwag mo ngang pakialaman ang buhay ko!" singhal ni Taira.
"May pakialam ako dahil kasintahan at magiging asawa mo na ako!" Singhal din ni Sky pero pinandilatan lang siya ni Taira at tatalikuran na sana siya pero napigilan niya ito sa kanang braso.
"Tai? Puwede bang huwag ka nang makipag-usap sa ibang lalaki lalo na sa mga lalaking may gusto sa iyo?" seryosong pakiusap ng binata. "K-Kuwan, n-nagseselos kasi ako..." namumula ang mukha ni Sky sa sinabi. Never pa siya nagselos kapag may ibang kumakausap sa babae niya maliban kay Taira. Mula noon, selos na selos na siya sa mga lalaking kinakausap nito.
"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" mahinang tanong ni Taira.
"Dahil mahal kita. Nagseselos ako dahil mula noon, mahal kita. Seryoso nga ako!"
"Paano ko malalaman ang seryoso kaysa sa mga pagbibiro mo?" tanong ulit ng dalaga habang nakatitig sa guwapong mukha ni Sky. Kapag hindi niya kabisado ang ugali nito, maaaring isa siya sa mga babaeng maghuhumaling dito.
"Huwag mo nang alamin kung ano ang pinagkaiba. Pagdating sa iyo, seryoso talaga ako..." malungkot na sagot ni Sky. "hindi mo lang sini-seryoso..." dagdag nito kaya iniwas ni Taira ang mga mata.
Sanay naman siyang nakipagtitigan kay Sky palagi pero kapag sumerysoso na ang boses nito ay siya namang nagpapabilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Dagdagan pa ng tila nangungusap nitong mga mata. And she hates it!

A/N:

JAMES JIRAYU po ang name ng portrayer ni SKY. Tnx.😀😀💖💜💗💗💖💜💖💚💖💚💗💚💚💜💖💚💖💚💖💚💚💖💖💚❤💚💗💚💖💚💖💚💖💜💖💜💖💚💖💚💚💖💜💚💖❤💖💚💖💜💖💜💖💚💖💚💖💚💖❤💖💚💖💜💚💖💚💖💚💜💗💗💗💗💜💖💚💚

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon