39

936 33 0
                                    





MY TRIP BUDDY  ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

"Nandoon na ba sina Amanda?" tanong ni Taira sa asawa nang makapasok sa sasakyan.
"Oo, babymine. Nandoon na."
Simpleng red dress na hanggang tuod ang haba katerno ng white sandal and white louis vuitton bag.
"Ah, mabuti naman." Paglingon ni Taira ay nasa backseat ang dalaga stuffed toy.
"Ano ang ginagawa niyan dito?" tanong niya.
"Sila ang gagamitin natin para sa tv ad mamaya," sagot ni Sky habang nagmamaneho.
"Wala na bang iba?"
"Babymine naman. Kaysa naman iba, iyang anak na lang natin ang isama natin nang ma-feature rin sila."
"Okay, sinabi mo eh." Mahirap kalabanin si Sky kapag ganitong usapan. Magtatalo lang kayo hanggang sa ikaw na mismo ang kusang susuko kaya wala ring silbi. Stress lang.
"Sky? Alam mo namang hindi sila tao, 'di ba?" Baka kasi may sira na sa tuktok ang asawa niya.
"Alam ko. Wala namang masama kung itabi natin sila sa pagtulog. Habang wala pa tayong anak, sila muna ang i-comfort natin. Kunwari, may anak tayo para masaya," nakangiting saad ni Sky.
"Pero alam mong stuffed toy sila?" panigurado niya.
"Babymine naman! Hindi ako baliw. Kapag timplahan ko na sila ng gatas, magduda ka na talaga." Malapit na siyang mapikon kay Taira. Alam niya nag ipinupunto nito. Masaya lang talaga siya dahil firstime niyang gumawa ng disenyo at ibinibenta pa nila. Espesyal sa kaniya ang ganitong bagay dahil magdamag niya itong pinaghirapan kaya ang gusto niya, pahalagahan ito ng asawa at ituring na para na rin nilang anak. Ganoon lang kasimple ang hinihingi niya. A simple appreciation.
"Tai?" seryosong tawag niya sa asawa.
"Hmm?"
"Gusto kong palitan ang Clouds at Star," panimula ni Sky. Kagabi pa siya hindi mapakali.
"Bakit?"
"Wala lang. Common names na kasi ang mga iyan. Baka isipin ng iba, ginaya ko lang sila. Mahirap na. Kawawa naman ang mga anak ko." Sinisikap niyang alamin ang utak ni Sky pero ni minsan, hindi niya mabasa. Wala yatang makakabasa kahit na mga magulang pa nito.
"Ano naman ang gusto mo?"
"Wala pa pero papalitan ko. Iyang na kang sa stuffed toys pero kapag magkaanak na tayo, iba ang ipapangalan natin sa kanila."
"Sige, pag-isipan mo." Pagsang-ayon ni Taira. Kahit siya ay ayaw rin sa Clouds at Sky. Mabuti na lang dahil umiba ang utak nitong si Sky.
"Kahit nga itong pangalan namin, common din. Si Daddy kasi, ang utak ay walang kuwenta!" Paninisi nito sa ama.
" Pareho lang naman sila," bulong ni Taira pero mas malala pa yata itong asawa niya.
"Alam ko na!" Para itong may pahula na ngayon lang nahulaan. "Si Constellation na lang imbes kay Star tapos si Cumulus o Nimbus imbes kay Clouds?"
"Sky, please. Sumasakit ang ulo ko sa drama mo!" reklamo niya.
"Sorry."
Nang dumating sila ay agad na binitbit ni Sky si Star at ibinigay naman kay Taira si Clouds.
"Wow, ang cute naman ng stuffed toys!" Puri ng script writer.
"Salamat," nakangiting sabi ni Taira.
Pinag-usapan nila ang tv ad na gagawin na hindi aabot sa isang minuto. Kinabisado muna nila ang script bago mag-umpisang mag-shoot. Iyon ang first scene nila.
Commercial
"Hi," bati ni Sky sa asawa na nakaupo sa isang bench dito sa zoo.
"Hello," tumingala si Taira sa asawa na may bitbit na stuffed toys.
"Malungkot ka yata?" tanong ni Sky.
"M-Medyo," tumingin siya sa dalawang unggoy na naglalambitin sa sanga ng kahoy habang nakangiti sa kaniya.
"Ang ganda nila noh?" tanong ni Sky at naupo sa tabi niya habang nakatitig sa mukha ng dalaga. "Para sa iyo," sabay bigay niya sa dalawang stuffed toy na unggoy. Pinagmasdan lang ito ng asawa at nakakunot ang noong tumingala sa kaniya.
"Hindi kasi natin kayang kunin ang unggoy na iyan para dalhin sa bahay kaya heto, gumawa ako para sa iyo." Nakatitig lang si Taira sa stuffed toy na inaabot niya. "Clouds and Sky ang name nila."
Tumingala si Taira kay Sky at biglang bumagsak ang mga luha.
"I-Ikaw? Ikaw ang batang iyon?" tanong ni Taira kay Sky.
"Masyado kasing mataas ang standards mo kaya umalis muna ako para magsumikap at magpagawa ng ganito kagaya ng pangarap mo noon," sagot ni Sky. Bata pa sila nang magkita rito.
Flashback...
"Guwapo ka. Gusto rin kita pero hindi ka huggable kaya gusto ko ng stuffed toys."
"Bibili ako. Hihingi ako sa nanay ko ng pambiling stuffed toy," ani Sky na walong taong gulang pa lamang.
"Ayoko ng isa. Gusto ko marami para pangalanan ko sila ng 'Clouds at Sky'. Gusto ko pabrika ng stuffed toys!" nakasimangot na sagot ng pitong taong gulang na si Taira.
"Kapag ba magkaroon ako ng factory? Papakasal na tayo?"
"Oo. Basta stuffed toys! "
End of Flashback.
"Waaah. Ikaw nga 'yon!" Agad na kinuha niya at niyakap ang isang stuffed toy na iniabot ni Sky kanina.
"Ang lambot!"
"Ako ba, walang hug?" natatawang tanong ni Sky.
"Sorry. Mas masarap yakapin 'to eh!" Natatawang sabi niya at muling niyakap si Clouds. Ang cute nito tingnan.
Tumalikod si Sky.
"Biro lang," saka inisang hakbang ang pagitan nila at niyakap si Sky. "Kahit na mahirap ka, papakasalan pa rin kita dahil mula nang magkita tayo sa lugar na ito, alam ko, mahal na kita."
"Talaga?"
"Oo."
"Salamat sa stuffed toys ko. Dahil sa kaniya, papakasalan mo ako," pabirong sabi ni Sky at niyakap si Taira.
"CUT!" sigaw ng director.
Madali lang naman gawin dahil naging natural ang acting nila dahil mahahalata naman ang pagiging inlove sa isa't isa.
"Ang guwapo ko, babymine." Puring-puri si Sky sa sarili habang tinitingnan ang na-shoot.
"E-Edit na lang namin ito," sabi ng isa nilang kasama.
"Sure ka bang maganda ang plot? Parang ang corny?" bulong ni Taira kay Amanda. Si Sky raw ang nag-suggest na ganito ang kuwento.
"Hayaan mo na. Idinaan na nga niya sa acting. Alam mo naman ang utak niyan, walang kapormalan pero si Sky 'yan e. Kakagatin 'yan ng tao kahit na mag-tambling lang siya," sagot ni Amanda.
"Nasaan na pala si Sky?" tanong ni Taira.
"Ewan ko. Nandito lang 'yon kanina," sagot ni Amanda at palinga-linga. Nakita niya ang kasintahan pero wala si Sky.
"Baka bumili lang ng pagkain natin," ani Taira dahil papalubog na ang araw.
"M-Miss? Nakita ho ba ninyo ang anak ko?" naiiyak na tanong ng isang ginang.
"Wala ho. Bakit?" tanong ni Amanda. Naaawa siya rito dahil makikita sa mukha ang labis na pag-alala.
"K-Kanina pa kasi siya nawawala. Baka nakapasok sa mga hayop dito."
"What? Hanapin natin," sabi ni Taira. Kahit ang guards ay lumapit na sa kanila. Naiilang tuloy si Taira dahil baka namukhaan siya ng mga ito.
"Punta lang ako sa tent natin," paalam niya dahil biglang nanuyo ang lalamunan nang maalala na pinakawalan ni Sky ang dalawang unggoy.
Nang pagkapasok niya ay sumalubong sa kaniya ang pag-iyak ng bata.
"Hush, tahan na. Huwag ka nang umiyak," pakiusap ni Sky sa kinakalong na bata kaya nanlaki ang mga mata ni Taira.
"Sky! Saan mo ba 'yan nakuha? Alam mo bang kanina pa 'yan hinahanap ng kaniyang ina?"
"Babymine? Kawawa naman siya. Kanina pa umiiyak doon sa labas kaya kinuha ko na. Baka nauuhaw kaya pinainom ko muna," nag-aalalang sabi ni Sky.
"S-Sky? Ibalik natin 'yan. Parang awa mo na. Hinahanap na siya ng ina sa labas." Alanganing mainis siya sa asawa at alanganing maawa sa bata dahil kapag tumitig siya sa mga mata ng asawa, 'inosente' ang isinisigaw nito.
"Ganoon ba? Isauli na natin," sabi ni Sky.
"Dapat lang! Hindi mo naman anak 'yan!" Kinuha niya ang batang babae sa kandungan ni Sky at inilabas.
"Anak!" Umiiyak na sabi ng nanay at mabilis na kinuha sa kaniya ang bata saka mahigpit na niyakap.
"P-Pumasok po siya sa tent kaya nakita ni Sky," pagsisinungaling ni Taira. Makakasuhan talaga sila ng kidnaping kapag si Sky ang kasama niya.
"Salamat po," masayang pasalamat nito.
"Walang anuman," magalang na sagot niya at napasulyap sa asawang lumabas sa tent.
Biglang tumigil ang bata sa pag-iyak nang makita si Sky. Itinaas nito ang mga kamay na para bang nakikiusap na magpabuhat.
Nakangiting lumapit ang asawa at hiniram muna ang bata sa ina. Habang natingin sa asawa at sa bata ay hindi mapigilang malungkot ni Taira. Takot siya na baka hindi niya mabigyan ng anak ang asawa. Kahit hindi man nito sabihin, alam niyang gusto na talaga ni Sky na magkaanak.




My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon