19

850 26 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-PRINCE 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...

"Nakakainis! NAIINIS AKO!" Sigaw ni Keana
nang makapasok sa rooftop. Umiiyak na
dumungaw siya sa ibaba at buong lakas na
sumigaw.
"I HATE YOU, SKY! ANO KUNG CRUSH KO
SI JEROME? CRUSH LANG NAMAN EH!"
Umiiyak talaha siya ng bonggang bongga
dahil sa sobrang pagkapahiya.
"Kung nagda-drama ka, puwede, huwag
kang mang-istorbo?" napalingon siya sa
lalaking kakabangon lang. Nakahiga ito sa
isang sulok at sinapinan lang ng tela ang
malamig na semento. Malinis naman dahil
bago pa buksan ang gate ng Westbridge ay
nilinis na ng tigalinis ito araw-araw.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" pinahidan
niya ang mga luha at sumimangot dahil
nakita na naman niya ang lalaking kinaiinisan
niya.
"Natutulog. Magpapahinga SANA!" Giit nito.
"Hindi mo ito tambayan at para lang sa
aming magbarkada ito!" Tinaasan niya ng
kilay ang binatang palapit sa kaniya.
"Alam mo bang ang pinakaayaw ko ay ang
babaeng madaldal at higit sa lahat, isip
bata?" wika nito at isinandal siya sa malamig
na railings.
"Lumayo ka nga sa akin!" Itinutulak niya
pero tila bakal ang katawan nito. "Ayaw mo
sa akin pero niligawan mo naman ako!"
Napatulala siya nang idinikit nito ang
katawan sa katawan niya kaya nataranta siya.
Nararamdaman niya ang mainit na hininga
nito sa pisngi niya. At aaminin niya, ang
bango ng hininga nito. Amoy colgate.
Mukhang kakatapos lang mag-toothbrush.
"Alam mo bang good kisser ako?"
napanganga siya sa sinabi nito at automatic
na itinakip ang kanang palad sa mga labi
nang bumaba ang tingin nito sa mga labi
niya. "Pero huwag kang mag-alala, Keana.
Hindi naman kita pipilitin. Kusa mong
ibibigay iyan sa akin," nakangisi nitong wika
at inilayo ang katawan sa kaniya.
"Huwag ka nang umasang mapapansin ka pa
ni Jerome. Hindi ka niya type!" Panunuya
nito. "Ang layo ng ugali ninyo ng babaeng
natitipuhan niya."
"Kapal mo! Pero mas maganda ako kaysa sa
kung sino man ang babaeng iyon!" Taas
noong sagot ni Keana at namewang pa.
"You think so?"
"Oo!"
"Kung sa mga mata ko, masasabi kong 'oo'.
Pero sa mga mata ni Jerome?" tila
napapaisip pa ito ng susunod na sasabihin.
"Isa ka lang kindergarten!"
"ANG KAPAL MO, ALWYN! ANG KAPAL
MO!" Singhal ni Keana.
"Psh! Maiwan na kita. Hindi ako nakikipag-
usap sa mga bata!"
"Pero niligawan mo ako!"
"Tinanong lang kita kung puwede kitang
ligawan..." pagtatama ni Alwyn.
"Panliligaw pa rin ang tawag don!"
"Nagtatanong lang, manligaw kaagad?"
"Aminin mo na kasi! Gusto mo ako pero
HINDI KITA TYPE!" Pagsisinuplada ng
dalaga.
"So? Type mo ako o hindi, sa akin din
naman ang bagsak mo!"
"Kapal mo!" Padabog na lumabas na naman
siya sa rooftop at bumaba bg hagdan.
Badtrip na nga siya sa tambayan, mas na-
badtrip pa siya sa rooftop.

------------

"Babymine ko? Kain ka pa ng marami," ani
Sky saka inilapit ang kanin kay Taira. Nasa
bahay ng mga Villafuerte ang dalaga dahil
inimbitahan ni Kimberly na dito na siya
mag-dinner.
"Huwag kang mahiya, Tai, sooner, magiging
miyembro ka na rin ng pamilya namin."
Magiliw na wika ni Kimberly sa dalaga. Mula
noon, boto na talaga sila kay Taira para sa
anak nila.
"S-Salamat ho, tita."
"Mommy? May regalo ako kay baby Red."
pag-iiba ni Sky nang mapansing naiilang si
Taira sa mga magulang. Silang apat lang ang
nasa hapag-kainan dahil wala pa si Blue.
"Mabuti naman at naalala mo ang
pamangkin mo?" ani Kim.
"Oo naman. Love ko 'yan si Red. Next year,
bibigyan ko kayo ulit ng apo..." masamang
tiningnan ni Taira ang binata pero walang
epekto ang mga titig niya. Dini-dedma lang
siya ni Sky.
"Depende kung papayag si Taira," sagot ni
Kimberly pero man pinili ng dalaga na
manahimik na lang. Mahirap nang humaba
pa ang kanilang usapan.
"Nextime na lang. Okay na ako kay Red. Isa
pa, mukhang pinilit mo lang naman 'yan para
pakasalan ka!" Sabat ng ama.
"Ang sakit mo namang magsalita!"
madamdaming wika ni Sky.
"Tumigil na nga kayo at ipagpatuloy ninyo
ang pagkain." saway ni Kimberly at hinarap
ang dalaga. "Dito ka na matulog, hija."
"Oo nga, babymine." Sabat ni Sky.
"U-Uuwi ho ako. Magagalit si Daddy dahil
ang sabi ko, hanggang alas onse lang ako
rito..." pero ang totoo ay halos ipagtulakan
na nga siya ng ama kanina. Galit pa rin ito
sa kaniya. Niloko lang daw niya ito dahil may
nangyari na sa kanila ni Sky.
"Si Daddy ang bahala kay Daddy Tyron," ani
Sky.
"Bahala kayo sa buhay ninyo! Huwag ninyo
akong idamay!" Todo tanggi ni Skyler.
Matapos nilang kumain ay nakipag-usap
muna si Taira sa mag-asawa kasama si Sky
pero hindi niya ito pinapansin.
"Irene!" Tawag ni Kimberly sa yaya ng bata.
Working student ito sa paaralan nila.
Paminsan-minsan ay sila ang nagbabantay sa
apo kapag may pasok ito. Kapag may lakad
sila ay iniiwan nila sa mga katulong.
"Bakit ho?" tanong ng dalaga.
"Kamusta si Red? Tulog na ba?" alas nuwebe
'y medya na sa cellphone ni Kimberly.
"Opo." magalang na sagot ni Irene.
"Matulog ka na. Kami na ni Skyler ang
bahala kay Red..."
"Ako na naman, honey? Sa mga anak natin,
ako lahat pati ba naman sa apo?" naiiyak na
sabat ni Skyler. Halos magkakaubos na ang
oras niya at walang tulog kina Erika at Lyn
noong isilang ng asawa ang kambal na
panganay nila. Mas lalong lumula pa nang
manganak na naman ito ng triplets tapos
ngayon, ang apo na naman?
"Huwag ka na kasing magreklamo, honey.
Mahal mo naman ang apo, 'di ba? Kawawa
nga si Baby Red eh, walang ina,"
paglalambing ni Kimberly pero sa halip na
maawa ay mas lalong nagalit si Skyler.
"Walang hiya kasi ang niya! Lalo na ang lola
ni Red!" naggagalaiti na naman siya sa galit
nang maalala si Stephen. Hindi talaga niya
mapatawad ito sa nangyari lalo na sa tuwing
maalala niya ang nakaraan nila. "SHIT!"
pagmumura ni Skyler.
"Dad, matagal na iyon. Isa pa, uso ang mag-
moveon." Natatawang sabat ni Sky. Kahit
siya siguro sa kalagayan ng ama ay iinit din
ang ulo niya.
"Letse kang bata ka! Hindi uso ang moveon
sa akin! Ikaw kaya ang makipagtalik sa
babaeng iyon tapos after ng ilang taon,
malalaman mo na lang na--haist!
NEVERMIND!" Napapunas si Skyler sa mga
labi. Diring-diri!
"Mauna na po ako," paalam ni Irene. Naiinis
na pinatay niya ang cellphone dahil sa
tumatawag. Panigurado, maniningil na
naman ng utang ang may-ari ng kotseng
iyon. Nabasag niya ang side mirror ng
sasakyan nito.
Pasado alas diyes ng gab nang nagpaalam
na si Taira kaya inihatid na siya ni Sky pauwi.
"Tai," tawag ni Sky nang tanggalin ni Taira
ang seatbelt. "Kung ayaw mong magpakasal
sa akin, hindi kita pipilitin..." nakatitig lang
ang dalaga rito. Tinatantiya kung seryoso ba
o nagbibiro na naman ito.
"Mahal kita pero kung nasasakal kang
kasama ako, hindi kita pipilitin. Sana
maintindihan mo na ginagawa ko ang lahat
para lang maniwala kang seryoso ako,"
napabuntong hininga si Taira. Kahit siya ay
naguguluhan din sa sitwasyon nila at sa
nararamdaman niya para kay Sky.
"Umuwi ka na..."
"W-Wala bang good night kiss?" atubiling
tanong ng binata.
"Good night!" Napipilitang sabi ni Taira saka
inilapit ang lips sa pisngi ni Sky pero
humarap ito sa kaniya ay sinalubong ang
mga labi niya ng mga labi nito. Itutulak na
sana niya pero naunahan siya ng binata sa
paghawak sa magkabilang balikat niya para
pigilan siya. Ilang buwan na ang nakalipas
nang huli nitong gawin ito.
Hindi siya makakilos. Ang bilis ng
pangyayari. Namalayan na lang niyang
tinutugon na niya ang mga halik ng binata.
Mapusok. Mapaghanap. Nang-aakit ang mga
dila ni Sky kaya nakipaghalikan siya rito.
Pareho silang nawawala sa katinuan.
Napasinghap siya nang maramdaman ang
mainit na mga palad ni Sky habang pinipisil
ang magkabila niyang dibdib.
Gusto niyang tumutol. Gusto niyang itigil ni
Sky ang ginagawa pero hindi kayang gawin
ng katawan ang isinisigaw ng kaniyang utak.
She wants more! Basta may kung anong
kiliti na nabuhay sa katawan niya. Ang
matamis na mga halik ni Sky, ayaw man
niyang aminin pero nakakabaliw.
Nakakadarang at masyadong nakakadala na
hindi niya kayang tanggihan.
Pareho silang napahiwalay nang may
malakas na kumakatok sa bintana nila.
Mabuti na lang dahil tented bintana ng
sasakyan ni Sky.
"S-Si Daddy..." hinihingal na sabi ni Taira
habang natarantang inaayos ang damit.
"Ito ang timing ni Tito Tyron na ikinaiinisan
ko!" Bulong ni Sky.
Nang sa tingin ni Taira ay naayos na ang
sarili, binuksan na niya ang pinto.
"Bilisan mo na at mag-usap tayo!" Ma
otoridad na utos ng ama. Hindi na maipinta
ang mukha nito.
"Y-Yes, dad."
Babati pa sana si Sky ng manmgandang gabi
pero tinalikuran na sila ni Tyron.
"Tai?" tawag ni Sky sa dalaga. "Masarap, 'di
ba?" nakangiting tanong niya na pinandilatan
lang ni Taira. "Just call me if you get
horny... You know... I'm always free..."
sabay wink ni Sky na ikinainis ni Taira. Basta
naiinis siya! Naiinis siya sa maraming bagay!
Pero isang rason lang ang mas nangibabaw,
parang nabitin yata siya?

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon