31

1K 34 0
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  31

Unedited...

"Ano na naman ang problema mo?" tanong ni Aron sa kapatid habang papasok sila sa tambayan.
"Wala."
"C'mon, Taira. Alam kong mayroon."
"Wala nga po, kuya."
"Si Sky ba?"
"Nope..."
"Kapag inaway ka ni Sky, ipaalam mo lang sa amin ni Daddy."
"Hindi nga," todo tanggi ng kapatid.
"Masakit pa rin ba ang ulo mo?"
"Okay na. Wala na akong lagnat," ani Taira at dumiretso sa kusina para alamin kung ano ang ulam.
"Nasaan si Taira?" tanong ni Sky nang kakapasok lang.
"Ano ba ang problema mo?" tanong ni Kean na nakaupo sa silya kasama si Keana.
"Nasaan na kasi ang asawa ko?" ulit na tanong ni Sky.
"Nag-away ba kayo ng kapatid ko?" usisa ni Tyron.
"Wala ah. Bakit naman kami mag-away ng babymine ko? E mahal ko ang kapatid mo?" parang batang sabi ni Sky at mabilis na lumapit sa asawa bago nang makita sa kusina.
"Babymine? Bakit mo ako iniwan? Akala ko, nasa classroom ka pa," nagtatampong sabi nito at niyakap ang asawa na nakatalikod sa kaniya at nanonood kay Ate Yana na nagluluto.
"Bakit? Ayaw mo bang iiwan kita?" seryosong tanong ni Taira kaya natigilan si Sky.
"M-May balak ka bang iwan ako?" natatakot na tanong ng lalaki.
"Bakit? Gusto mo bang iiwan kita?" balik-tanong na naman ni Taira at humarap kay Sky. Kagabi pa niya ito gustong sampalin pero pinipigilan lang niya.
"H-Hindi. Ayoko..." Kinakabang sagot ng binata.
"Bakit ka kinakabahan?"
"Wala ah. K-Kuwan... Parang seryoso ka kasi..." sagot ng binata at ang lakas ng pagpintig ng kaniyang puso.
"Lahat na lang ba, ginagawa mong biro kahit na seryosong bagay na? Matuto kang ilagay ang mga bagay-bagay sa tamang lugar. Matuto kang ilagay ang jokes mo sa tamang pagkakataon at sitwasyon." Naramdaman ni Sky ang galit sa boses ni Taira kaya mas lalo siyang kinabahan. Lumabas si Ate Yana para bumili ng sili na ilalagay sa nilulutong sinigang kaya silang dalawa lang ang naiwan sa kusina.
"H-Hindi ako nagbibiro at alam mo iyon. Akala ninyo ay nagbibiro lang ako dahil sanay kayong puro lang ako patawa pero hindi ko naman sinasadya iyon," tugon ni Sky "Alam mong mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin."
Hinapit niya ito sa bewang at hinalikan sa noo kaya umiyak na si Taira.
"H-Hey, babymine. Bakit ka umiyak?" tanong ni Sky at hinawakan ang magkabilang pisngi ng asawa. "May mali ba akong nagawa? M-May kasalanan ba ako?"
Umiwas siya ng mga mata nang tumingala si Taira.
"Sabihin mo sa akin ang totoo," kahit natatakot siya ay gusto niyang malaman ang lahat pero si Sky ang dapat na magsabi sa kaniya ng tungkol sa pagbubuntis ni Amanda.
"Kapag ba magkaroon ka ng anak sa iba, iiwan mo ako?"
Napatulala si Sky at hindi alam ang isasagot. Alam niyang may inililihim ito sa kaniya kaya naikuyom niya ang kamao. Wala talagang balak na sabihin sa kaniya ang totoo.
"Hanggang kailan mo balak na ilihim sa akin ang lahat?" pinilit niyang makapagsalita ng maayos para ipakitang hindi siya apektado kahit na umiiyak na siya.
"M-May aamininin ako sa iyo," mahinang sambit ni Sky at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "P-Puwede bang huwag mo munang ipaalam sa iba lalo na sa parents natin?" napalunok ito ng laway.
"Bakit?"
"D-Dahil hindi pa ako handa pero babymine, sana matapos mong malaman ang lahat, m-mahalin mo pa rin ako..." nakikiusap ang mga mata ni Sky kaya napapikit si Taira. Kahit na alam na niya ang lahat, masakit pa rin pala kapag ang asawa na niya ang magsasabi sa kaniya.
"A-Ano iyon?" tumingin siya sa kumukulong tubig ng niluluto ni Ate Yana para kahit paano, kaunti lang ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya pero hindi. Ang lakas ng agos nito.
"B-Babymine, huwag ka namang umiyak..." niyakap siya ni Sky ng sobrang higpit. Natatakot ito na kapag malaman ng asawa ang totoo ay iiwan siya nito at hindi niya iyon makakaya.
"Ano ang s-sasabihin mo?" sabi niya at napasiksik sa matipunong dibdib ng asawa.
"T-Tungkol sa amin ni A-Amanda..." mas lalong humagulgol ang iyak ni Taira kaya mas lalo ring humigpit ang mga yakap ni Sky.
"N-Next week, baka hindi ako makakauwi sa w-weekends k-kasi--" parang apoy na paunti-unting nalulusaw ang katawan ni Taira kaya inalalayan siya ni Sky na maupo sa silya.
"B-Babymine, alam kong m-mahal mo na ako at masakit para sa iyo ito p-pero kailangan ko ang cooperation mo," umiiyak na sabi ni Sky. Nasasaktan siya kapag nakikitang nasasaktan ang asawa. Gustuhin man niya pero kailangan niyang magsakripisyo kahit ngayon lang.
"I-Ituloy mo ang sasabihin mo," napahipamos siya. Kung puwede lang na takpan niya ang mga tainga niya para hindi marinig ang sasabihin ng asawa ay gagawin niya.
"B-Buntis si A-Amanda at k-kailangan niya ako," umiiyak na sabi ni Sky dahil sa labis na nasasaktan. Ayaw niyang lumayo sa asawa. Gusto niyang palagi itong katabi sa pagtulog niya lalo na ngayong nagkakasakit ito pero hindi puwede sa ngayon. Kailangan din siya ni Amanda dahil maselan ang pagbubuntis nito.
"B-Babymine? I-I'm sorry, u-uuwi naman ako kung kailangan mo ako. I-text o t-tawagan mo lang ako dahil i-ikaw pa rin ang priority ko," hinawakan ni Sky ang kanang kamay ni Taira pero agad nitong binawi at galit na tiningnan niya.
"Ano ang gusto mo? T-Tanggapin ko ang kasalanan mo? Magpaka-martyr ako para lang sa inyo? Maging isang dakilang asawa ako? N-Na uuwian mo lang kapag sinabi ko? N-Na hindi ako ang priority mo?" pinahidan niya ang mga luha at galit na tumayo. Sino ba ang tangang babaeng tanggapin pa ang asawa matapos na magkaroon ito ng anak sa iba? Ganoon na ba kababa ang tingin sa kaniya ni Sky?
"I-Ikaw ang priority ko," umiiyak na sagot ni Sky, "Buong buhay ko, i-ikaw ang priority ko! K-Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin na g-gawin ito. N-Na iwan ka sa bahay nating mag-isa," humagulgol din si Sky sa pag-iyak.
"Pero bakit ginawa mo pa rin? K-Kung gusto mong puntahan si Amanda, doon ka na sa kaniya! Magsama kayo!" patakbong lumabas si Taira sa tambayan. Ni hindi na niya pinansin ang mga tumatawag sa kaniya lalo na ang kuya niya. Wala rin siyang pakialam sa mga nag-uusisang mga mata na nasa paligid niya. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang takasan ang mundo.
Nasa labas na siya ng gate nang makasalubong si Lester.
"Taira?" tawag nito, "A-Ano ang nangyari? Okay ka lang? Bakita ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng binata. Walang anu-ano'y niyakap siya nito ng sobrang higpit at lalong humagulgol sa pag-iyak.
"Hey, may nangyari ba? Pinaiyak ka ba niya?" hinimas ni Lester ang likod nito para gumaan ang pakiramdam ni Taira. Kahit sa ganitong paraan ay makatulong man lang siya.
"M-Masakit! Ang sakit, sakit!" Parang batang sumbong niya sa kaibigan. May mga dumadaan sa kanila pero sa mga oras na ito, kailangan niya ng karamay at nagkataong si Lester ang nandito. Wala silang anak ni Sky at ayaw talaga niyang magkaroon ng anak dahil hindi pa siya handa kaya siguro naghanap ito ng maaanakan at si Amanda ang handang magbigay nito sa kaniya.
"Hush, tahan na ha. Nandito lang ako," nasasaktan din si Lester sa nakikita. Para itong batang aping-api ng mga nangbu-bully sa kaniya. Kung puwede lang niyang agawin ito kay Sky, gagawin niya at hinding-hindi niya ito paiiyakin.
"Huwag mo siyang iyakan! Hindi niya deserve ang mga luha mo," madilim ang mga mukhang sabi ni Lester.
"Babymine!" Tawag ni Sky na papalapit sa kanila kaya kumalas si Taira mula sa pagkakayakap kay Lester at pinahidan ang mga luha. Ipinara niya ang dumaang taxi.
"B-Babymine, sandali!" Tawag ni Sky na namumula rin ang mga mata pero hinarangan ni Lester.
"Tumabi kang Letse ka!" Galit na sabi ni Sky nang makitang nakasakay na ang asawa.
"Ayaw ka niyang makita!" sinalubong ni Lester ang mga mata ng binata.
"Sino ka para pakialaman ang buhay naming mag-asawa?" naikuyom ni Sky ang kamao nang umalis na ang taxi tangay ang asawa.
"Kaibigan niya..."
"Kaibigan? Kailan lang? Masyado ka naman yatang ambisyoso? Alam kong may gusto ka sa 'asawa' ko pero huwag mo nang pangarapin ang taong mahirap mapasaiyo! Ako pa rin ang mamahalin niya!" Nakataas ang kilay ni Sky. Gusto niyang isampal sa mukha ng kaharap na wala itong puwang sa buhay ng asawa niya.
"Talaga?" Ngumisi si Lester. "Minsan na niya akong pinili laban sa iyo, remember?"
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" napakunot ang noo ni Sky.
"Kailangan ko pa bang i-remind sa iyo noong mga bata pa tayo kung saan ako ang pinili ni Tai-Tai kaysa sa iyo?"
Hindi nakakilos si Sky sa kinatatayuan para itong bomba na sumabog sa mukha niya. "I-Ikaw ang nerd na iyon?"
"May iba pa ba?" sabay talikod ni Lester kay Sky.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon