24

1.1K 36 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited...
"Okay lang ba ang mga gamit natin dito?" tanong ni Sky sa asawa habang pinagmamasdan ang kabuuan ng buong condo.
"Oo, wala naman akong makitang mali rito."
"Baka may nakalimutan ka pa, babymine ko?"
"Wala na."
"Sure ka?"
"Oo. Teka lang, may problema ka ba, Sky?" nakapamewang na tanong ni Taira.
"Wala ah. Parang nagtatanong lang," sagot ng binata.
"Okay, sabi mo eh." Pumasok na si Taira sa kuwarto nila at naiwang mag-isa si Sky. Halos wala nang space ang buong unit dahil sa mga gamit ng asawa. Lahat na lang ng gamit nito, binitbit na niya. Dagdagan pa ng mga mamahaling regalo noong ikinasal sila.
Nang pumasok siya sa kuwarto ay nakabihis na ang kaniyang asawa.
"Babymine? Paano kung mabuntis ka?" tanong niya at naupo sa malambot na kama. Puti ang bedsheet at mga punda dahil iyon daw ang gusto ni Taira.
"Hindi pa ako mabubuntis dahil kakatapos lang ng mentruation ko noong ikinasal tayo," sagot ni Taira. Dalawang araw na matapos ang kasal nila kaya bumalik na sila rito. Ang mga tauhan na rin ang naglipat ng kanang mga gamit.
"Sure ka?" panigurado ni Sky kaya gumuhit ang lungkot sa dibdib ni Taira.
"A-Ayaw mo bang magkaroon tayo ng baby?"
"Hindi naman sa ganoon, babymine. Alam mo namang pareho pa tayong nag-aaral, 'di ba? Baka mahirapan tayo kapag mabuntis ka. Iba na ang sigurado," sagot ng asawa.
"Bakit mo ako pinakasalan?" aaminin niya, na-disappoint siya sa mga sinabi ni Sky.
"Dahil mahal kita. Dahil ayaw kong mapunta ka sa iba. Dahil natatakot ako na baka mawala ka pa sa akin. Dahil gusto kong panagutan ang nangyari sa atin at ayaw kong isipin nila na pinaglalaruan lang kita," sunod-sunod na sagot ni Sky. Alam niyang totoo ang pinagsasabi nito. Si Sky ang tipo ng lalaking honest kapag siya ang kaharap. Hindi nito ugaling mambola sa kaniya. Sa iba, oo pero sa kaniya, mula noon, honest ito. Tumitig siya sa mga nangungusap nitong mga mata pero bakit pakiramdam niya, may kulang?
Lumapit siya kay Sky at ipinulupot ang magkabilang kamay sa leeg nito.
"P-Paano kung mabuntis ako?" pabulong na tanong niya at inilapit ang mukha sa mukha nito. Lihim na napangiti siya nang maramdaman ang paninigas ng asawa.
"K-Kuwan... Gusto mo nang mabuntis?" nauutal na sagot nito at sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa. Ayan na naman, lumalakas na naman ang pagkalabog ng dibdib niya sa tuwing lumalapit si Taira. Naiinis siya rito dahil sa tingin niya, tino-torture siya ni Taira.
"Paano kung sabihin kong, oo? Gusto kong mabuntis?" marahang hinalikan ni Taira ang pisngi nito kaya malalaking amount na ng laway ang nalulunok ni Sky. Dagdagan pa ng mabangong hininga nitong kay sarap amuyin.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo," diretsong nakatitig ang mga mata niya sa asawa. "Kung ayaw mong magka-baby tayo, okay lang." hinaplos niya ang mukha ni Sky na hanggang ngayon ay hindi kumikilos.
"Sabihin mo lang, hindi kita pipilitin. Kahit na hanggang kailan, 'wag na tayong magkaanak." Masuyong hinalikan niya sa labi ang asawa.
Hindi malaman ni Sky kung ano ang nararapat na gagawin. Kinkabahan siya lalo na nang maglapat ang malambot na mga labi ng asawa sa kaniya. Dalawang gabi rin silang nagsama pero walang pagbabago ang epekto ng asawa sa kaniya. Ito lang talaga ang babaeng nagparamdam sa kaniya ng panginginig sa katawan at pangangatog ng mga buto niya.
"Sige, matulog ka na." Maingat na tinanggal ni Taira ang mga kamay niya sa leeg ni Sky at dahan-dahang tumalikod dito. Paunti-unti ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Parang basang sisiw ang asawa na hindi alam ang gagawin. Sinusubukan lang naman niya kung ano ang magiging epekto ng asawa sa kaniya.
"T-Tai?" tawag ni Sky nang matauhan at napangiti ito. Gusto ni Taira ng baby na siya ang ama! Ngayon lang pumasok sa isip niya.
"Hmmm--waah!" Nagulat si Taira nang hatakin siya nang asawa pabalik at inihiga sa kama kasama ng katawan nito.
"Gawa na tayo ng baby, now na." Tukso ni Sky at hinalikan sa labi ang asawa.
"Sabi mo, ayaw mo--uhm..." muling siniil ni Sky ang mga labi niya. Ang init at lambot nito na nagpapahina sa depensa niya pero ayaw niyang ipahalata sa lalaki dahil baka mas lalo na namang lumaki ang ulo nito.
"W-Wala akong sinabi, gawa na talaga tayo ng baby, babymine ko. Talunin natin ang mga Lacson, pentagon ang atin!" namamaos na sabi ni Sky habang hinuhubad ang damit ni Taira. Napalunok na naman siya nang bumulaga sa kaniya ang maputi at  makinis na dibdib nito. Parang panaginip sa kaniya na ang mga nangyayaring pag-aari na niya ito. Dati, nai-imagine lang niyang hawak niya ang dibdib ng asawa. Masama man pero nai-imagine talaga niya dati.
"S-Sky..." umiwas si Taira ng mga mata nang naghubad ito sa harapan niya. Dor the first time mula kanina, napalunok siya ng laway. Ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae sa school campus nila, ang lalaking halos pinapangarap ng iba ay asawa na niya. Malayang pagmasdan, hawakan at angkinin kapag ginusto niya.
"Like what you see, babymine?" nang-aakit na tanong ni Sky. Marahang tumango siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang lakas magpalaway ni Sky.
"Para lang sa iyo 'to. Punta tayo sa ulap. Dadalhin kita roon," nanlaki ang mga mata niya nang tuluyang ibinaba nito ang nahuhuling saplot sa katawan. Napapikit siya! Naiilang pa siyang tingnan iyon. Kahit na mag-asawa na sila, mayroon pa ring takot sa kaniya. Sa laki pa naman ba ng nakikita niya gabi-gabi. Tuluyan nang pumatong si Sky sa kaniya at gaya ng sinasabi, muli na naman siyang dinala sa sinasabi nitong ulap.
Kinaumagahan, maaga pa silang nagising dahil back to school na silang mag-asawa. Pagdating sa paaralan, dumiretao muna si Sky sa tambayan.
"Kamusta ang honeymoon?" masiglang bati ni Keana sa kaniya nang makasalubong siya sa hallway. Ang lakas pa ng pagkakasabi nito kaya napalingon ang mag estudyante.
"O-Okay lang naman." nahihiyang sagot niya. Alam na ng lahat na kasal na sila ni Sky kaya may iilang babae silang nakakasalubong na napapataas ang kilay at nakasimangot.
"Masarap?" inosenteng tanong nito pero pabulong lang kaya namula ang mukha ni Taira.
"Uy, si Jerome..." pag-iiba ni Taira nang makita niya si Jerome.
"O-Okay na ba itong damit ko? Kailangan ko pa bang magpulbo?" natarantang tanong ni Keana.
"Sus, okay na 'yan. Magandang ka na." Sagot ni Taira.
"Jerome!" Tawag niya sa binata kaya nagtago si Keana sa likuran niya.
"Para kang bata! Nakikita ka naman niya," natatawang saad ng pinsan.
"Eh sa nahihiya ako, eh!" parang batang sagot ni Keana at mas lalong napahigpit ang pagkakahawak niya sa damit nito. Habang palapit ng palapit si Jerome, lumalakas din ang tibok ng kaniyang puso. Para kay Keana, si Jerome ang pinakaguwapo sa buong campus.
"Jerome, pinapatawag ka nina Sky!" Tawag ni Alwyn kaya sumimangot si Keana.
"Sige, saan sila?" tanong ni Jerome at tumigil sa paglalakad.
"Nasa tambayan ninyo." Hindi ugali ni Alwyn na makipagsabayan sa mga ito dahil hindi siya sanay sa ibang tao maliban kina Nathalie at Black.
"Panira ng moment!" Pikon na sabi ni Keana nang tuluyan nang naglakad palayo si Jerome sa kanila.
"Sinasadya mo iyon!" reklamo niya nang nakasalubong si Alwyn.
"Ano na naman ba ang problema mong bata ka?" nakakunot ang noo na tanong ng binata.
"Sinasadya mong ilayo si Jerome sa akin!"
"Para ano?"
"Kasi may gusto ka sa 'kin!"
"Ayokong maging yayo ng pasaway na bata!" poker face na sagot ni Alwyn at nilagpasan sila ni Taira.




My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon