27

836 30 1
                                    


MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 27

Unedited...

"Mom? May sasabihin kami sa iyo," malungkot na sabi ni Erika nang kakarating lang nila galing sa kung saan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Kimberly at isa-isang pinagmasdan ang mukha ng tatlong anak. "Nasaan si Sky?"
"Mommy? Si D-Daddy..." kinabahan bigla si Kimberly. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang asawa. Kanina pa nga niya ito tinatawagan pero patay ang cellphone.
"A-Ano ang nangyari sa ama ninyo? N-Nasaan na siya?" sunod-sunod na tanong ni Kimberly. Si Nathalie ay inihatid si Red sa kuwarto ng bata dahil muli itong nakatulog nang nasa biyahe na sila.
"M-Mommy? M-Mommy niloko ka ni Daddy..." Naiiyak na sabi ni Erika. "N-Niloko tayo ni Dad, Mom."
"A-Ano ang ibig mong sabihin, Erika?" nakakunot ang noo ni Kimberly. Hindi niya maintindihan si Erika.
"Mom? H-Huwag kang mabibigla pero..." huminga muna ng malalim si Blue bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "May ibang babae si Daddy."
"ULITIN MO NGA ANG SINABI MO!" Sigaw ni Kimberly at napatayo. Nandilim bigla ang paningin niya at uminit ang tainga!
"Ano ang nangyayari rito? Bakit sumisigaw ang ina ninyo?" usisa ni Skyler nang makapasok. Galing siya sa bahay nina Kevin at may pinag-usapan tungkol sa negosyo. Ayaw lang sumama kanina ni Kimberly dahil tinatamad daw ito.
"I hate you, DAD!" Sigaw ni Erika sa ama kaya nagulat si Skyler.
"Bakit mo nagawang lokohin si Mommy?" malungkot na sabat ni Blue.
"T-Teka, ano ang nangyayari rito? Anong niloko?" naguguluhang tanong ni Skyler.
"Huwag ka nang magsinungaling! N-Noon pa man ay niloloko mo na si Mommy... Hindi lang pala siya kundi pati kaming mga anak mo!" Nakaharap ang lahat ng anak sa kaniya pati na rin si Kimberly.
"Ano ang sinasabi ng mga batang niloloko mo lang kami, SKYLER?" pinipigilan lang ni Kimberly na magwala. As long na kaya niya ay magiging mahinahon siya. Lately ay napapansin niyang palaging late na umuuwi si Skyler kapag pumunta kina Kevin. "M-May babae ka ba?"
Napalunok ng laway si Skyler sa tanong niya kaya mas lalong sumisidhi ang paniniwala niyang may third party nga sa kanila.
"Oo, may iba siya, Mommy." Sabat ni Erika.
"TUMIGIL KANG BATA KA!" Mabilis na sabat ni Skyler. "Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo!" Todo tanggi ni Skyler.
"T-Tama na, Dad, alam na namin ang totoo. Huwag mo nang ikaila." Naiiyak na sabi ni Erika.
"T-Teka..." palipat-lipat ang tingin niya sa mga anak.
"Why dad?" seryosong tanong ni Black kaya halos mawala sa sarili si Skyler.
"H-Honey, huwag kang maniwala sa kanila. Utang na loob, magpapaliwanag ako," pakiusap ni Skyler.
"Magpapaliwanag? Ibig sabihin, may babae ka--"
"WALA!" Mabilis na sagot ni Skyler. "Kayong tatlo! Tigilan n'yo nga ang mommy ninyo!"
"May ebidensiya kaming niloko mo lang si Mommy!" Sabat ni Erika kaya kinabahan si Skyler. Baka nakita nilang may tumabing babae sa kaniya noong isang gabi kasama sina Kyler at Tyron.
"H-Honey, magpapaliwanag talaga ako..." naiiyak na sabi ni Skyler at lumapit sa asawang parang sinaniban na ng demonyo ang mukha. Baka sa labas na naman siya matutulog nito.
"DADDY! T-TULONG!" naiiyak na sigaw ni Sky habang papasok sa pintuan kasama si Taira. Halos himatayin si Skyler sa nakikita.
"ANAK NG--ANO ANG GINAGAWA NG MGA UNGGOY NA IYAN SA PAMAMAHAY KO?" bulalas ni Skyler nang makitang may dalawang unggoy na nakahawak sa kamay ni Sky.
"Daddy? Ayaw na nilang u-umalis!" Naiiyak na sabi ni Sky habang palapit sa kanila.
"See? Paki-explain kung bakit kamukha sila ni Sky, Daddy?" sabi ni Erika kaya napanganga si Skyler.
"Anak mo talaga siya, dad!" Sabat ni Blue kaya napaupo si Kimberly sa sofa. Para siyang nagbabagang uling na bigla na lang tinapunan ng malamig na tubig. Buong akala talaga niya ay kung ano na ang ginawang panloloko ng asawa.
"PESTE KAYO! NASAAN NA ANG LATIGO KO?" Sigaw ni Skyler at tumakbo sa kusina para hanapin ang latigo.
"Waaah... Daddy, biro lang po!" Natatawang sigaw ni Erika saka nauna nang tumakbo palabas ng bahay. Si Blue naman ay kanina pa nakaakyat sa kuwarto ng anak nang makitang palapit sina Sky at Taira.
"Wala akong kinalaman diyan, pinilit lang ako." Depensa ni Black.
"Balik kayo rito! Gusto talaga ninyong masira kami ng ina ninyo?" abot hanggang langit na ang galit ni Skyler. Tumaas na nga ang presyon ng dugo niya dahil sa mga ito. "Kimberly, honey? Pakiusap, ibalik mo sila sa sinapupunan mo." Nakikiusap na sabi ni Skyler.
"D-Daddy, wala akong alam. W-Wala talaga akong alam!" Ani Sky at nagtago sa likuran ni Taira dahil parang dragon na bubuga ng apoy ang mga mata ng ama.
"Ikaw na bata ka! May asawa ka na pero kung anu-ano pa ring katarantaduhan ang pinaggagawa mo?" sabay turo ni Skyler sa nag-iisang anak na naiwan sa harapan niya. Hindi naman makatakbo si Sky dahil sa dalawang unggoy na nakakapit sa pantalon niya.
"Hindi ko naman sinasadya at wala akong alam sa drama ng tatlo!" Totoo namang wala siyang alam dahil kanina pa sila naghihilaan nitong mga unggoy sa garahe. Hindi lang sila napansin ng ama dahil nagmamadali itong pumasok. Tahimik lang si Taira dahil kanina pa siya naiinis sa mga nangyayari lalo na sa asawa.
"Anak? Bakit may dala kang unggoy?" malumanay na tanong ng ina at tumingin sa dalawang unggoy na nakangisi sa kaniya. Iyong parang ngayon lang nakakita ng babaeng maganda.
"Mommy? Ayaw nilang bumitaw sa akin kaya dinala ko na," noong malaman nilang tatawag ng pulis ang may-ari ng zoo, tumakbo na silang pito. At dahil ayaw bumitaw ng mga unggoy ay binitbit na ni Sky at isinama kahit na labag sa kalooban niya.
"Binili niyo ba iyan?" kalmadong tanong ni Kimberly. Umiling ang anak.
"Unggoy po ito roon sa zoo. Sumama sa amin," ani Sky.
"WHAT? KINIDNAP NINYO ANG MGA IYAN?" bulalas ni Skyler at napatampal sa noo.
"Hindi ah. Kusa silang sumama," depensa ng anak.
"Sir?" tawag ng katulong na kakapasok lang. "May naghahanap po sa inyo sa labas."
"Sino?" tanong ni Kimberly.
"Pulis po," biglang pumasok ang mga pulis kasama ang manager at may-ari ng zoo na pinasyalan ng magkapatid.
"Sandali, pag-usapan muna natin 'to." pakiusap ni Skyler nang magtago ang anak sa kaniyang likuran.
"Dad, huwag mo akong ibigay sa kanila." Pakiusap ng anak.
"Shit! Shit! Shit! Tanggalin ninyo ang unggoy na 'to!" Lumipat na kasi ang isang unggoy sa binti niya na tila nakikiusap na huwag siyang ibigay sa iba.
"Sir, kailangan pong sumama ng anak ninyo ng matiwasay." Pakiusap ng isang pulis.
"Sandali, pag-usapan muna natin ito, Laila." Pakiusap niya sa babaeng kasama ng mga pulis.
"It's Leah, Skyler!" Sagot ng babae. Naka-fling niya ito noong high school.
Iyon na nga, mabuti na lang dahil nadala sa pag-uusap at sa bandang huli ay sumama na ang dalawang unggoy nang dumating ang tiga-alaga nila.
Mabilis namang nagpaalam sina Sky at Taira bago pa matauhan ang ama sa mga nangyari.
"Sorry pala sa nangyari kanina," paumanhin ni Sky sa asawa. Nasa condo na sila at nagluluto si Taira ng pagkain nila.
"Huwag ka ngang makulit!" Kanina pa si Sky yakap ng yakap sa likuran niya.
"Hindi ko nga talaga sinasadya, babymine." Pangungumbinse niya rito.
"Oo na." Pagsuko niya at inayos ang hapag-kainan.
Matapos nilang kumain ay nauna na siyang naligo. Napansin siguro ng asawa na mainit ang ulo niya kaya hindi ito nagpumilit na makisabay sa kaniya.
Nang pumasok ito sa shower room ay nahiga na siya sa kama patalikod dito.
"Babymine? Tulog ka na?" malambing na tanong ni Sky. Umuga ang kama nang mahiga ito at yumakap sa kaniya pero hindi siya sumasagot.
"I love you, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa nangyari kanina," naramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong mga labi sa batok niya. Sa sobrang pagod, nakatulog siya.
Naalimpungatan si Taira. Inaantok na bumalikwas siya. Napapikit siya nang makita ang umiilaw na laptop pero patay na ang ilaw. Nakatalikod si Sky sa kaniya at kung ano ang ginagawa nito kaya na-curious siya pero ayaw niyang ipaalam na gising siya.
Pasimpleng inaninag niya ang wall clock. Mag-a-alas tres na ng madaling araw. Maingat na tumayo si Sky patungo sa CR kaya lumapit siya sa laptop. Naka-open ang instagram at private facebook nito. Gusto na niyang tingnan kung sino ang ka-chat nito sa instagram dahil nakikita niyang may nag-reply sa asawa pero baka magalit ito kapag i-open niya.
Biglang may nag-chat kay Sky sa facebook nito kaya nakita niya ang mensahe.
" Tulog ka na. Baka magising pa asawa mo. See you in school."
Nanlamig ang buo kong katawan nang malaman niyang si Amanda ang ka-chat ng asawa. Mabilis na tumalukbong ito nang bumukas ang pinto ng CR. Pinakiramdaman lang ito. Nagtitipa pa rin ito ng keyboard. Alam niyang nire-replayan nito si Amanda.
Mayamaya ay nahiga na ito na hindi man lang siya hinawakan o niyakap. Nang marinig niya ang mahinang hilik nito ay saka nang nag-umpisang tumulo ang mga luha ni Taira. Ang sakit! Siya nga ang kasama pero kapag tulog siya, sumasaglit ito sa babae niya!
"Bakit ba niya ako pinakasalan kung lolokohin lang din lang?" nalilitong tanong ni Taira sa sarili.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon