7

1K 35 0
                                    





My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited...

Seryoso ako. Oras na maitype ko, hindi ko na talaga ire-review kaya kung magkakabaliktad man ang names, feel free sa pag-correct. Edit ko. Pero kng maling words, hayaan niyo na. Wala naman tayo sa publishing world para maging perfect. Kung nagrereklamo ka dahil sa mali-mali ko, reklamo ka lang. Hindi ko naman ikakamatay yan. Hehehe ✌ ✌ ✌
"Kamusta na kayo ni Nathalie?" tanong ni Jerome kay Black habang nakaupo sila at naghaharutan ang mga magbarkada.
"Okay lang. Medyo nagkatampuhan pero naaayos din naman," sagot ni Black. Napasulyap siya kina Sky at Keana na naghaharutan. Pasimpleng tumaas ang kilay niya nang makita ang pagtago ni Keana sa likuran ni Sky.
"Seryoso ka na ba talaga sa kaniya?" tanong ni Jerome.
"Oo naman, hindi naman ako magsyota kapag paglaruan ko lang sa siya," sagot ni Black. "Ikaw? Kailan ka magseryoso?" tanong niya sa kaibigan. Isa rin ang lalaking 'to! Sa tuwing nababalitaan niya ito ay may babae talagang nakalakip sa pangalan.
"Kapag makita ko na ang taong para sa akin," nakangiting sagot ni Jerome at humarap kay Black. "Kailan mo ba masasabing nagmahal ka na?"
"Malay ko," sagot ni Black. Kahit siya ay hindi niya maintindihan kung bakit niya minahal si Nathalie. Ni hindi nga niya matandaan kung kailan. "Basta ang alam ko, hindi ko na kayang mawala pa si Nathalie sa akin." Sagot niya na biglang ikinatawa ni Jerome.
"Damn, corny mo, 'tol!" Tumayo si Jerome at naglakad patungo sa magpinsan na nasa kusina.
"S-Sky, nandiyan na siya!" Bulong ni Keana.
"Ewan ko sa 'yo!" Pagmamaktol ni Sky at iniwan ang pinsan na tila napako sa kinatatayuan niya.
"Keana?"
"O-Op?" nauutal na sagot ng dalaga.
"Kailan mo ba masasabing mahal mo ang isang tao?" tanong ni Jerome at kumuha ng tubig sa ref saka humarap sa kaniya.
"H-Huh? M-May mahal ka nang iba?" nanlulumong tanong ng dalaga. Napatitig siya sa guwapong mukha ni Jerome nang tumawa ito.
"Hindi pa naman. Kaya nga nagtatanong ako, 'di ba?"
"K-Kuwan... Baka kapag makaramdam ka na ng chuvachuchu?" patanong na sagot ni Keana.
"Ano 'yong chuvachuchu?" nagtatakang tanong ni Jerome at napatingin sa niluluto ni Ate Yana.
"Iyong kakambal ng churvachurva ni Lola Patch," sagot ni Sky nang bumalik sa kusina.
"Tumigil ka nga, Sky!" Saway ni Keana at napasulyap kay Jerome na nanonood kay Ate Yana.
"Mukhang masarap po 'yan. Amoy pa lang, nakakatakam na," ani Jerome.
"Paborito 'yan ni Black, adobong utong!" Sabat ni Sky at tinawag ang kapatid. "Halika rito, Black, dali!"
Mabilis naman ang pagtayo ni Black dahil sa tono ng pagtawag ni Sky na para bang isang napakaimportanteng bagay ang dahilan ng pagtawag nito.
"Hindi ba, fovorite ulam mo ang utong?" inakbayan pa siya ni Sky kaya biglang dumilim ang mukha ni Black.
"Utong?" nagtatakang tanong ni Jerome.
"Utong kasi ang tawag niyan sa Ilocos kaya nasanay na ang triplets sa ganiyang term," si Ate Yana na ang sumagot. Natutunan daw ng triplets ang ganito dahil taga Ilocos ang isang kasambahay nila.
"Ah, paborito mo pala ang utong, Black?" ngingiti-ngiti na sabi ni Jerome.
"Oo," napakamot sa ulo na sagot ng kaibigan.
"Oh, 'di ba? Lalaking- lalaki ang kapatid ko!" Pagmamalaking wika ni Sky na tinanggal na ang kamay sa balikat ni Black.
"Lalaki naman talaga! Kaya nga mahal ko si Natty, 'di ba?" napipikon na sagot ni Black saka tinalikuran ang mga ito.
"Dito ka na kumain," magiliw na wika ni Ate Yana kay Jerome. Magaan ang loob niya sa binata. Isa pa, kaibigan naman ito ng mga amo niya.
"Sige po. Keana? Okay lang ba na rito ako kakain mamaya?" tanong ni Jerome sa tahimik na dalaga.
"Psh! Hayaan mo na, Jerome. Busy siya sa chuvachuchu niya!" Wika ni Sky saka hinila ang kaibigan palabas ng kusina. Naupo naman si Jerome sa tabi ni Black habang si Sky ay nilapitan si Taira na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Kean.
"Tai? Kamusta sa classroom ninyo? Marami ba ang nangbu-bully sa iyo?" tanong ni Sky. "Sabihin mo lang sa akin. Ipagtatanggol kita."
"Corny mo, 'insan!" Sabat ni Kean.
"Ikaw ang corny! Umalis ka na nga! Mag-uusap kami ni Taira!" Pagtataboy ni Sky sa pinsan at hinila pa ito para tumayo.
"Oo na! Nakakaasar ka!" Wika ni Kean. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan si Sky. Magulo kausap!
"Kuya? Saan si Julie?" tanong ni Taira nang pumasok ang kapatid.
"Sinundo ng mommy niya. Nagpapasama raw na bumili ng mga gamit para sa bahay nila," sagot ni Aron at nginitian ang kapatid.
"Huwag kang magpaloko kay Sky," bilin nito at pinuntahan sina Black at Jerome kaya naiwan na naman si Taira kay Sky.
"Tai-Tai, huwag ka raw magpaloko sa akin." Sagot ni Sky at hinawakan ang kamay ng kababata na hanggang ngayon ay dini-dedma siya. "Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na lokohin ka." Dagdag ng binata at pinaglaruan ang mga daliri ni Taira. Lalong pumantig ang tainga ni Taira sa narinig. Ganiyan naman si Sky parati sa kaniya.
"Tai? Galit ka ba talaga sa akin? Hindi ba puwedeng bati na tayo?"
Nang hindi makatiis ay sinagot na siya ni Taira. "Kailan pa ba tayo nag-away, Sky?"
"Hindi ko alam. Ramdam ko kasi na iniiwasan mo ako," malungkot na sagot ni Sky at humarap kay Taira.
"Tai, ayaw ko ng ganito. Sana naman, magkabati na tayo. Nahihirapan na kasi ako na palaging balewala lang ako sa iyo. Mula pa noong bata tayo, hindi na ako ang priority mo. Palagi na lang akong kulelat kapag pumili ng mga tao. Mas inuna mo pa nga ang nerd na iyon noon kaysa sa akin, 'di ba?" sumbat ni Sky. Siya lang namannang pumipilit ng sarili niya kay Taira mula pa noon pero sa tuwing magkasama sila, hindi naman maitago sa mukha ni Taira ang pagkairita. Isa sa mga rason kung bakit naging makapal ang mukha niya dahil ayaw niyang masaktan. Sanay na kasi siyang nasasaktan ng palihim pero ayaw niyang mapahiya kaya dedma na lang din siya sa mga nangyayari sa paligid. All he wants is her attention.
"Puro ka kasi biro! Sino ang gustong makasama ka? Lahat na lang ng bagay, dinadaan mo sa biro! Marami ka namang babae kaya hindi na ako kawalan sa iyo!" Sagot ni Taira. Gusto niyang maiyak pero nunca na ipakita niya kay Sky na apektado siya rito!
"Palagi mo na lang kasi akong pinagtutulakan sa iba! Ako naman si Tanga na lapit pa rin sa iyo nang lapit!" Medyo tumaas na ang boses ni Sky kaya tumahimik ang nasa paligid.
"Hindi kasi lahat ng bagay at tao ay nadadaan sa biro, Sky!" Tumaas na rin ang boses ni Taira saka nakipagtitigan sa kababata.
"Kapag ba magseryoso ako, maniniwala ka ba?"
"Baka sakali!" Walang ganang sagot ni Taira.
"FINE!" Pagsuko ni Sky at itinaas pa ang mga kamay bilang pagsuko. "MAHAL KITA!" Seryosong pag-amin niya saka pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Hindi na natuloy pa ni Aron ang pag-inom ng tubig sa narinig. Kahit sina Black ay napatigil sa ginagawa dahil sa sinabi ni Sky.
"Hindi ka naniniwala, 'di ba? Kasi lahat ng sasabihin ko ay puro biro lang naman sa iyo," nadisappoint siya nang napatulala si Taira. Alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya. "Kung sabagay, kaibigan lang ang turing mo sa akin." Tumayo siya at malungkot na lumabas. Napipikon dahil ni hindi man lang nakapagsalita si Taira.
"Psh! Kaibigan lang talaga ako para sa kaniya," bulong ni Sky habang naglalakad sa hallway.

A/N:

Series po ito kaya pakibasa ng first story. "University Princes" at "Beki si Black". Para mas makilala mo ang iba pang tauhan pero kung tinatamad ka, keribels lang.
May face na sina Jerome at Aron. Hehehe.
Curious kaya binasa rin niya. Hehehe. Salamat!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon