32

832 28 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Unedited...

"Okay ka lang?" tanong ni Keana sa pinsan. Tumango lang si Taira pero alam niyang may dinadamdam ito na ayaw lang ipaalam sa kanila.
"Nag-away na naman kayo ni Sky?ang sabi ni Julie, hindi kayo nagpapansinan ng asawa mo. Ilang araw na."
"Naiinis na ako sa kaniya! Alam mo naman ang ugali niya, 'di ba?" naguguluhan siya sa sitwasyon nila. Kahapon ay hindi ito umuwi sa condo nila.
"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Keana dahil mainit ang katawan ng pinsan.
"O-Okay lang ako," ani Taira.
"Mali yata ang pagpakasal mo kay Sky?" noon pa lang ay tutol na siya dahil parehong kabisado niya ang ugali ng dalawang pinsan.
"Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako. Masakit sa bangs," nanghihinang sagot ni Taira. Nasusuka siya na hindi niya mawari dahil sa taas ng kaniyang lagnat mula pa kagabi.
"Nakita mo siya?" na ang tinutukoy niya ang asawa.
"Patungo siya sa rooftop kanina. Ewan ko kung nandoon pa 'yon. Hinahanap ka nga niya," sagot ni Keana, "Samahan na kita."
"Huwag na, dito ka lang." Ngumiti siya bago umalis. Nag-aalala si Keana dahil nanglalalim ang mga mata ng pinsan pero may reporting pa sila ngayon.
Malapit na siya sa pintuan nang marinig niya na may kausap si Sky. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakatalikod ang mga ito sa pintuan pero alam niyang si Amanda ang kasama nito.
"Sky? Ano ang magandang ipangalan sa baby?" bakas ang galak sa boses ni Amanda na pumiga naman sa puso ni Taira.
"Clouds. Gusto ko ang Clouds," masiglang sagot ni Sky kaya hindi na niya napigilan pang tumulo ang mga luha. Iyon ang pangalang gusto sana ni Sky kung sakaling magkaanak sila. Napahawak siya sa puson. Hindi siya buntis dahil meron siyang heavy menstruation ngayon. Palagi nga siyang nadi-dysmenorrhea nitong nakaraang buwan pero uminom siya ng advil para kahit paano, mabawasan ang sakit. Kapag nasa bahay lang siya ay nagho-hot compress siya.
"Talaga? Pero ayaw ko ng 'Clouds' ang corny!" Reklamo ni Amanda. Napahigpit ang pagkakahawak ni Taira sa seradura para hindi matumba dahil sa nangangatog na katawan. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa sakit niya o dahil sa sakit ng mga salitang naririnig niya.
"Pero gusto ko iyon!" Giit ni Sky.
Pareho silang napalingon nang may marinig na kalampag.
"Babymine!" Sabay takbo ni Sky sa asawa pero umatras si Taira palayo sa kaniya.
"K-Kanina pa kita hinahanap," puno ng pag-alala ang mga mata nito.
"Ikaw rin, h-hinahanap kita." Ngumiti si Taira. Mabuti na lang dahil napahidan na niya ang mga luha kanina.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sky.
"Sa canteen. Bigla akong nagutom, yayain sana kita." Pinipilit niyang huwag mapadako ang paningin kay Amanda na nakatingin sa kanila. Kung hindi lang ito buntis ay kanina pa niya sinampal ng ilang beses.
"Sige," masiglang sabi ni Sky. Hahawakan na sana niya ito pero nauna nang naglakad si Taira.
Pagdating nila sa canteen ay sa table dumiretso si Taira sa table nina Lester at Grace kaya napipikong sumunod si Sky.
"Kamusta?" nakangiting bati ni Lester.
"Okay lang," nakipagbeso-beso siya kay Grace.
"Mainit ka," puna ng kaibigan.
"Okay lang ako." Naupo siya sa silyang hinila ng asawa para sa kaniya.
"Tai? Birthday party ng mommy ko mamaya, baka gusto mong pumunta." Tanong ni Lester.
"Talaga? Sige," sabi ni Taira.
"Babymine, may dinner tayo mamaya," sabat ni Sky.
"Hindi mo naman sinabi," sagot ni Taira.
"Basta may date tayo mamaya," nagpalipat-lipat ang mga mata ng magkapatid sa kanilang dalawa.
"Nauna na akong um-oo kay Lester," giit ni Taira.
"Okay lang kahit na hindi ka pumunta," sabat ni Grace.
"Pupunta ako. Naka-oo na ako," sagot ni Taira kaya nanahimik na si Sky.
Um-order ito ng makakain nila kaya naiwan siya sa table kasama ang magkapatid.
"Okay na ba kayo?" usisa ni Lester. Concern lang siya sa dalaga.
"Yes," sagot ni Taira na pinipilit na itinatago ang pagka-dismaya sa asawa.
"Mauna na kami, kanina pa naghihintay si Daddy sa labas. May lakad pa eh," paalam ni Grace.
"Sige lang."
"I-text na lang namin ang home address," ani Grace.
"No, sunduin na lang kita, Tai," sabat ni Lester at hinila na ang kapatid palabas. Bibili pa sila ng ire-regalo sa mommy nila mamaya.
Ilang minuto nang nawala sila sa harapan ni Taira nang dumating si Sky dala ang pagkain nila. Wala si Ate Yana dahil nagbakasyon daw sa probinsya.
"Tai? Huwag kang sumama kay Lester," pakiusap ni Sky habang kumakain sila.
"Sky? Gusto ko nang magka-baby," pag-iiba ni Taira ng usapan kaya natigilan si Sky.
"Gusto kong 'Clouds' ang ipangalan natin sa kaniya''. Parang punyal na tumarak sa dibdib niya ang reaksiyon ng asawa. Gulat na gulat at nagtataka.
"B-Bakit..." naguguluhang tanong nito.
"Wala. Biro lang. Kumain ka na," masiglang kinuha niya ang kutsara at kumain para pagtakpan ang sariling kahihiyan. Napahiya siya sa asawa dahil wala naman pala itong balak na magkaanak na sila. O mas tamang sabihin na nawalan na ng gana dahil magkakaroon na ito ng anak sa iba. Masakit!
Sanay rin silang umuwi sa condo nang matapos na ang klase.
"Sasama ako sa birthday ng mommy ni Lester," pangungulit na naman ni Sky sa kaniya.
"Bahala ka," walang kagana-ganang sagot niya at pumasok sa kuwarto nila.
"Uminom ka ng gamot, babymine. Mainit ka," ani Sky at inabot ang paracetamol sa kaniya.
"Mamaya kapag tapos na akong kumain," nahiga siya sa kama at napatitig sa kisame. Nagtatanong kung ano ba ang kasalanan niya kung bakit pinaparusahan siya ng ganito. May asawa ka nga pero sa iba naman nagkaanak. Ganito na ba ka insensitive ang asawa niya? Na akala nito ay puwedeng idaan sa pagiging 'cool' ang lahat? Ilang buwan pa lang silang kasal tapos ganito na ang nangyayari sa kanila.
Matapos silang kumain ay hiningi niya kay Lester ang address at sinabing magkasama sila ni Sky.
"Babymine?" tawag ni Sky. Nang lumingon siya ay may hawak itong bulaklak at nakangiti sa kaniya.
"Ano 'to?" tumaas ang kanang kilay niya pero inabot pa rin niya ang red roses.
"Flowers para sa napakagandang asawa ko," sagot ni Sky na kung pagmasdan ay ang guwapo talaga nito.
"Suhol?" gusto niyang matawa dahil naiinsulto siya.
"Ahm... Yes, kasi babymine, palagi na lang akong wala sa tabi mo. Gusto kong buma--"
"Huwag na!" Pagputol niya sa sasabihin ng asawa. "Naiintindihan kita at pinipilit kong intindihin ka kahit ang totoo--" tumigil siya sa pagsalita dahil naninikip ang kaniyang dibdib. "M-Masakit na..." inilapag niya ang pulang rosas sa mesa at naunang lumabas sa unit nila.
Tahimik sila sa sasakyan. Ni wala kahit na isa ang gustong magsalita.
"Psh!" Kanina pa hindi mapakali si Sky dahil sa mga tumatawag.
"Sagutin mo na," utos ni Taira.
"Ayoko. Istorbo lang," sagot nito at inihimpil ang sasakyan sa tapatnng bahay nina Lester. Ang daming mamahaling sasakyan sa labas. Naunang bumaba si Sky para pagbuksan ang asawa.
"Let's go?" hinawakan niya sa siko si Taira. "Babymine!" Sigaw niya at agad na sinalo ang hinimatay na asawa.
"Shit! Grace, tulong!" Tawag ni Sky mang makitang lumabas ang nerd na kaibigan ng asawa.
Mabilis na isinugod nila ito sa pinakamalapit na hospital.
"Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tyron nang dumating ito kasama ang buong pamilya.
"H-Hinimatay lang siya bigla." Kanina pa siya pabalik-balik sa labas ng emergency room. Hindi niya kayang tingnan ang asawa dahil baka himatayin din siya.
Nang lumabas ang doctor ay si Aira na ang kinausap nito dahil parehong hindi mo makausap ng matino sina Tyron at Sky. Ini-admit nila ang dalaga dahil sa typhoid fever.
Kinabukasan, nag-conduct ng other examination ang health care personel dahil sa reklamo ng heavy menstrual bleeding na mahigit isang linggo na at pananakit ng puson at likod.
"I'm sorry to tell you this but, you have a myoma," pagbabalita ng doctor.
"A-ano po ang myoma?" kinakabahang tanong ni Sky pero nakikinig lang si Taira.
"It is a benign noncancerous tumor that develops in or around the uterus of your wife at sa kaso ng asawa mo, we need to remove it through surgery." Pag-e-explain ng babaeng doctor kay Sky. Silang dalawa na lang ang nasa hospital dahil umuwi muna ang mga magulang niya at may pasok naman ang mga kapatid.
"D-Doc? H-Hindi na ba ako mabubuntis kapag may myoma ako?" diretsahang tanong ni Taira at pilit na pinapatatag ang sarili. Iyon ang unang pumasok sa utak niya-ang kaniyang pagbubuntis.
"Well, fibroids can reduce fertility," panimula ng doctor, "Changes the shape if cervix can affect the number of  sperm that can enter the uterus. Changes in the shape of uterus, can interfere with the movement of the sperm or embryo. But if it is treated, your fertility may be restored," sagot ng doctor. "Pero maka-cause siya ng complications kapag mabuntis ka gaya ng pre-term labor, miscarriage o caesarian section," she explained.
Inilagay ni Taira sa mukha ang dalawang palad at umiyak ng todo. Natatakot siya! Natatakot ito na baka hindi na siya mabubuntis pa matapos ng surgery niya. Natatakot siya na baka iiwan siya ni Sky kapag hindi niya mabigyan ng anak at tuluyan na itong sasama kay Amanda para mabuo ang pamilya nila! Hindi niya iyon makakaya!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon