10

1K 30 0
                                    




My Trip Buddy ( U- Prince 2 )

by: shasha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited....

"Tai? Ano ang ginagawa mo rito?" napatayo si Sky nang makita si Taira na naupo sa tabi ni Blue. "Babalik na na sa Business Ad?"
"Blue, pahiram ako ng notes ninyo. Ipa-photocopy ko lang," pakiusap ni Taira.
"Sige, pahihiramin kita, Tai-Tai." Masiglang sabat ni Sky.
"May notes ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Blue.
"Oo naman!" Pagmamalaki ni Sky. "Hiramin ko kay Black mamaya ang notes niya. Mas kumpleto iyon kaysa sa iyo, Blue." Dagdag nito.
"Ulol!" Wika ni Blue.
"Kamusta ang nursing course? Mahirap ba, Tai?" usisa ni Sky saka lumipat sa tabi ng dalaga.
"Ilang araw pa lang naman siyang nursing student. Wala pang natutunan 'yon!" Sabat ni Blue.
"Psh! Sana pala, hindi na lang ako lumipat dito." Bulong ni Taira. Pinabalik siya ng ama nang marinig ang usapan nila ni Jairah kagabi na hindi niya gusto ang nursing. Na napilitan lang siyang lumipat dahil kay Sky. Mas lalo pang ayaw niya dahil kaklase niya si Amanda.
Tumayo si Blue at lumabas kaya naiwan silang dalawa rito. "Tai? Sorry kung makulit ako..." seryosong sabi ni Sky. Kinuha ni Taira ang iphone at naglaro ng kung anong mapindot niya.
"Pero Tai-Tai, seryoso talaga ako. Mahal kita. Walang iba. Paniwalaan mo sana ako sinta... Sa puso ko'y walang katulad mo," seryosong sabi ni Sky sa kababata at hinawakan pa ito sa kamay. Sakto namang palapit sina Black at Blue kaya narinig nila ang pinagsasabi ng kapatid. "T-Tai, pag-ibig na wagas ang alay sa iyo. Pangako ko sa iyo'y hindi magbabago kayat sanay pakinggan mo. Ako'y hindi nagbibiro sa puso ko'y walang katulad mo..."
Tumigil si Taira sa ginagawa at hinarap si Sky. "Seryoso ka ba talaga sa pinagsasabi mo?" tumango si Sky.
"Galing ba talaga sa puso mo ang mga salitang binitwan mo?" mulimg tumango si Sky. Seryoso talaga siya. Mahal talaga niya ang dalaga at kahit ano man ang mangyari ay ipapakita niyang this time, hindi na siya nagbibiro pa rito.
"Saan ka pupunta,Tai?" tanong niya nang tumayo ito at lumipat ng upuan na hindi maipinta ang mukha.
"Seryoso ka ba talaga sa panliligaw mo kay Taira?" nagdududang tanong ni Blue na kulang na lang ay magpapalubog siya sa lupa para lang hindi malaman ng mga estudyante sa Westbridge na kapatid niya ito.
"Oo nga sabi! Palibhasa palagi na lang ninyo akong pinaparatangan na nagbibiro!"
"Alam mo ba kung ano ang mga pinagsasabi mo kay Tai-Tai?" naggagalaiti sa inis na si Blue Sa kapatid.
"Oo naman! Wala namang masama sa sinabi ko. May mali ba?" nagtatakang tanong ni Sky. Seryoso naman talaga siya.
"Kanta 'yun, tanga!" Sabat ni Black at naupo sa tabi niya. Kulang na lang ay pukpukin niya ng bato ang ulo ng kapatid para matauhan ito sa katangahan!
"K-Kanta?" ulit ni Sky.
"Oo nga! Search mo pa sa youtube! Wala ka talaga, Sky! Paano maniniwala si Taira sa 'yo niyan?" Sabat ni Blue. "Sino ba ang nagturo sa 'yo no'n?"
"Psh! Peste talaga!" Sinipa ni Sky ang upuan kaya napatingin ang mga kaklase sa kaniya. Ilang beses pa nga niyang mini-memorized ang mga linyang iyon pero sa awit lang pala kinuha ng ama nila! Ang sabi pa nito, pinagpuyatan nito ang pag-iisip ang linyang iyon para lang sa panliligaw niya!
"Kanino ka nga nagpaturo?" tanong ni Black.
"WALA NA KAYO ROON!" Napipikon na sagot ni Sky.
" Wala talaga siyang kuwentang AMA!" Hiyaw ng isip ni Sky at ilang beses na minura ang ama sa utak. Kung hindi lang masamang manuntok ng ama, masusuntok talaga niya si Skyler.
Nagmukmok siya sa isang gilid at hindi na talaga pinansin ang kapatid. Kahit ang mga ito ay ayaw din siyang makausap.
Natapos lang ang klase ay hindi sila muling nag-usap pa ni Taira.
"Grace!" Tawag ni Taira sa dating kaklase nang makasalubong ang mga nursing classmates dati.
"Lumipat ka na pala?" tanong ni Grace.
"Oo. Hindi ko talaga kaya ang nursing eh. Wala sa puso ko," nakangiting saad ni Taira. "Hi, Jack." bati niya sa binata.
"Hello," nahihiyang bati rin nito saka inayos ang salamin.
"Huwag ka nang mahiya sa akin, Jack. Magkaibigan naman tayo." Ani Taira.
"Mahiya ka sa kaniya kasi girlfriend ko siya." Napakuyom si Taira ng kamao nang marinig ang boses ni Sky sa likuran niya.
"Hi, sa mga kaklase ni Taira!" Bati ni Sky at ngumiti kay Grace. Siyempre, basta kaibigan ni Taira, itinuturing na rin niyang kaibigan maliban sa mga lalaki. Napayuko si Grace at namula ang pisngi. Crush kasi niya si Sky pero nahihiya lang siyang aminin.
"Mauna na ako. May pasok pa kami sa next subject," paalam ni Taira at tinalikuran na ang mga kaibigan. Sa maikling panahong nakilala niya ang mga ito ay masasabi niyang kaibigan na ang turing niya sa mga ito.
"Mahilig ka talaga sa mga nerd!" wika ni Sky na nakasunod pa rin sa likuran niya. Ang laki talaga ng galit niya sa mga nerd dahil sa ginawa nito noon sa kaniya.
"SKY, TAIRA!" Napahinto si Taira nang makasalubong si Jerome.
"Hi," ngumiti si Taira rito.
"Hello," bati ng binata. "Sky, nasaan si Blue?" tanong nito.
"Nauna na. Bakit? Bakla ka ba at si Blue ang hinahanap mo?" prangkang tanong ni Sky.
"Ulol mo!" Natatawang sagot ni Jerome. "Magpa-practice kami ng basketball mamaya sa bahay. Pakisabi na lang." napag-usapan na nila iyon na nasa bahay nila magpa-practice pero hindi siya sigurado kahapon dahil ang sabi ng mommy niya ay magzu-zumba raw sila pero hindi naman matutuloy kaya sila na lang ang magpa-practice.
"Okay na ba ang sugat mo?" nag-aalalang tanong ni Taira. "Baka mapaano ka."
"Okay na ako. Sub lang ako. Sa labas lang ang laro ko." sagot ni Jerome.
"Kahit na. Pisikalan pa rin ang larong basketball," sabat ni Sky saka pasimpleng inakbayan si Taira na agad namang tinanggal ng dalaga.
"May dumi lang sa balikat mo," palusot ng binata.
"Mauna na ako," paalam ni Taira at hinayaan na ang mga ito na mag-usap. Pagdating niya sa next subject nila ay sa tabi siya ni Julie naupo.
"Mabuti naman at lumipat ka na ulit," nakangiting sabi ni Julie.
"Oo, kamusta ang relasyon ninyo ni Kuya?" tanong ni Taira.
"Okay lang. Busy si Aron ngayon pero nagkakaroon naman siya ng time sa akin," mahal siya ni Aron at ramdam niya iyon. Isa sa mga nagustuhan niya sa binata ay masugid itong manliligaw niya. Napaka-gentleman pa at masasabi niyang husband material talaga. Naisip niya na siguro dahil sa maganda lang ang pagpapalaki ng mga magulang kahit na hindi niya tunay na ina si Aira.
"Mabuti naman. Sana makahanap din ako ng boyfriend na kagaya ng kuya ko." Ani Taira. Buwan lang ang pagitan nila ni Aron pero mas pinili nilang tawagin itong kuya.
"Si Sky na lang." Nakangiting sabi ni Julie. "Guwapo naman ito at marami ang nagkakandarapa sa kaniya."
"Huwag na! Ayoko ng may kahati." Napipikon na sagot ni Taira. Pinakaayaw din niya ay ang ugali nitong walang ka-seryosohan sa buhay. Kabisado na niya si Sky.
"Malay mo, baka seryoso nga siya sa 'yo." Pangungumbinse ni Julie. Napasimangot si Taira nang pumasok si Sky at may tinitingnan sa cellphone.
"Wala nang pag-asang magbago siya. Ganoon na talaga siya habang buhay!"
"Malay mo, baka ikaw ang makapagpabago sa kaniya."
"Sa ilang taon naming pagsasama? Wala namang nagbago. Mas lumubha pa nga! Kung cancer lang, nasa stage four na siya! Malapit nang mamatay!" Pagmamaktol niya.
"Tai? Alam mo ba ang sagot sa tanong ni Nathalie?" tanong ni Sky nang lumapit sa kanila. Hindi lang niya mahulaan kung ano iyon.
"Malay ko!" Sagot ni Taira.
"Ano ba iyon?" usisa ni Julie.
"Ano'ng klase ng bato ang makikita mo sa gitna ng dagat?" naguguluhang tanong ni Sky.
"Ano?" tanong ni Julie.
"Ewan ko nga eh. Tai? Paunahan tayong makasagot." Excited na sabi ni Sky.
"Ayoko! Bahala ka sa buhay mo!" Pagsisinuplada ni Taira.
"Sige na. Ang KJ mo naman. Pumayag ka na," pangungumbinse ni Sky.
"Ganito na lang," sabat ni Julie. "Kapag sino ang maunang makasagot, ang wish niya ang masusunod."
"Ano 'yon?" naguguluhang tanong ni Sky.
"Para ma-settle na kayong dalawa. Mag-deal kayo," ani Julie.
"Sige!" Masayang pagsang-ayon ni Sky. Kapag ako ang makauna, sagutin mo ako, Tai-Tai. Tayo na."
"At kapag ako ang maunang makasagot, huwag mo na akong kausapin kahit kailan!" Sagot ni Taira. Sigurado siyang hindi nito alam ang sagot.
"Ayoko! Ang unfair naman! Hindi ko kaya 'yon!" Tutol ni Sky.
"E di, 'wag!" Ani Taira.
"Oo na!" Napipilitang pagsang-ayon ni Sky. "Masasagot ko 'yan!" Kampanteng dagdag niya.
"DEAL!" Ani Taira para tumahimik na ito.

A/N:

Wala na 'tong patayan ha. Change genre na. Humor!
Basa na lang muli sa umpisa pero ganun pa rin naman ang mga eksena. Kinuha ko lang ang ibang convo.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon