MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 34
Unedited...
Ulitin mo nga ang sinabi mo, Sky?" nagkakunot ang noong tanong ng ama pero ang totoo, kinakabahan siya.
"W-Wala..."
"Ulitin mo o masusuntok na naman kita? Saan mo kinuha ang pambayad mo?" galit na tanong ulit ng ama.
"Ibinenta ko ang isang kidney ko," seryosong sagot ni Sky kaya natahimik silang lahat. Kahit si Taira ay hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng asawa.
"A-Anak? B-Bakit?" umiiyak na tanong ni Kimberly at lumapit sa anak.
"Walang hiya ka! Bakit mo ginawa iyon? Sana sinabi mo at nang kami na ang magbayad!" Bulalas ni Skyler sa anak.
"S-Sky, baby ko?" umiiyak na sabi ni Kimberly at hinawakan sa magkabilang pisngi si Sky, "Bakit mo ginawa iyon? Baby naman!"
"M-Mahal ko po kasi si Taira, Mommy." Niyakap ni Sky ang ina. "M-Mommy, sinuntok ako ni Daddy," parang batang sumbong niya. Ngayon lang niya naramdaman ang pagsuntok ng dalawang lalaki. "M-Mommy, masakit!"
"Hush, tahan na... B-Baka mapa'no ang sugat mo sa tiyan," hinipas ni Kimberly sa likod ang anak para huminahon.
"Sky naman! Letse kang bata! Bakit ba sa dami ng puwedeng gawin e ang pagbenta pa ng organ ang naisipan mong solusyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Skyler at kulang na lang ay maglupasay sa sahig. Kung alam lang niya.
"Biro lang 'yon, dad," ani Sky kaya natigilan sila, "May business nga 'po' kami, 'di ba? Natural, doon ko kinuha. Sino ang walang hiyang tao na magbenta ng kidney? Ano ang tingin ninyo sa akin? Tanga?" napipikong sabi ni Sky dahil sa sakit ng pagkakasuntok nila. Ni hindi man lang niya napaghandaan at hindi nga niya alam kung bakit pagkapasok niya ay bigla na lang siyang sinuntok ng mga ito.
"Skyler!" Sigaw ni Kimberly at pinigilan ang asawa na susugurin sana ang anak.
"Pigilan mo ako, honey! Mapapatay ko talaga ang batang 'yan!" Namumula na sa galit si Skyler pero sina Tyron at Aira ay tahimik na nakaupo sa tabi.
"Seryoso ang usapan, kaya sagutin mo ako ng seryoso!" sigaw ng ama sa sobrang galit.
"Ang haba ng paliwanag ko, halos pati sipon ko ay yumakap na sa mga luha ko, tapos itatanong pa ninyo sa akin kung saan ko kinuha ang perang pinambayad?" hindi makapaniwalang sagot ni Sky na para bang ang hirap makaintindi ng kausap.
"Tama na nga 'yan!" saway ni Tyron at humarap sa anak. "Sa susunod, bago mo husgahan ang asawa mo, magtanong ka muna para magkaintindihan kayo. Hindi 'yong basta ka na lang mag-conclude!"
"Eh k-kasi," napayuko siya. "Todo iyak pa siya noong nagpaalam na h-hindi uuwi sa weekends tapos kasama pa niya si Amanda na buntis. Akala ko kasi..." yumuko siya at pinaglaruan ang sariling daliri. Nahihiya siya sa mga ito lalo na sa asawa.
"Sino ba naman ang hindi iiyak? Kakakasal lang natin pero mawawalan na ako kaagad ng sex life?" pagtatanggol ni Sky sa sarili. Nasanay na siyang si Taira ang palaging katabi kaya natatakot siya na baka pag-uwi niya ay iba na ang katabi nito sa ibabaw ng kama. Natatakot talaga siya sa isiping iyon!
"Ulitin mo nga ang sabi mo?" galit na utos ni Tyron.
"W-Wala po, nami-miss ko lang ang anak mo tuwing sabado at linggo kaya umiyak ako. Ikaw nga na mawala lang si Tita, umiiyak ka rin. Ganoon din po ako. Mahal ko talaga ang anak mo," sagot ni Sky. Pero ang sex life talaga niya ang ikinaiyak niya. Ilang araw din siyang nagce-celibate.
"Uwi na nga tayo," yaya ni Aira sa mga ito.
Sa sasakyan ng mga magulang sumakay si Taira.
"Mom? Masakit talaga ang suntok ni Daddy," sumbong na naman ni Sky dahil hindi siya maka getover sa pagsuntok ng ama. Mas diniinan niya hawak na ice pack para hindi mamaga ang bahaging nasuntok.
"Pagpasensiyahan mo na, baby. Kahit ako, nagalit din nang marinig ko ang sabi ni Taira," pakiusap ng ina.
"Mom?" bulong ni Sky, "Huwag mong pa-iskorin si Daddy mamayang gabi para makaganti ako, sige na," paglalambing ng anak at yumakap pa sa kaniya.
"Ano ang pinag-uusapan ninyong mag-ina diyan?" nagdududang tanong ni Skyler habang nagmamaneho.
"Wala ho. Ang sakit ng suntok mo," nakasimangot na sagot ng anak at muling bumulong sa ina. "Basta mommy, huwag mong patabihin si Daddy mamaya ha. Mag-promise ka."
"Oo na," pagsuko ni Kimberly.
"Sabihin mong promise," nakalabing sabi ni Sky.
"Promise."
Ngumiti si Sky. Kapag mangako ang ina, tinutupad talaga niya ito. Kahit sa ganitong paraan, makaganti naman siya ng ama.
Pagdating nila sa bahay nina Taira ay nasa loob na ang mga ito kaya dumiretso na sila.
"Nasaan na po si Taira?" magalang na tanong ni Sky.
"Nasa kuwarto niya, nagpapahinga," sagot ni Aira.
"Magpapaalam lang po ako sa kaniya, Mommy Aira." Umakyat na si Sky sa kuwarto ng asawa.
"S-Sky," sambit ni Taira nang pumasok siya. Nakaupo ito sa kama at may malalim na iniisip.
"Magpahinga ka na, uuwi na ako sa condo natin. Kapag okay ka na, umuwi ka ha. Hintayin kita," wika ni Sky at naupo sa tabi ng asawa.
"S-Sige," nahihiya siya panghuhusga niya rito na hindi man lang niya inalam ang side nito.
"Tai?" hinawakan siya ng asawa sa kamay at masuyong hinalikan ito.
"Sky?" naiilang siya sa mga titig nito. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa kasalanan. Ni hindi man lang ito nagalit sa kaniya kahit na siya ang may kasalanan.
"Masakit pa ba ang sugat mo?" nag-aalalang tanong nito.
"H-Hindi na." Sabay iling niya. "I-Ikaw? Masakit pa ba ang sinuntok nina Daddy?" nahihiyang tanong niya.
"Physically? Oo," honest na sagot ni Sky at napaniwi pa. Ginawa na nga siyang punching bag ng dalawang magkaibigan. Sinipa pa siya sa sikmura. "Pero emotionally? Sobrang sakit! Ang sakit kasi wala kang tiwala sa akin. Sa dinami-dami ng tao, ikaw pa na asawa ko. Sana, pinakinggan mo muna ako. Alam mo namang hindi kita kayang ipagpalit kahit kanino, 'di ba? Ngayon pa bang mag-asawa na tayo?" may himig na pagtatampo sa boses ni Sky kaya pinisil niya ang kamay nito.
"Sky, sorry. Alam kong mali ako." Niyakap siya nito ng mahigpit kaya umiyak na naman siya. Hindi maikaila ang pagmamahal ni Sky sa kaniya kahit sa mga yakap nito.
"Wala kang mali. Pareho lang tayong may kasalanan. Tahan na, alam mo namang hindi nakakabuti sa iyo iyan," pag-aalo nito.
"Sky? Paano mo nagawang ngumiti gayong nasasaktan ka na? Paano mo nagagawang masaya kahit na hinuhusgahan ka at minamaliit ng iba?" tanong niya habang nakatingala sa asawa. Naiinggit siya rito. Naiinggit siya sa pagiging matatag ni Sky at balewalain ang problema.
Masuyong hinaplos ni Sky ang malambot na pisngi niya at ngumiti.
"Ewan ko. Hindi ko rin alam," naguguluhang sagot ni Sky. "Kahit na nakingiti ako, deep inside, nasasaktan din ako. Mas nakakainggit nga kayo eh. Dahil kapag gusto ninyong malungkot at sumeryoso, may naniniwala sa inyo. Samantalang ako, kahit na umiiyak na ako, walang naniniwala sa akin dahil akala ninyo, nagbibiro pa ako," malungkot na sabi nito. Sa harap ng marami, masaya siya. Natutuwa. Higit sa lahat, walang problema. Sino ba naman ang taong walang problema?
"I-I'm sorry kung hinusgahan kita. Naniniwala naman ako sa iyo, hindi lang tayo nagkakaintidihan dahil hindi ako nagtanong. Hinusgahan kita kaagad," napayuko na naman siya. Sobrang nahihiya siya rito dahil isa siya sa mga nagmaliit sa asawa.
"Wala iyon. Alam ko namang hindi mo iyon sinasadya. Hindi lang tayo nagkaunawaan dahil akala ko, nauunawaan mo ang sinasabi ko. Hindi ko naman alam na ako ang iniisip mong ako ang ama ng anak ni Amanda," nakasimangot na sagot ni Sky. Sinabi na nga niya rito na may bagong kasintahan na si Amanda pero hindi pa rin ito naniwala sa kaniya.
"B-Babymine?" hinawakan niya ang mga kamay ng asawa. "Puwedeng magtanong?" kinabahan bigla si Taira dahil mukhang seryoso si Sky. Nangungusap pa ang mga mata na na nakipagtitigan sa kaniya.
"S-Sige..." naiilang siya.
"Ahm, k-kuwan..." kinakabahan din si Sky dahil baka magalit ang asawa sa tanong niya. Napansin naman ni Taira ang pamumula ng mukha nito kaya ngumiti siya para hindi ito maiilang.
"What is it, Sky? Hindi ako magagalit at sasagutin ko. Promise." Nagulat siya nang yakapin siya ng asawa ng sobrang higpit.
"Babymine? Natanong mo ba si Doc kung kailan tayo puwedeng... Ahm..." nahihirapan itong sabihin ang itatanong, "Mag-sex?" bulong ni Sky dahil baka marinig na naman sila ng mga magulang. OA pa naman minsan si Tyron kapag sex lofe nila ang pag-usapan. Bahagyang tumawa si Taira at kumalas sa pagkakayakap sa asawa. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Sky. Kung puwede lang sanang sumama rito sa condo nila, sasama na siya pero nahihiya siya dahil nga sa kasalanan niya. Dahil sa maling paratang nasuntok ito ng mga ama nila.
"Pasensiya ka na, hindi ko naitanong. Pero huwag kang mag-alala, tatawagan ko ang doctor kung kailan puwede," sumimangot ito kaya mas lalong lumapad ang ngiti ni Taira.
"Bakit hindi mo natanong? Iyon dapat ang inuna mo dahil mahalaga iyon sa amin ni Junior. Excited pa naman gumawa kay 'Clouds'. Pagtatampo nito. Gusto na talaga niyang magka-baby. Noong tinanong nga siya ni Amanda kung ano ang gusto niyang pangalan ng bata, 'Clouds' agad ang sagot niya. Napangiti pa siya dahil naalala niyang iyon ang dapat na ipangalan nila ni Taira sa first baby nila. Babae man o lalaki.
"S-Sky? Paano kung hindi na kita mabigyan ng anak? Paano kung--"
"Hush." Tinakpan ni Sky ang bibig niya para hindi niya ipagpatuloy ang pagsasalita. "May anak tayo o wala, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw pa rin ang Tai-Tai na minahal ko mula pa noong bata pa tayo," seryosong sabi ni Sky kaya naiiyak na naman si Taira.
"E di, aampon na lang tayo para may baby tayo basta--" pambibitin nito sa sasabihin, "Ipapangalan natin sa kaniya, Clouds," dagdag nito na ikinangiti ni Taira.
"Sige. Pero Sky, pakiusap, huwag mo nang ulitin ang biro mong nagbenta ka ng kidney ha," pakiusap ni Taira. Muntik na siyang himatayin kanina nang marinig ang sinabi nito. Akala niya, totoo ngang nagbenta ito ng kidney.
