2

1.5K 33 0
                                    




My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Bumalik na ako sa classroom ko at iniwan ang mga loko matapos kumain ng tanghalian. Well, masarap magluto si Ate Yana kaya ang dami kong nakain.
"Hi, may nakaupo ba rito sa tabi mo?" tanong ng lalaking nasa likuran ko.
"Lester?" tanong ko. Naging busy na ako sa kakaiwas kay Sky kaya hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko.
"Nursing ka rin?"
"Hindi ah. Pinuntahan ko lang dito ang sister ko. Lumipat ka na pala." Sagot nito at naupo sa tabi ko.
"Ah, ano pala ang pangalan ng sister mo? Wala pa kasi akong kakilala rito," tanong ko. Si Amanda lang ang nakilala ko.
"Grace. Iyong kulot ang buhok na medyo chubby," sagot nito.
"Ah, iyong nakasalamin?" tanong ko.
"Oo, iyong medyo nerd." Napailing ito na tila ba suyang-suya sa kapatid.
"Pero maganda naman siya," sagot ko. Napansin kong nag-iisa lang ito kanina at mukhang walang masyadong kaibigan.
"Talaga? Nagagandahan ko sa nerd na iyon?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo naman. Hindi porket nakasalamin ang tao at may makakapal na librong bitbit ay pangit na." Sagot ko.
"Ang bait mo talaga," mahinang kinurot niya ang pisngi ko pero nang matauhan ay namula ito.
"S-Sorry, hindi ko lang napigilan. Nasanay na kasi ako kay Mommy at kay Grace na palaging kinukurot ang pisngi nila." Sagot ni Lester.
"Okay lang. Basta ba hindi ako masaktan," nginitian ko siya. Mabait si Lester at aminado akong magaan ang loob ko sa kaniya mula nang tinulungan niya ako noong madapa ako. Siya pa nga ang rason noon kung bakit kami nag-away ni Sky dahil bakit kailangan ko pa raw talagang magpabuhat.
"Lester? Salamat pala sa tulong mo noon," sabi ko.
"Naalala mo pa pala iyon? Okay lang. Mabuti naman dahil hindi na kayo magkasama ni Sky."
"Bakit naman?" natatawang tanong ko.
"Baka kasi awayin na naman niya ako. Alam mo naman iyon. Masyadong protective pagdating sa iyo," sagot niya.
"Ah, oo."
"Mauna na ako. Baka nandoon na ang teacher namin," paalam niya.
"Okay..." sagot ko. Nang lumabas ito ay nakasalubong niya ang kapatid na inayos ang makapal na salamin.
"Hoy nerd! Doon ka nga sa likuran para walang nakakakita ng kapangitan mo!" Wika ng kaklase ko. Kasama nito ang tatlong barkadang maaarte. Makapal pa ang mga blushon nila.
"Ako na naman ang nakita ninyo, Anjie?" sagot ni Grace.
"So? Kumuha ka ng nursing e ganiyan ang mukha mo? Baka imbes na mabuhay ang pasyente, baka magkaroon ng cardiac arrest kapag makita ka!" Sagot ng isa nilang kasama.
"Tabi!" Tinulak ni Anjie si Grace kaya natumba ito pero sa halip na tulungang makatayo ay nilagpasan pa ng apat. Nang makatayo ay tahimik na naupo si Grace dito sa likuran na nasa tabi ko. Napansin ko na ang sakit ng mga titig niya sa apat habang mahigpit ang pagkakahawak sa shoulder bag. Inayos niya ang makapal na salamin at biglang umiba ang mukha nang mapasulyap sa akin.
"Hi, Taira right?" tanong niya.
"Oo, paano mo ako nakilala?" tanong ko.
"Sino ba ang hindi makakilala sa bestriend ni Sky Villafuerte?" balik-tanong niya.
"Sikat lang pala ako dahil kay Sky," pagbibiro ko.
"Hindi naman," namula ito at napayuko. Pustahan, isa na naman ito sa palihim na humahanga sa loko.

"Grace? Mababait ba ang mga kaklase natin?" tanong ko.
"Mga bully. Wala akong ka-close dahil nerd ako sa paningin nila," sagot nito. Napabuntong hininga ako.
"Maganda ka. Alam mo bang dating nerd din si Tita Kimberly?" tanong ko.
"Oo, alam ko. Mother iyon nina Sky, 'di ba?"
"Oo." Sagot ko.
Tumahimik kami pareho nang dumating ang isa pang nerd sa classroom na ito at tumabi sa left side ko kaya napagitnaan ako ng dalawang nerd.
"Hi," bati ko. Okay lang naman siguro kung makipagkaibigan ako sa mga nerds dahil mabait naman ang mga ito. Hopefully.
"Hello," nahihiyang sagot niya at umiwas ng mga mata. Masyado naman siyang mahiyain.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ko.
"Jack..." tipid na sagot niya. Napansin kong namumutla ito. Nahiya siguro.
"Ako pala si Taira." Sagot ko.
"A-Alam ko..." Nauutal na sagot niya. Mabuti naman dahil dumating na ang guro namin. My ghad! Isang tanong isang sagot naman ang mga ito.
Pagkalabas ko sa classroom ay nasa labas si Sky at mukhang may hinihintay. Malamang, si Amanda. Pagkakita sa akin ay lalapitan sana niya ako kaso biglang sumulpot ang ahas.
"SKY!" Niyakap niya si Sky at hinalikan sa pisngi. Sa harap ko pa!
"Amanda? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Sky pero ang mga mata ay nakatuon sa akin.
"Nag-aaral. Gusto lang talaga kitang i-surprise," masayang sagot nito. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at bahala na kung madaanan ko sila.
"Na surprise nga ako."
"Talaga? Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?" malambing na tanong nito. Hinila ko ang lalaking nakasabay ko para hindi naman ako mainis kapag mapadaan ako sa kanila.
"T-Tai..." nauutal siya kaya alam kong si Jack ang nahila ko.
"Sabay na tayo, Jack." Malambing na sabi ko. Nararamdaman kong nanginginig ang braso nito but damn, i need him right now.
"Mas ikakatuwa ko kapag hindi ka na nag-aral dito," wala sa sariling sagot ni Sky nang dumaan kami ni Nerd at tinitigan ako ng masakit. Iyong tinging nakakamatay.
"WHAT?" bulalas ni Amanda.
"H-Ha? Mas ikakatuwa ko kung kakain na tayo. Sorry, nawala lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagod." Bawi ni Sky. Buti nga sa kanila.
Malayo na kami ni Jack kaya bumitaw na ako sa pagkakahawak sa braso niya.
"Salamat, Jack." Sabi ko.
"W-Wlang ano man..."
"Natatakot ka ba sa akin?" tanong ko. Parang naiihi kasi ang mukha nito.
"H-Hindi. Nahihiya lang ako kasi hindi ko i-inaasahang kausapin mo ako." Nauutal na naman siya.
"Sus, bakit naman? Impossible ba iyon? Hindi naman ako mapanghusga." Sagot ko at nginitian siya.
"Kasi... Ikaw si Taira Rodriguez. Ang isa sa mga sikat sa university na ito." Sagot niya.
Sabay na kaming pumasok sa next subject namin. Ang layo ng next classroom. Nang makita ko si Grace ay hinila ko si Jack para umupo sa tabi nito. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin pero wala akong pakialam sa kanila.
"Ang daming naiinggit dahil kami ang kinakasama mo," bulong ni Grace.
"Totoo kasi kayong mga tao," sagot ko. Pareho silang hindi umiimik sa sinabi ko. Nang matapos na ang klase niya ay naglakad ako patungo sa classroom.
"Taira? Puwede ba tayong mag-usap?" gusto ko sanang umiwas nang makasalubong ko ang mokong na ito.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Iwasan mo ang nerd na iyon!" Sagot niya.
"Sino ka para utusan ako?" nakapamewang na tanong ko. Hindi ako magdadalawang isip na sapakin ito kapag mangulit pa..
"Tai naman. Maniwala ka sa akin. Hindi maganda ang kutob ko sa kaniya," parang naiihi na sagot niya.
"Bakit? Nangangain ba siya ng tao?" pamimilosopo ko..
"Psh! Basta!"
"Bakit nga?"
"Dahil inaagaw ka niya sa akin!" Diretsahang sagot niya kaya tinaasan ko ng kilay.
"Hindi mo naman ako pagmamay-ari, Sky!"
"Kapag ba hilingin ko na angkinin ka, papayag ka ba?"
"TIGILAN MO NGA AKO! Bakit nandito ka?" bulyaw ko. Ganiyan siya palagi mula noon. Puro pasaring.
"Kasi iyon nga. Huwag mo naman ako ipagpalit sa nerd..." parang batang pakiusap niya.
"Hindi naman tayo close at isa pa, may GIRLFRIEND ka naman!" Giit ko. Umiba ang awra nito at nagtagis ang mga bagang.
"Bakit ba mahilig ka sa mga nerd?" tanong niya sa akin. "Noong bata pa tayo, ipinagpalit mo rin ako sa isang nerd." Panunumbat niya sa akin.
"Aalis na ako. Nandiyan na si Kuya Aron," pag-iiba ko ng usapan saka nilampasan pa. Mabuti naman dahil hinayaan niya akong makaalis.
Humalik ako sa pisngi ni Kuya bago pumasok sa binuksan niyang pinto sa back seat. Nang makapasok ako ay nasa tabi na nito ang kasintahang si Julie na dati kong kaklase. Nginitian ko lang siya at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Naalala ko ang rason kung bakit palaging nasa tabi ko at nasa bahay si Sky.
"Kamusta na kaya siya?" sambit ko.
Flashback....
"Hi, ano ang pangalan mo?" tanong ko sa batang nakaupo sa isang sulok at walang kinakausap. Birthday ngayon ni Daddy pero mas pinili niyang maging isang children's party at reunion nila ng mga kaibigan at kakilala niya. Hindi nga namin inaasahan ni Jairah na may kapatid pa kami at ang bait ni Kuya Aron kaya naging close kami kaagad ng kakambal ko kay Kuya.
"Bakit mo n-natanong?" nauutal na sagot nito. Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kaniya. My mom told me na huwag mapaghusga sa kapwa.
"Kasi gusto kita maging kaibigan."
"Ha? Eh... Ang g-ganda mo!" Sagot nito at inayos ang makapal na salamin.
"Ang bata mo pa para magsuot ng salamin," pag-iiba ko ng usapan. Ang cute kasi niya tingnan.
"M-Malabo kasi ang mga mata ko," napayuko ito at mukhang ayaw niyang makita ko ang mukha niya.
"Taira! SINO SIYA?" Nakasimangot na tanong ni Sky nang lumapit sa amin. Hindi ko naman siya masagot dahil hindi ako nasagot ng bata. Hindi ko siya maintindihan. Palagi na lang siyang naghuhubad tapos umiihi sa harapan ko kaya palagi kaming napapagalitan nina Daddy pero kapag si Jairah o ibang tao ang kaharap, hindi naman ito naghuhubad. Nakita ko tuloy ang pitotoy niya.
"Huwag kang makipagkaibigan sa kaniya! Ang pangit kaya niya!" Panunuya ni Sky saka hinila ako palayo sa batang nerd.
"Bitiwan mo nga ako! Isusumbong kita kay Daddy!" Pagbabanta ko. Napansin ko kasing naiiyak na ang batang nerd. Ang sakit kasi magsalita ni Sky.
"Sino ang pipiliin mo? Siya o ako?" pagsisinuplado niya at nakasalubong na ang mga kilay. Palipat-lipat ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
"SIYA!" Sagot ko dahil naaawa na talaga ako sa lalaki. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.
"I HATE YOU!" Sigaw ni Sky sabay tulak sa nerd kaya natumba ito pero sa laking gulat ko ay tumayo ito at itinulak din si Sky.
"Ayaw nga niya sa iyo! Ako ang pinili niya!"
"HINDI 'YAN TOTOO! AKIN LANG SI TAI-TAI KO!" Nagsusuntukan na sila.
"T-Tama na. Huhuhu!" Umiiyak na pakiusap ko. Natatakot ako!
"Tigilan mo ang kapatid namin!" Matapang ma sabi ni Blue at pinagtutulungan nila ang batang nerd pero may mga batang nakipagbuno rin sa triplets at nagkarambulan na. Iyak ako nang iyak. Mabuti na lang dahil agad na dumating ang mga mommy at daddy namin.
-----------END OF FLASHBACK-------

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon