My Trip Buddy ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 5
"Mommy? Hindi ba, iba ang gusto ni Daddy na pangalan nina Ate Erika at Ate Lyn?" tanong ni Sky sa ina habang nakaupo ang mga ito sa terasa. Gabi na pero tinatamad pa siyang matulog kaya lumabas siya para magpahangin at nadatnan niya ang mga magulang at mga kapatid na nag-uusap. Inimbitahan nina Kim sina Erik at Black na rito na muna matulog dahil namimiss na niyang buo pa sila. Wala nga lang si Lyn dahil sa ibang bansa na ito nag-aaral pero nagvideo chat sila kanina.
"Ay, oo nga, mommy. Hindi ho ba, ayaw ni Dad sa pangalan namin ni Kambal?" sabat ni Erika at kumandong sa ama tapos pinaghahalikan ito sa pisngi.
"Erika, ano ba! Magseselos si Mommy mo," saway ni Skyler sa anak pero mas lalong iniyakap ni Erika ang mga kamay sa leeg ng ama.
"I missed you, dad. Uwi na ako rito," naiiyak na sabi ni Erika. Ayaw talaga niya sa mansion ng fiance dahil naguguluhan siya sa damdamin pero ayaw niyang ipaalam sa pamilya.
"Doon ka na. Mas okay na alam na ng mapapangasawa mo ang ugali mo para makapaghanda naman siya at alam na kung anong gamot ang puwede niyang inumin balang araw dahil ikaw ang napangasawa niya," pagtutol ni Skyler.
"Mommy, ano nga po ulit ang gustong ipangalan ni Dad kina Ate?" tanong ni Blue habang nakatingin kay Erika. Kahit kailan ay daddy's girls talaga ang kambal.
"Oo, ibang pangalan," napangiti si Kimberly nang maalala ang iginiit ni Skyler noon.
Flashback...
"Ayoko, hon! Ang pangit ng pangalan!" napipikon na sabi ni Skyler. Nasa mansion sila ng magulang at nakaupo dito sa mahabang mesa sa dining room kasama ang buong pamilya Villafuerte. May kaunting salo-salo sila dahil birthday ni Kevin ngayon pero wala namang bisita. Silang magkamag-anak lang.
"Eh, 'yun ang gusto ko, e!" Nakasimangot na sagot ni Kim. Malaki na rin ang tiyan nito. Infact, kabuwanan na niya ngayon.
Tama lang dahil summer naman kaya okay lang. Atleast, pagkapanganak niya ay pasukan na naman.
"Tsss... Wala ka na bang alam na ibang pangalan? Ayoko nga nun, eh." Tahimik lang ang mga kasamahan na nakaupo rito sa harap at gilid nila. Ang dami ring pagkain sa mesa na personal na hinanda nina Sunshine at Hannah. Andito rin sina Tyron at ang kambal nitong mga kapatid pati si Aira.
"Ano ba ang pangalan na gusto mo, hija?" malumanay na tanong ni Hannah na nasa harapan nila nakaupo.
"Lynlie at Erika po. Maganda naman po lola, 'di ba?" gusto talaga niya ito. Para kasing katunog din ng KIMBERLY na pangalan niya.
"Hindi nga pwede! Kambal sila tapos ganyan ang ipangalan mo?AYOKO!" Pagmamaktol ni Skyler. Ilang araw na nila itong pinag-aawayan.
"E di, 'wag! Walang pumipilit sa 'yo. Basta, Lynlie at Erika!" hinarap siya ni Kim at pasimpleng kinurot sa hita. Ipaglalaban talaga niya ang pangalan na 'yan.
"Ano ba ang gusto mong ipangalan sa kanila, Skyler? Ang ingay, ingay mo!Siguraduhin mo lang na maganda ha!" Tanong ni Kyler na nakaupo sa kanang bahagi ng kanyang lola. Sa kaliwa naman ay ang mga magulang at si Tyron.
Sa kanang bahagi na katabi nina Skyler ay ang tatlong mga kaibigan ni Kim.
"Kambal sila kaya dapat lang na pangkambal din ang pangalan." sagot ni Skyler.
"Ano nga?" napipikon na tanong uli ng kakambal.
"Becky and Becka. Oh, di ba? Maganda naman talaga?" matagal na niya itong pinag-iisipan. Ito talaga ang gusto niyang ipangalan kapag magkaanak sila ni Kim.
Tumahimik sila bigla. Kahit si Kim ay napayuko din at kumuha ng makakakain sa ibabaw ng mesa.
"Di ba? Maganda?" ulit ni Skyler pero walang pumapansin sa kanya.
"Hijo? Saan na pala ang sinasabi nilang syota mo na si Ella?" tanong ni Hannah sa birthday celebrant na nakaupo sa dulo katabi ang lolo Ryan nila.
"May sakit po lola, e." napakamot si Kevin sa ulo. Kahapon pa niya sinabihan si Ella pero sa pagkamalas ay nilagnat ito. Hindi naman pwedeng hindi siya dumalo sa munting salo-salo na inihanda ng kanyang lola at ina kaya iniwan nalang muna niya si Ella nang masigurong okay na ang kalagayan nito.
"Bakit iniiba ninyo ang usapan, ha?" malakas na ang boses ni Skyler.
"Pwede ba, Skyler, h'wag ka namang bastos sa harap ng hapag- kainan!" Saway ni Ian sa anak.
"Eh, magtatanong kayo tapos ayaw naman ninyong maniwala!" Naikuyom niya ang kanyang kamao. Kahit isa man lang sana ay umayon sa kanya na Becky and Becka ang ipangalan sa mga anak pero wala man lang ni isang kumampi sa kanya.
End of FLASHBACK....
"Ew! Ang pangit sana ng pangalan ko! Tunog bakla!" Nandidiring sabi ni Erika.
"Hoy, ang ganda kaya ng pangalan ninyo! Kakaiba! Tunog kambal!" Depensa ni Skyler. Wala talaga siyang makitang mali sa gusto niyang ipangalan sana sa anak.
"Hahaha! Dad, okay lang 'yon. Natupad naman ang pangarap mo na magkaroon ng BECKY na anak!" Natatawang sabi ni Sky matapos ikuwento ni Kim ang eksenang iyon.
"Oo nga po, dad, BECKY naman si Black ah!" Natatawang pagsang-ayon ni Erika saka lumipat ng upuan sa tabi ni Black at inakbayan ang kapatid. "Hindi ba, Becks?" tukso ni Erika sa tahimik na kapatid.
"TIGILAN NA NGA NINYO SI BLACK!" Saway ni Skyler. Umiinit talaga ang ulo niya kapag pag-usapan ang kasarian ng anak. "Hindi ka naman bakla, hindi ba, Black? Lalaki ka na, 'di ba?"
Napapoker face si Black sa pamilya. Madalas, siya talaga ang topic ng mga ito. "Black, sumagot ka! Bakla ka ba?" ulit ni Skyler habang tatawa-tawa naman ang buong pamilya.
"Oo, lalaki na po ako." Wala sa mood na sagot ni Black.
"DAMN! Huwag mong ilagay ang "na" hindi ka naging bakla, anak. Lalaki ka mula't sapol. Tandaan mo iyan!" Turo ni Skyler. Ayaw niyang tanggapin na naging bakla ang anak. Never talaga!
"Opo, lalaki ako!" Napipilitang ulit ni Black dahil hindi talaga titigil ang ama kapag ganitong usapan.
"Kamusta ang Westbridge?" tanong ni Kimberly sa mga anak. Matagal-tagal na rin silang hindi nakadalaw sa paaralan dahil busy sa trabaho.
"Okay naman po, Mommy," sagot ni Erika. "Tahimik naman pero maingay lang dahil kay Sky."
"Bakit ako?" tanong ni Sky.
"Ikaw lang naman ang mahilig magpaaway sa mga fans mo," sagot ni Blue.
"Kayo pa rin ba ni Amanda?" pag-iiba ni Skyler.
"Ewan ko," naguguluhang sagot ni Sky.
"Ulol, huwag mong paasahin ang tao. Bakit ba tumagal kayo no'n?" hindi makapaniwalang tanong ni Blue.
"Eh kasi, minsan lang naman kami nagkikita." Sagot ni Sky. Wala silang pinag-usapan ni Amanda. Nanligaw siya at sinagot siya nito tapos may nangyari na sa kanila. Minsan lang sila nagkikita dahil busy naman ito noon sa pagmomodelo at pageant. Nagkikita lang sila kapag magtalik na o trip lang niyang kausapin ito. Wala namang pagde-demand sa side ng babae.
"Anak, hindi ako tutol sa pagmamahalan ninyo. Kung sino man ang babaeng magustuhan mo, buong puso kong tatanggapin pero sana, huwag mo nang paasahin ang iba kung may mahal ka naman talaga. Babae rin sila katulad ko. Huwag mo sana silang paglaruan dahil marami ang nagagawa ng pag-ibig," pagbibigay payo ni Kimberly sa anak.
"Hindi lang para sa iyo itong sinasabi ko, kundi para sa inyong tatlo. Huwag ninyong paglaruan ang mga babae. Treat them kagaya ng pagmamahal ninyo sa akin. May respeto."
"Si Taira na lang kasi..." Wika ng ama.
"Oo nga! Si Tai-Tai na lang," segunda ni Erika. Ayaw naman makialam ni Kimberly dahil at the end of the day, si Sky pa rin ang pipili. Mahirap naman makisama sa taong hindi mo mahal at niligawan mo lang dahil sa tukso o gusto ng iba.
"Magkaka boyfriend na si Taira," sabat ni Blue.
"WALA KAYA!" Mabilis na sagot ni Sky.
"Wala pa pero magkakaboyfriend na 'yon nextmonth. Sa ganda niya, impossibleng walang manligaw sa kaniya." Seryosong segunda ni Black kaya hindi makapagsalita si Sky. Kapag si Black ang nagsasalita, seryosong usapan na.
"Ewan ko sa inyo!" Tumayo si Sky at walang paalam na iniwan niya ang pamilya at pumunta sa kuwarto niya.
Nang nasa kuwarto na siya ay tumunog ang cellphone na nasa kama pero hinayaan na niya dahil si Amanda ang tumatawag. Nang tumigil ay dinampot niya ito saka tiningnan kung may iba pa bang tumawag o nagtext pero twenty two missed calls na galing lang kay Amanda.
"Hindi talaga niya ako naaalala?" bulong niya saka pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. Nakadalawang text messages na siya kay Taira pero wala talagang reply. Dati, yes or no lang ang sagot nito pero ngayon, kahit blank message ay wala.
Tinawagan niya ito pero hindi ni Taira sinasagot kaya sa landline na siya tumawag na ang kakambal naman ang sumagot.
"Pakitawag na lang po siya. Pasabing importante," pakiusap niya kay Jairah.
"Tulog na nga ang kakambal ko!" May tono ng pagkainis sa boses nito.
"Sabihin mo, importante nga--" Giit ni Sky pero binagsakan siya ng telepono.
"Shit! Ang sakit sa tainga!" Reklamo niya at naggagalaiti sa galit kay Jairah. "Maldita talaga ng babaeng 'yon!"
Inunan niya ang dalawang palad at tumitig sa puting kisame. Kahit butiki man lang sana ay may makita siya pero wala.
"Eh?" napipikon na sabi niya. Sa ganitong oras, kapag mag-isa siya, ibang eksena ang kaniyang nakikita. Iyong panahong okay pa sila at may nangyari sa kanila ng kaibigan. Hindi niya makalimutan iyon. At sa kuwartong ito mismo naganap ang pangalawa nilang pagniniig. Dalawang beses lang iyon pero pabalik-balik sa kaniyang diwa.
"TAIRA!" Naiinis na sambit niya sa pangalan ng kababata.
Bumangon siya at kinuha ang leather jacket saka lumabas ng mansion at tinungo ang ducati saka nag drive patungo sa condo ni Amanda.
Nakailang doorbell na siya pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Hindi rin niya alam ang pincode nito.
"Sky?" tanong ng dalaga na kakalabas ng elevator. "Ano ang ginagawa mo rito? Gabi na." Tanong ng dalaga.
"Pasensiya ka na kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo," paumanhin ni Sky. Napasulyap siya sa dibdib nito dahil bukas ang dalawang butones kaya kitang-kita niya ang cleavage ni Amanda.
"Sanay na ako. Pasok ka," yaya nito at binuksan ang pinto. Agad namang sumunod si Sky sa loob.
"Saan ka galing?" tanong ni Sky at napatingin sa relo. Pasado alas onse na. "Gabi na."
"My dad's house," tipid na sagot ni Amanda. Sa pagkakaalam niya ay hiwalay na ang mga magulang nito.
"Ah..." sambit ni Sky. "Ano 'yan?" tanong niya sa bag na hawak ng dalaga.
"Ito? Bigay ni Daddy. Baka raw kakailanganin ko kapag magduty na kami sa hospital," sagot ni Amanda.
"Ako na." wika ni Sky nang paglapag nito ay nahulog ang bandage scissor dahil hindi naisarado ng mabuti ang zipper ng bag.
"Salamat." Ani Amanda at kinuha ang iniabot na gunting ni Sky saka walang pakundangang naghubad ng damit sa harapan ng binata. Tahimik na naupo si Sky sa couch at pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga. Marami ang lalaking nagkandarapa rito pero siya ang pinakamasuwerte sa kanila dahil anytime ay puwede niyang magamit si Amanda.
"Alam kong kailangan mo ako, Sky." Nakangiting sabi nito habang palapit sa kaniya.
"Paano mo naman nahulaan?" tanong ni Sky na ang mga mata ay nakatutok sa magandang hubog at makinis na katawan nito.
"Dahil hindi ka pupunta rito para lang kamustahin ako," kumandong siya sa kandungan ni Sky at inisa-isang buksan ang mga butones nito. "SKY!" Tili niya nang buhatin siya nito at inihiga sa kama. Tumayo si Sky sa harapab niya at nagmamadaling ibinaba ang pantalon nito. Napalunok si Amanda ng laway at nagniningning ang mga mata. Sa lahat ng nakarelasyon niya, si Sky ang pinakamalaki at pinakamagaling. Kaya nga naaadik siya rito.
Pumatong si Sky sa hubad na katawan ng dalaga at sinimulan na ang pakipagtalik dito. Pero lingid sa kaalaman ng binata, nagngingitngit sa galit si Amanda! Hindi ito aware sa sinasabi niya dahil for how many times, pangalan ni Taira ang nasasambit nito lalo na kapag nasa kalagitnaan na sila.A/N:
Hi sa new readers. Basahin muna ang previous stories( UNIVERSITY PRINCES AND BEKI SI BLACK) bago ito para mas makilala mo pa sila lalo. Series po kasi ito. Pero kung tinatamad kayo, okay lang. Hehehe... Try ko na kahit hindi ninyo mabasa iyon, maiintindihan pa rin ninyo ang story. Pero mas maganda pa rin kapag mabasa ninyo. Hahaha! Salamat. 💖❤💗💚💜
