22

931 33 1
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...

"Magpapakasal ka na ba talaga?" malungkot na tanong ni Jairah sa kakambal habang nagliligpit ito ng mga gamit.
"Oo, inaaway mo naman ako palagi." Pagbibiro ni Taira.
"Hmp, mas mahalaga lang talaga si Sky kaysa sa amin ni Kuya!" Nakasimangot na wika ni Jairah.
"Hindi ah. K-Kuwan..."
"Hindi mo alam ang isasagot? Ayaw mong sabihin na mahal mo talaga si Sky."
"Hindi--"
"Huwag mo na ngang i-deny! Kitang-kita naman sa kislap ng nga mata mo!"
"Hindi ko nga rin alam kung mahal ko si Sky," naupo si Taira sa kama at tumingala sa kakambal. Fraternal twins sila kaya medyo magkaiba ang mukha pero may hawig din naman.
"Bahala ka. Tutal, nasa namang edad ka na naman. Si Sky, under age pa. Hindi ba dapat, twenty one ang tamang edad para magpakasal?"
"May parent's consent naman kaya okay lang..."
"Dinipensahan pa. Ikaw na ikakasal. Ikaw na may love life," ani Jairah.
"Bitter!"
"At least, hindi ako maagang naglandi! Aayaw-ayaw pa, bubukaka rin naman pala kay Sky!" Prangkang wika ng kakambal.
"Ang sakit mo namang magsalita!" Nasasaktan sabi ni Taira at nag-pout.
"Mas masakit noong firstime niyo ni Sky kaya huwag ka na diyang mag-inarte!" Tumayo si Jairah at lumabas na ng kuwarto.
Kinuha ni Taira ang cellphone at binasa ang text message ni Lester. Kino-congratulate siya nito kaya ni-replayan niya ng "thank you". Aaminin niya, kung wala si Sky, baka crush niya ito. Guwapo rin naman si Lester. Hindi nga niya inakalang ito ang nerd na kababata nila pero hanggang ngayon, hindi pa natuklasan ni Sky. Napangiti siya. Riot na naman kapag malaman nito na ito ang nerd na batang kinamumuhian nito noon.
Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya at nag-vibrate pa. Biglang kinabahan siya nang si Sky ang tumawag.
"What do you want?" bungad niya nang mapindot ang answer button.
"YOU!" Mabilis na sagot ng binata.
"Is that all?" sarcastic na sagot niya.
"Babymine? Gusto ko lang sabihin sa iyo na I can't wait to see you NAKED!" Pilyong wika nito kaya naramdaman niyang uminit bigla ang kaniyang mukha.
"SKY!" Saway niya. Narinig niya ang palahaw na pagtawa nito. "Biro lang babaymine. Actually, I call you b-because I missed you..." malalim ang boses nito at sunod-sunod ang paghinga kaya napaisip siya.
"Sky?"
"Hmmm? B-Babymine ko?" nauutal na sagot nito.
"N-Nasaan ka?" kinakabahang tanong niya. Huwag lang magkamali sa pagsagot ito dahil hindi talaga niya itutuloy ang kasal nila.
"N-Nasa s-shower..." ungol nito.
"S-Sino ang kasama mo?" naiiyak na talaga siya.
"A... A-Ako lang... shit! B-Babymine?"
"SKY? ANO ANG GINAGAWA MO?" Sigaw niya saka napatayo na. Bahala na kung marinig siya ng mga magulang. Kung puwede lang na liparin niya ang bahay ng mga Villafuerte para patayin si Sky at ang babar nito, gagawin niya!
"B-Babymine, huwag kang magalit. K-Kuwan... Nagsa-showerbate..."
"A-ANO'NG SHOWERBATE?" bulalas niya at dali-daling lumapit sa pinto.
"N-Nagsa-shower habang nagma-masturbate? B-Babymine? A-ahhhh... I'm c-cu--"
Mabilis na pinatay niya ang tawag ni Sky saka wala sa sariling bumalik sa kama. Ilang minutong nakatingin siya sa puting kurtinang nililipad ng hangin. Nakatitig lang talaga siya rito. Kurap lang ang ginagawa ng kaniyang mga mata.
"Papatayin talaga kita, SKY!" Sambit niya nang matauhan at nanginginig ang katawan sa sobrang galit! "Wala ka talagang hiya!" Dinampot niya ang malambot na unan at itinapon sa dingding. She couldn't believe na nagawa iyon ni Sky sa kaniya. Lahat na lang yata ng ginagawang kamanyakan at kahalayan ay ipinaranas ng binata sa kaniya.
"Damn, I couldn't imagine my self as his wife!" Naiiyak na saad niya. "Ghad, I've been so unhappy since he became my boyfriend!" Pasakit lang talaga ang dala ni Sky sa buhay niya!
The Wedding
Dumating ang araw ng kasal nila. Marami ang mga bisitang dumalo. Mga kakilala at sikat na mga artista't kilala sa lipunan. Parang kasal lang ng prinsesa't prinsipe sa isang kaharian dahil puti ang motif. Siyempre, first wedding ito ng angkan ng mga Villafuerte at Rodriguez kaya kahit na minadali, bongga pa rin ang selebrasyon. Ang napag-usapan nila ay beach wedding pero nakiusap si Taira na gawing church wedding na lang dahil gusto niyang maranasan ang maglakad patungo sa altar kaya iginiit na rin ni Sky.
"Dad? Baka hindi na dumating si Taira..." kinakabahang wika ni Sky at pabalik-balik sa pintuan ng simbahan.
"Relax, bro, ikakasal ka na ngal eh." natatawang sabi ni Blue sa kapatid.
"Ikaw kaya rito?" ang lakas talaga ng kalabog ng dibdib niya.
"M-Mommy, okay lang ba ang suot ko? B-Baka pangit ako?" tanong niya kay Kimberly.
"Anak, relax ka lang. Hinga ng malalim," ani Kim kay Sky at hinawakan sa mga kamay. Tumawa siya nang nanlalamig at may pawis ang mga kamay ng anak. "Ang pogi kong anak, ikakasal na. D-Dati, ipinapatuli ka pa lang namin," naiiyak na wika ni Kim at hinaplos ang maamong mukha ng anak.
"MOMMY! Dinadagdagan mo ang kaba ko! Hindi ka nakakatulong!" Lumayo siya sa ina. Lumapit siya sa quadruplets na kasama ang kambal na ate niya.
"Ate Lyn? N-Namiss kita!" Niyakap niya ang nakakatandang kapatid.
"Oo nga, na-miss ko rin kayong lahat. Naku, ikakasal na ang baby Sky namin." Maluha-luha ring sabi ni Lyn.
"Kasi Ate, mahal ko talaga si Taira..."
"Oo na, mahal mo na siya!" Sabat ni Erika. "Kaya tama nang pag-iinarte, magpapakasal na nga kayo oh!"
"Sky?" hinawakan siya ni Lyn sa kamay. "Ingatan mo si Tai-Tai ha. Huwag mo siyang paiyakin at bawas-bawasan mo na rin ang pagiging pasaway mo. Alam mo naman ang pinagdadaanan ni Mommy kay Daddy, 'di ba?" pagbibigay payo ni Lyn.
"Mabuti at nakauwi ka, Ate!" masayang sabi ni Sky.
"Nakiusap lang siya sa paaralan na a-absent ako ng isang araw para dumalo sa kasal ng kapatid ko. Ang haba kasi ng biyahe at hindi kayanin ng weekends lang."
"Oo nga," sabat ni Erika. "At maging responsableng asawa ka rin sa kaniya. Alam mo namang ang hirap ng buhay."
"O-Opo..." nagmamadaling iniwan niya ang kambal at tumakbo palapit sa magulang nang tumigil ang white lamborghini sa harap ng simbahan.
"D-Dad, h-hindi ako makahinga..." napahawak siya sa balikat ng ama.
"WALANG HIYA KA, SKY!" Mariing hinawakan niya ang anak sa magkabilang balikta at pinisil ito para hindi himatayin si Sky.
"D-Dad, mamamatay na ako..." nanghihina na talaga ang tuhod niya nang makitang bumaba si Taira. Suot ang wedding gown at may takip na veil sa mukha.
"Hindi ka pa nakasal. Mamaya ka na mamatay sa honeymoon ninyo!" Bulong ni Skyler dahil nakakahiya na sa mga bisita ang inaasal ng anak. May nagvi-video pa sa kanila.
"Okay na po ako!" Tumayo ng maayos si Sky at parang walang nangyari.
Mayamaya pa ay nasa harapan na niya si Taira kaya sumenyas si Aira at Kim na umpisahan na ang kasal.
"Akalain mo, maging balae tayo?" natatawang wika ni Kimberly kay Aira.
"Oo nga! Dati, kinakalaban pa natin ang mga kaklase natin pero heto ngayon, kasal na ng mga anak natin." Naiiyak na sagot ni Aira. Mahal niya ang mga kaibigang tumanggap sa buong pagkatao niya kahit na mahirap lang siya.
"Time flies so fast..." sabat ni Ann kasama ang kapatid na si Yna. Ang cute ng mga ito sa suot na white dress.
"Baka next year, ang mga anak naman natin ang ikakasal." Humagikhik si Yna.
"Sorry, na-late kami." Paumanhin ni Ella kasama ang unica hija nila ni Kevin na nasa labing dalawang taong gulang pa lamang.
"Palagi ka namang late eh." Sabat ni Yna.
Nagsimula nang mag-martsa si Sky palapit sa altar kasama ang mga magulang. Tahimik lang siya pero ramdam ni Kimberly ang panlalamig ng buong katawan ng anak.
"Okay ka lang?" bulong ni Kimberly habang nakatingin ang mga mata kay Taira. Masaya siya dahil alam niyang mabuting babae ang papakasalan ng kaniyang anak.
"Yes," halos pabulong na sagot ni Sky. Wala itong naririnig kundi ang ingay ng kaniyang puso.
Nasa harapan na niya si Taira.
"Sky? Alam mong ayaw ko pa talaga ibigay sa iyo ang anak ko pero wala akong magagawa dahil bata pa lang kayo, akyat-kuwarto ka na sa bahay," panimula ni Tyron at hindi na talaga niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. "A-Alam mong mahal na mahal ko ang mga anak ko kaya pakiusap, alagaan mo siya. Mahalin mo siya bilang reyna ng buhay mo. Huwag mong lokohin at paiyakin. Alagaan mo sana siya, higit pa kaysa sa pag-alaga namin." Bilin ni Tyron. Pinisil ni Taira ang kamay ng ama at niyakap ito.
"I l-love you, daddy. You will always be my Superman!" Naiiyak na sabi ni Taira. Kanina pa nagsi-sinte ang mga magulang sa sasakyan.
"SKY, narito ang anak ko. Pakiusap, ingatan mo siya at maging RESPONSABLE ka sanang asawa sa kaniya!" Makahulugang bilin ni Tyron sabay lahad ng kamay ng anak sa namumutlang si Sky.
"S-Salamat..." nanginginig na inabot ni Sky ang kamay ni Taira pero bigla na lang dumilim ang lahat sa pangingin niya.
"SHIT! SKY!" Sambit ni Skyler nang saluhin ang anak. Kanina pa niya pinapakiramdaman ito lalo na't napapansin niya ang panginginig ng mga kamay nito. Lahat ng tao ay nataranta at nagsibulungan.
"KING INA! GUMISING KA NGA! HINDI KA NA MAKAKAABOT SA HONEYMOON!" Pasigaw na sabi ni Skyler sa mukha ng anak. Dahan-dahan namang dumilat si Sky.
"Anak, uminom ka muna ng tubig." Naawang inabot ni Kimberly ang bottled water sa anak na inabot naman ni Sky at nanginginig ang mga kamay na ininom ang tubig.
"M-Mommy, kinakabahan po talaga ako..." kinuha ni Sky ang kamay ng ina at inilagay sa dibdib niya. Ang lakas talaga ng kalabog nito.
"Huwag na nga nating ituloy ang kasal!" Napipikong sabi ni Tyron.
"HUWAG! ITUTULOY PO, ITUTULOY!" Natarantang sabat ni Sky. "Bigyan lang ho ninyo ako ng time, sandali. K-Kinakabahan ho talaga ako." Naiiyak na pakiusap ni Sky.
Sina Blue, Black at kambal na kapatid ay napatakip sa mukha dahil sa nangyari kay Sky.
"Psh, kung wala lang na bisita, masusuntok ko talaga siya!" Bulong ni Black na katabi si Nathalie. Ang quadruplets ay kanina pa tumatawa sa mga nangyayari.
Nang makaraos na si Sky ay siya na mismo ang nakiusap sa mga magulang na itutuloy na ang seremonyas.
"Kapag himatayin ka, lalayasan kita at sa sarili mo ikaw magpakasal!" Bulong ni Taira at pasimpleng kinurot ang kababat sa tagiliran.
"S-Sorry, kinakabahan kasi ako at excited lang," ani Sky at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya. "Salamat kasi dumating ka..."
Kagabi pa siya hindi makatulog at kahit isang minuto ay wala talaga siyang tulog. Natatakot siya na baka hindi siputin ni Taira.
"Nandito na nga ako, 'di ba?" lihim na napangiti si Taira. Kahit na ganito ang nangyari, alam naman niyang seryoso ito sa nararamdaman at hindi nag-iinarte lang. Ewan niya, natutuwa talaga siya sa mga nangyayari. Ramdam kasi niya ang pagmamahal ni Sky. Gusto sana niyang hatakin ang kamay pero naaawa siya kay Sky. Basang-basa na ang kamay nila.
Kahit sa pag-exchanged vows nila ay nanginginig ang boses ni Sky. Matinding pang-aasar ang nangyari nang matapos na ang seremonya at nagpicture taking na.
Nang dumating sa reception ay puno ng white roses ang white carpet na tinatapakan ng mag-asawa. Puno ng tawanan at hiyawan ang buong pajligid. Nagpatugtog sila ng musika para sumayaw ang mag-asawa. Nagsitayo ang mayayamang bisita at lumapit sa groom at bride saka nagsabit ng libu-libong pera hanggang sa ang tela ng damit ng dalawa ay hindi mo na makikita dahil sa natatakpang pera. Patong-patong na ang nakakabit na pera nang sina Taira na mismo ang sumuko dahil sa sobrang bigat ng damit. Nakailang kiss din ang bagong kasal dahil sa request ng mga guests.
"Ihagis ko na ang bouquet ko," anunsiyo ni Taira at pinahilira na ang mga dalaga sa likuran niya. Naghiyawan ang lahat nang lumipad ang bouquet of white roses. Napatulala si Mandy nang hawak niya ang inihagis na bulaklak ni Taira.
"Why me? Sa iyo na!" Sabay bigay kay Keana.
"Ayoko nga!" Nakasimangot na tanggi ni Keana. Isasauli pa sana niya pero pinigilan siya ng mga nasa paligid.
"Huwag KJ, ate Mandy." Wika ng pinsang si Lee Patrick.
"Saluhin mo!" Pinandilatan niya ito. Sana lang ay ang apat na pinsan ang makasalo o hindi kaya sina Blue o Black.
Muling umingay ang paligid nang ihagis ni Sky ang garter niya.
"Saan na?" tanong nila. Katahimikan ang namayani. Sa dami pa naman bang lalaki na nakipag-agawan ay hindi na nila alam kung nasaan ang garter.
Kinakabahan si Mandy nang may binatang lumapit sa kaniya. Nakaupo siya sa puting silya na nasa gitna ng maliit na stage na kinatatayuan ng bagong kasal kanina.
"May I?" tanong nito at itinaas ang nasalong garter.
"S-Sure..." nauutal na sagot niya. Mabuti na lang dahil ito ang lumapit sa kaniya. Tuksuhan naman ang mga ito.
"By the way, I'm Alwyn..." sabay lahad ng binata ng kanang kamay habang nakaluhod sa harapan niya.
"Mandy," sabay lahad ng dalaga ng kamay. Pasalamat na lang siya dahil ito ang lumapit sa kaniya.
"Mabuti naman at okay ka na?" tanong ni Taira sa asawang nakaakbay sa kaniya. Pareho silang nakaupo sa silya dahil sa sobrang bigat ng mga damit.
"Oo, sorry kanina. Kinakabahan talaga ako. Ganoon pala kapag ikinasal ka sa taong mahal mo ng sobra," hindi alam ni Taira kung matutuwa ba siya sa sinabi ng asawa o hindi?
"Ikaw lang talaga ang groom na hinimatay sa oras ng kasal," ani niya kaya napasimangot si Sky.
"Huwag mo na ngang ipaalala, babymine."
Lumapit ang mga magulang sa kanila.
"Ngayong mag-asawa na kayo, magbago ka na!" Wila ni Tyron habang nakatingin kay Sky. "Kung hindi, babawiin ko ang anak ko sa iyo!"
"Opo," magalang na sagot ni Sky.
"Okay ka na ba, anak?" tanong ni Kim.
"Opo, Mommy."
Kinalabit ni Sky si Tyron at tiningala ito.
"Daddy Tyron?"
"Oh?"
"Magha-honeymoon na po kami ng anak mo mamayang gabi!" nakangiting sabi ni Sky kaya naikuyom ni Tyron ang kamao.
"Gusto mong matuluyan ka nang mamatay?" mahina pero seryosong tanong ni Tyron. Hindi pa talaga siya handa na mawala ang anak sa kanila.
"Relax lang, dude!" pagigil ni Skyler sa kaibigan. "Hayaan mo na, legal naman kung magha-honeymoon sila."
"Magsama kayo ng lintik na anak mo!" Hinila niya si Aira palayo sa mga ito. Hindi niya papansinin ang mga Villafuerte ng isang taon!
"Ngayon ko lang napatunayan na ako talaga ang paborito mong anak at hindi si Black." Nakangiting sabi ni Sky sa ama.
"Huwag kang umasa! Si Blue na ngayon!" Sagot ni Skyler.


My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon