My Trip Buddy ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 13
"Hoy, gising!" Pukaw ni Jairah sa kakambal.
"Ano ba! Inaantok pa ako!" Kinuha niya ang unan at itinakip sa mukha. Sa pagkakatanda niya ay first day ng U-week nila.
"Gumising ka na kasi, sis!" May pagkairita sa boses ng kakambal kaya nagkunwari siyang humihilik. Pagod siya dahil nanood pa sila ng Korean movies kagabi. Nakatatlong movies pa nga sila.
"Pinapatawag ka ni Daddy!" hinihila ni Jairah ang kumot niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
"Pasabing wala kaming pasok ngayon. University Week. Mamayang alas diyes pa ako pupunta sa school!" Ani niya.
"Bahala ka! Kung anu-ano na ang pinagsasabi ni Sky kay Daddy!" Wika ni Jairah kaya napabangon si Taira pero nakasara na ang pintong nilabasan ng kambal.
"Shit, shit, shit!" Nataranta niyang sabi saka mabilis na nagsuot ng roba at dali-daling bumaba sa sala.
"Totoo nga po, Tito. Kami na talaga ni Tai-Tai," pangungumbinse ni Sky habang nakaupo silang dalawa ni Tyron sa sala na nakaharap sa isa't isa. "Oh, gising na pala si Babymine ko." Nakangiting sabi ni Sky habang nakatingin kay Taira.
"Babymine?" nakakunot ang noong tanong ng dalaga.
"Bakit? Iyon naman ang tawagan natin," inosenteng sagot ni Sky.
"Daddy, 'wag kang maniwala sa kaniya. Wala kaming relasyon!" Tanggi ni Taira.
"Hala, ang sakit naman! Sa harap ng magulang mo tapos ikinakahiya mo ako?" bulalas ni Sky. Nasasaktan talaga siya.
"May relasyon ba talaga kayo o wala?" seryosong tanong ni Tyron. Hindi siya nakikipagbiruan sa mga ito.
"OO/WALA!" Sabay na sagot ng dalawa kaya naging blangko ang expression ni Tyron.
"Wala talaga kaming relasyon, dad!" Tanggi ni Taira at pinandilatan si Sky.
"So, pinaglaruan mo lang pala ako, babymine? Matapos mong tikman ang mga labi ko, i-deny mo ako?" nanlaki ang mga mata ni Taira sa sinabi ng kababata.
"Hoy, tumigil ka nga, Sky!" Galit na saway niya. "Walang tayo!"
"Laro lang pala sa iyo ang ilang beses nating paghalikan?" nanghihina ang mga tuhod niya sa sagot ni Sky. Tila nasasaktan pa talaga ito habang sinusumbatan siya. Iyong mukhang ito ang talunan at naloko.
"NAGHAHALIKAN KAYO!" Singhal ni Tyron at napatingin kay Taira.
"H-Ha, ah... Ehh..."
"Opo! Pero balewala lang pala iyon sa anak mo, Tito. Masakit talaga isiping matapos naming maghalikan dito sa kuwarto niya, sa kuwarto ko, at doon sa probinsya nina Nathalie, ide-deny lang pala niya ako..." naluluhang sagot ni Sky kaya napaupo na si Taira. Hindi talaga siya makapaniwala sa isiniwalat ni Sky.
"Ano pa ang nagawa ninyo?" mahinahon pero sa kaloob-looban ni Tyron ay sasabog na siya sa galit. Hindi imposibleng mangyari nga iyon sa dalawa at alam niyang hindi nagsisinungaling si Sky.
"Daddy, wala naman talag--"
"TUMAHIMIK KA, TAIRA!" Wika ng ama kaya biglang nagpreno ang bunganga ng dalaga. Naiiyak na talaga siya. "Ano pa ang ginawa ninyo, Sky?"
"Daddy, k-kami na ni Sky," naiiyak na sagot ni Taira. Natatakot siya na baka magalit ang ama kapag nagsumbong ang kababata.
"N-Natatakot lang akong aminin d-dahil baka magalit kayo ni Mommy," napaiyak na talaga siya. Napaiyak dahil wala siyang magagawa. Para siyang isang daga na na-corner sa isang sarado at madilim na box.
"B-Babymine, 'wag ka nang umiyak, seryoso naman ako sa 'yo." Tumayo si Sky at lumipat sa tabi niya saka inabutan ng panyo pero hindi niya tinanggap. Abot hanggang langit ang galit niya ngayon sa binata.
Ilang beses niyang narinig ang pagmumura ng ama habang palakad-lakad sa harapan nila at nang kumalma na ito ay hinarap silang dalawa.
"Wala namang tumututol sa pagmamahalan ninyo pero ang ayaw ko lang ay todo deny kayo noon tapos heto, ngayon niyo langa aaminin?" kahit na kumukulo na ang dugo niya kay Sky ay pinipilit niyang huminahon dahil sa takot na nakaguhit sa mga mata ng anak. Mahal niya si Taira at kung puwede lang ay ayaw niyang umiyak pero nang makumpirmang may relasyon nga ang dalawa ay parang siya naman ang iiyak. Bakit si Sky pa? Sa dinami-dami ng seryosong lalaki sa paligid bakit ang anak ni Skyler pa? Napakasakit na kapalaran! Hindi naman sa ayaw niya pero parang ganoon na nga!
"Eh ngayon lang naman po namin nakumpirma na mahal pala talaga namin ang isa't isa, Tito." Sabat ni Sky. Gusto sana niyang yakapin si Taira pero tagos sa katawan ang masakit na titig nito kapag hindi nakatingin si Tyron sa kanila.
"Mahal mo ba si Sky, Taira?" usisa ni Tyron kaya napatigil siya sa pag-iyak. Kahit si Sky ay hindi rin makapagsalita.
"O-Opo..." mahinang sagot niya. Ano pa nga ba ang isasagot niya? Baka isipin ng ama na pakiwara siya para lang makipaghalikan sa lalaking hindi naman niya mahal. Isa pa iyan sa mga katanungang pumapasok sa isipan niya. Kung mahal ba niya talaga si Sky? Ngayong kabuwesitan lang ang ginagawa nito sa buhay niya. Wala talaga siyang maisip na nagpaka-sweet ito o naging pormal man lang Sa kaniya pero aaminin niya, ito ang palaging nagtatanggol sa kaniya noong bata pa sila pero ito rin ang dahilan kung bakit nabu-buwesit siya o nasisira ang araw niya.
"Kung gano'n, wala akong magagawa. Ang bilin ko lang, 'wag mong lokohin ang anak ko, Sky. Kilala ko kayo! Kilalang-KILALA!" Nagtagis ang bagang ni Tyron habang nakatingin sa anak ng kaibigan. Wala namang problema sa mukha at porma nito dahil nasa lahi talaga ang pagiging guwapo pero ang ugali lang talaga.
"Huwag po kayong mag-alala, Tito. Aalagaan ko ang anak ninyo. Kung ang ikinabahala mo ay ang ugaling panloloko, hindi ko po iyon gagawin. " Magalang na sagot ni Sky. Aminado naman siyang nakatatak na sa kanila ang salitang "manloloko" dahil sa history ng ama noon pero alam naman nila kung paano ito nagbago nang minahal na ang mommy nila.
"Oh siya, magbibihis lang ako. A-attend pa ako ng U-Week ninyo." Sabi ni Tyron at pumunta na sa itaas para mag-shower at para na rin malamigan ang mainit niyang ulo.
"Babaymine?"
"Tumigil ka! Saan mo ba nakuha ang lintik na babymine na 'yan?" galit na sabi ni Taira saka tumayo at pinaghahampas ng throw pillow si Sky. "ANG AGA MO PANG SINIRA ANG ARAW KO!"
"Sorry na. Gusto ko lang--Aww! Namang maging formal sa ama mo--Aww! Masakit na!" Inagaw niya ang pillow sa dalaga.
"Ito na pala ang pormal mo?" Hindi makapaniwalang wika ni Taira.
"Eh ano pa ba ang formal na sasabihin ko? Sa ano'ng paraan?" tanong niya. Gusto lang naman niyang sunduin si Taira na hindi napapalayas ng ama nito dahil hindi pa nga siya nakakapasok sa gate ng mga Rodriguez, parang tinataboy na siya ng mga ito.
Padabog na umakyat si Taira para magbihis. Mas gustuhin pa niyang pumunta sa paaralan kaysa sa manatili siya rito kasama ang pamilya at si Sky. Napi-pressure siya sa mga ito. Mas mabuting sa school campus siya dahil malawak at puwede siyang umiwas sa binata. Plain white t-shirt at pantalon ang isinuot katerno ng black shoes at shades niya. Pagkababa niya ay nadatnan siya si Sky na nasa sala pa rin kasama ang ama't ina na niya.
"Anak, hindi mo man lang sinabi na kayo na pala ni Sky?" masayang saad ni Aira kaya napasimangot si Taira.
"Aalis na ako, Mom." Paalam niya.
"Sky, iuwi mo 'yan mamaya sa tamang oras ang anak ko at siguraduhin mong walang galos sa tuwing ihahatid mo siya pauwi!" Pagbabanta ni Tyron.
"Ako po ang bahala. Aalis na po kami, Tito." Paalam ni Sky.
"HINDI AKO SASABAY SA IYO, MAGTATAXI AKO!"
"Tito, ayaw niyang sumabay." Sumbong ni Sky.
"Sumabay ka na sa kaniya. Mula ngayon, siya na ang maghahatid-sundo sa iyo." Napanganga siya sa sinabi ng ama.
"Narinig mo iyon, babymine? Sundo't hatid na kita!" Nakangising sabi ni Sky.
"Urgh!" Tinalikuran niya ang mga ito at diretso sa garahe.
"Babymine? Helmet mo!" Wika ni Sky nang maabutan siya at iniabot ang helmet.
"Mag-motor na lang tayo para masaya." Wika nito habang sinusuot ang helmet at shades.
Sakto namang lumabas si Tyron kaya inabot niya ang helmet kay Sky. Ano pa nga ba ang magagawa niya?
"Kitakits na lang sa school. Sky, dahan-dahan sa pagmaneho. Tamdaan mong kasama mo ang anak ko," paalala ni Tyron. Saka na lang siya magwawala oras na lokohin nito ang anak nila.
"Opo, ako po ang bahala." Pagbibigay assurance ng binata.
Nang makalabas na sila ng gate ay hinampas siya ni Taira sa braso.
"Ouch! Babymine ko naman, masakit! Baka maaksidente tayo!" Saway ni Sky at itinutok ang mga mata sa kalsada.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kalokohan mo?" sa sobrang inis ay kinurot niya sa tagiliran si Sky.
"Sige ka, mabangga tayo sa ginagawa mo. Tai?" tawag ni Sky. "Kapit ng mahigpit!"
"WAAAAH!" Napasigaw si Taira! Muntik na siyang mahulog nang kumuha ng buwelo si Sky at binilisan ang pagpatakbo. Sobrang bilis talaga kaya ang puso niya ay para ring malalaglag. "T-TIGIL NA! TIGILAN MO NA!" Sigaw niya at napayakap ng mahigpit kay Sky. Para silang bumabiyahe pa impiyerno!
"KAPAG HINDI MO ITIGIL, BREAK NA TAYO!" napasubsob ang mukha niya sa malapad na likuran ni Sky nang bigla itong nag-preno.
"WALANG HIYA KA! Papatayin mo ako? AYOKO NANG SUMAMA SA 'YO" naiiyak na sabi niya pero nakayakap pa rin sa binata. Nilingon siya nito.
"Huwag kang mag-alala, Tai-Tai..." nakangiting sabi ni Sky. "Masanay ka na sa ganito...na kasama ako..." napapangiti na wika niya. Ang sarap sa pakiramdam na nagmamaneho siya habang mahigpit na yumayakap si Taira. "Dahil panghabang buhay na biyahe natin ito." dagdag niya at muling pinaandar ang motor patungo sa paaralan nila.
"Ibaba mo ako!" Utos ni Taira nang malapit na sila sa gate.
"Sa loob na!"
"Ayoko! Ibaba mo ako? O tatalon ako?" pagbabanta ng dalaga kaya inihinto ni Sky ang motor. Mabilis namang bumaba si Taira na nakahelmet pa at naglakad papasok sa paaralan.
Habang papasok si Sky sa gate ay napapalingon ang mga kababaihan. Ang astig at pogi nitong tingnan.
"Hi, Sky!" bati ni Anjie dahil mahina lang ang pagpatakbo nito. Kasama nito ang tatlong kaibigang sina Rosalie, Gina at Agatha.
"Sky, akin ka na lang!" sigaw ng bakla kaya napangiti si Sky.
"Bakit kaya kay Taira, hindi tumatalab ang aking karisma?" tanong niya sa sarili at idiniretso ang motor sa parking space nila.
Hindi na niya nakita pa si Taira kaya dumiretso siya sa court para mag-pracatice ng basketball.
"Sino ang couch ninyong Blue team?" tanong niya kay Jerome.
"Si Tito Tyron daw..." sagot ni Jerome.
"Ah, kaya pala pupunta si Dad dito." Sabi niya.
"Nakiki-Daddy ka na talaga?" panunuya ni Aron na may bitbit na bola nang marinig si Sky.
"Eh, sa black team?" dedma na niya si Aron. Bahala ito sa buhay niya.
"Si Tito Dylan." Sagot ni Jerome.
"Nasaan na sina Black at Blue?" tanong ni Kean na papalapit sa kanila.
"Ah, ang mga kulay? Wala pa. Si Black, umaakyat pa ng papaya sa condo niya. Si Asul, busy sa paghahanap ng pambili ng gatas..." sagot ni Sky. Hindi pa nakauwi si Blue mula kagabi dahil may bagong pinirmahang kontrata.
"Talagang may anak na si Blue?" usisa ni Aron. Narinig na nila sa parents niya.
"Oo naman daw..." ani Sky. Nakikita naman nilang kamukha ito ni Blue pero mas kahawig ni Avery ang bata.
"Nasaan si Avery?" tanong ni Aron.
"Hindi ko alam..." sagot ni Sky. Ayaw niyang magtanong. Hindi naman siya sinasagot ng mga magulang. Basta iniwan na lang daw nito ang bata. Wala pang klaro sa kanila ang totoong nangyari. "Teka, sino ang couch naming yellow team?" tanong ni Sky.
"Oh, LAHAT NG YELLOW TEAM, PRACTICE NA TAYO!" Pumalakpak ito kaya nagsilapit ang mga nakadilaw.
"FUCK! Huwag niyong sabihing si Daddy ang coach namin?" hindi makapaniwalang tanong ni Sky sa mga kaharap.
"Bakit? May reklamo ka, Sky?" tanong ng ama habang palapit na sa kanila.
"Ikaw ba talaga ang coach?" panigurado ni Sky.
"Bakit? Minamaliit mo ba ko?" pabalik na tanong ni Skyler sa anak.
"Ano ang alam mo sa basketball?" nagdududang tanong niya.
"Ikaw? Ano ang alam mo sa basketball? Kung ayaw mo ako maging coach, huwag ka nang maglaro!" galit na sagot ni Skyler. Naglalaro naman siya ng basketball noong college sila. Biglang kumulo ang dugo niya nang maalala ang laro sa championship nila.
"LINTIK TALAGA! Tatalunin natin sina Dylan!" Determinadong wika ni Skyler at masamang tiningnan ang mortal na kaaway nila noon sa basketball, si Dylan.
"Kung ikaw mag-coach, hindi namin sila matatalo!" Sabat ni Sky.
"Hindi ko kailangan ang opinion mo!" Ani Skyler at pinuntahan ang mga players niya.
"Matatalo talaga kami nito!" Sambit ni Sky habang nakatingin sa ama.
" Psh! Makasuya sa ama, as if may alam din siya sa basketball..." bulong ni Aron na nakatingin kay Sky.
